TONI POV...
"What??" Di makapaniwalang bulalas habang kausap ko ang lalaking lawyer ng Dad ko ng umuwi ako ng hacienda.. Nakita ko ang kalagayan ng daddy ko naka wheel chair na ito dahil sa mild stroke ay hindi na nito maigalaw ang kalahating bahagi ng kanyang katawan.. Ni wala man lang nagbalita sa amin sa kalagayan nya ilang buwan na ang nakalipas, tapos ayaw akong pansinin ni daddy sobrang galit nito sa akin.. Kaya minabuti kong kausapin na lang ang lawyer nito para magkalinawan kami..
"Paano nangyari yun Atty..!! nakita ko ang mga documents pinirmahan nya na pinamana sa kanya lahat ng pag aari ng dela Rosa." Medyo napataas na ang boses kong sabi dahil hindi ako makapaniwala na tinanggihan daw yun ni Sherry?
"Listen to me Monique." Tawag nito sa second name ko.. "Oo pinirmahan nya yun dahil naawa sya ng husto sa Dad mo dahil wala ng pwedeng mag aasikaso lahat ng to at ang plano nya if ever ma convinced ka nya na mag stay na dito sa hacienda isasalin din lahat iyon sa pangalan mo.." Napasinghap ako sa mga nalalaman ko ngayon.. "Mahal ni Sherry ang hacienda, yun ang kwento sa akin ni don Dionicio kaya lang..," Bahagya itong huminto sa kanyang sinasabi. " Mas mahal ka daw nya pagtatapat nya yun sa iyong ama.. Kaya lang bigla ka nalang umalis ni hindi mo hinintay ang paliwanag nya at naghintay ang Dad mo at si Sherry sayo pero hindi ka bumalik dito.. At nagpasya na lang din si Sherry na umalis dito. Pero bago yun gumawa ulit sila ng kasulatan na tinanggihan ni Sherry lahat ng offer ng Dad mo at nag signed sya dito. At yan yang hawak mo yang ang katibayan Monique. "
"Oh God!" Hindi ko mapigilang sabi.. Ginawa yun ni Sherry sinabi nya kay Dad ang relasyon naming dalawa.. Ibig sabihin mali lahat ng inaakusa ko sa kanya?
"Yeah Monique.." Tugon naman ni Atty na tila nabasa naman nito ang nasa isip ko.." Mula noon hindi na bumalik dito si Sherry at wala na kaming naging balita sa kanya hanggang ngayon,hanggang umuwi ka dito... At ganyan na ang kalagayan ng Dad mo. May tampo sya sayo ang gusto lang naman nya pamahalaan mo itong hacienda.. "
Ni hindi na halos rumihistro sa isip ko ang mga sinasabi ni Atty ang nasa isip ko ngayon ay ang ginawa ko Kay Sherry...All this time, wala pala itong ibang ginawa kundi mahalin ako at sinaktan ko lang sya...
Flight ko na nang araw na yun at nasa airport na ako ng biglang tumatawag si Sherry sa akin.. Malamang na diskubre na nito lahat ang ginawa ko. Dahil sinadya kung iwan ang passbook namin sa drawer ng kuwarto namin na wala ng laman..
Pinindot ko ang received call at tinapat ko yun sa kanang tainga ko.. Hinintay ko itong sya ang magsalita..
"Toni... Ba-bakit zero balance na ang bank account natin? Anong nangyari.. At asan ka ba?" Sunod sunod nitong tanong sa akin...
"Ang tanga tanga mo kasi Sherry nagtiwala ka kaagad sa akin.. Hindi ka ba nagtaka kung bakit ang bait bait ko sayo nung muli tayong nagkita?" Pagtatapat ko sa kanya.. "Alam mo bang gustong gusto kitang sampalin nung time na yun.. Pero nagtimpi lang ako at bumuo ng plano para makapaghiganti ako sayo!!"
"Panghihiganti para saan Toni? Anong pinagsasabi mo-"
"Huwag ka nang painosente pa.." Interrupt ko sa sinasabi nito.." Akala mo ba nakalimutan ko na ang ginawa mo sa hacienda namin 7years ago..? At ngayon nabawi ko na ang lahat ng perang ninakaw mo sa Dad ko.. Yung kotse mo,yung flower shop and yung bahay mo nabawi ko na pati yung pera kaya walang wala kana ngayon Sherry.." Binuhos ko lahat ng galit ko sa kanya ng sandaling yun!
Narinig ko ang pag hikbi nito dapat lang yun sa kanya.."Paano mo nagawa sa akin to Toni..wala akong ginawa kundi minahal kita... Mahal na mahal kita! Hindi mo ba yun naramdaman?" She umiyak ka lang.. Sinungaling hindi na ako maniniwala sa sinasabi mo. Tuya ng isip ko ng sandaling yun.
"And you know what.. Pabalik na ako ng Pinas ngayon.. Uuwi na ako ng hacienda at ipagbigay alam kay Dad na naipaghiganti ko na sya.. Ang bahay na tinitirhan mong yan ne rent ko lang yan at malapit ng matapos ang deposit nya.. At yung kotse kukunin na rin yan ng banko." Sabi ko pa... Paghikbi lang ang narinig ko sa kabilang linya.. Huwag mo syang kaawaan! Wika ko ulit sa sarili ko..
"Babe.... Hindi kita masisisi sa ginawa mo.. Siguro nga may mali din ako... Pero ito lang ang masasabi ko mahal na mahal kita tandaan mo yan.. Pinapahalagahan ko ang bawat sandali na magkasama tayo.. Ilove you so much.." At nag call ended na sa kabilang linya..
Hindi ko namalayang umaagos na pala ang luha ko ng sandaling yun. Napa kasama ko,sinaktan ko ang babaeng walang ibang ginawa kundi mahalin ako kundi pahalagahan ako..
Kailangan kong makabalik ng Paris kaagad.. Kailangan kung humingi ng kapatawaran Kay Sherry,sana mapatawad pa nya ako sa lahat ng nagawa ko..Narinig ko ang paghugot nang malalim na paghinga ni Atty..
"Kailangan mong mag stay na dito sa hacienda Monique, wala ng ibang mangangalaga dito kundi ikaw na lang.. Ikaw na lang ang inaasahan ng Dad mo." Seryosong sabi nito.. Oo gagawin ko yun pero kailangan ko munang bumalik ng Paris.. Tatlong araw na mula nung umuwi ako dito ni wala akong tinirang pera kay Sherry. Gosh!! Paano ko nagawa ang bagay na yun...