SHERRY POV...
Napasinghap ako ng biglang lumuhod si Toni sa harapan ko,sinadya kong magtago,sinadya kung hindi na magpakita pa sa kanya.. Pero nahanap nya parin ako,alam ko naman kung gaano ka impluwensya ang pamilya nito at expected ko nang matunton din nito kung nasaan ako.. Ang hindi ko lang inaasahan ngayon ay ang paghingi nito ng tawad sa ginawa nyang pag iwan sa Paris sa akin. At pagkuha ng lahat ng pinundar ko dito sa Pilipinas..
Tanggap ko naman ang ginawa nyang yun,alam kung malaki ang galit nya sa akin dati.. Tama rin si Carmen na sana huwag akong magpadalos dalos ng desisyon. May pagkakamali din ako.. Lalo ang naging desisyon kong humingi ng tulong mula kay Charles para maka uwi ng Pilipinas sana sa parents ko nalang. Kaya lang ayoko naman silang ma stressed dahil sa akin,nag eejoy sila sa buhay nila.
Dahil sa pagtulong ni Charles sa akin kapalit nun ay sabihin ko lahat sa kanya ang nangyari sa akin. Pati tungkol kay Toni ay nalaman nito kahit malaking insulto ito para sa kanya. Tinanggap parin nya ako ng buong buo,naramdaman ko namang mahal lang nya talaga ako. Isa pang kapalit ng pagtulong nito ay para bumalik ang relasyon naming dalawa,hindi na rin akong pwedeng tumanggi sa dami ng naitulong nito sa akin. At naawa na rin ako sa kanya,naawa na rin ako sa sarili ko sa nangyari sa relasyon namin ni Toni..
Alam kong hindi pababayaan ni Charles ang relasyon naming dalawa at gusto ko na ring kalimutan si Toni at ang mga nangyari.. Nanatili ako dito sa private resort namin para paghilumin ang sugat sa puso ko dulot ng nakaraan nangyari sa buhay ko..
"Sherry I'm so sorry, kapatawaran mo lang ang kailangan ko. Pinagsisihan ko lahat ng ginawa ko sayo babe.. Binalik ko na rin lahat ng kinuha ko sayo,lahat lahat alam yun ni Charles dahil hinanap kita nagkita kami ni Charles sa coffee shop.!" Paliwanag nito habang nakaluhod parin ito sa harapan ko.. Walang nabanggit sa akin si Charles na ganun,dahil siguro sa sinabi ko ding wala ng magbabanggit pa tungkol kay Toni. So akin na pala ulit ang bahay ko at flower shop..
"Diba sabi ko naman sayo pinatawad na kita nung araw palang na iniwan mo ako sa Paris.." Kalmado ko paring sabi kahit sa totoo lang andun parin yung sakit sa dibdib ko dahil mahal ko parin sya hanggang ngayon,sa kabila ng mga nangyari. Pero hindi na pwede nangako na ako kay Charles na hindi ko sya iiwan at pumapayag na akong magpakasal sa kanya.
"Tumayo ka na dyan at makakaalis ka na." Sabi ko pa dahil hindi ko na rin matagalan ang nakikita ko ngayon.." Bago ka pa maabutan ni Charles.!" Sabi ko pa,dahil dadalaw si Charles ngayon..
"Sherry please! Kahit mahawakan man lang kita, kahit sa huling pagkakataon man lang.." Humihikbi parin nitong wika ng tumayo ito at marahang humakbang palapit sa akin. Sa pag kakataong ito ay hindi naman ako maka hakbang paatras at tila nahihipnotismo ako sa titig nito. "Karma ko na siguro itong mga nangyari sa buhay ko!" Turan pa nito at ngumiti ng mapait.. Tuluyan na itong nakalapit at nilapat ang mga palad sa magkabila kong pisngi..
Marahan nitong hinaplos ang mga pisngi ko,hindi ko namang mapigilang napasinghap ng sandaling yun..
"Mahal na mahal kita Sherry, kahit kailan hindi nawala ang pagmamahal ko para sayo.. Nadala lang ako sa galit ko na inisip kong niloko mo ako dati." Pinagdikit nito ang mga noo naming dalawa..
"Toni please!" Sa wakas nabigkas kong muli ang pangalan nito. "Umalis ka na,hindi ko na kayang saktan pa si Charles at tinanggap ko na yung alok nyang magpakasal sa kanya." Pagtatapat ko din sa kanya dahilan para alisin nito ang mga palad nya sa mukha ko at bahagya itong lumayo.. Napabuga ito ng hangin..
"Tanggap ko naman nang hindi ka na babalik sa akin,sa kabila ba naman ng kasamaang nagawa ko sayo.. Masaya na akong napatawad mo ako,yun lang din naman ang hinihiling ko." Malungkot nitong sabi at napabuntong hininga..
"Gusto ko lang ding malaman mo na, ako na ang namamahala ng hacienda kasalukuyan pa kasing nagrerecover si Dad dahil sa mild stroke." Na shock naman ako sa sinabi nito.."Sa totoo lang sobrang laki din ng tampo nya sa akin,dahil ang tagal ko bago bumalik ng hacienda at pag uwi ko ganun pa ang kalagayan nya.. Ni hindi nya ako kinakausap kaya nangako ako sa kanyang hindi na ako aalis ng hacienda." Pagpapatuloy nito sa kanyang sinasabi..
"Karma ko na talaga ito.. Yung nangyari kay Dad at yung nalaman ko na may sakit ako..!" Napatawa pa ito ng pagak. Anong sakit ang sinasabi niya.." Hindi na nga ako pinapayagang umalis ni manang Rosa dahil sa kalagayan ko,pero ako lang tong mapilit na hanapin ka makahingi man lang ako ng tawad sa nagawa ko.." Pansin ko nga ang pamumutla nito at panlalalim ng mga mata nya, pareho din kaming nangayayat..
"Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong ko naman at bigla akong sinalakay ng kaba.. Bigla nitong binuksan ang nakasukbit sa balikat nitong bag at may papel mula doon at marahang inabot nito sa akin..
"I'm dying Sherry... Late ko na rin nalaman ang sakit ko.." Wika nito habang binabasa ko ang naka sulat sa papel.. STAGE 4 BLOOD CANCER! Yun lang ang naintindihan ko sa nabasa ko sa papel na inabot nito sa akin..
"Hindi ko na iniisip ang sarili ko,kundi ang kalagayan ng Dad ko. Paano kapag mawala na ako sinong-"
"Don't say that..!" Pagalit ko nang wika at hindi ko na napigilan ang sunod sunod na pagpatak ng luha sa aking mga mata.. Tudo iling ako "Toni...!"
"Sherry!!" Kapwa kami napalingon ni Toni sa may pintuan ng may tumawag sa pangalan ko. At madilim ang mukha ni Charles ang nakita ko..