CHAPTER SIX

2.3K 66 2
                                    

SHERRY POV...



                       "Hi babe..." Nagulat pa ako ng may magsalita sa likuran ko habang nag inventory ulit ako dito sa underground mas gusto ko kasi itong ginagawa... Bakit ba nito ako tinatawag na babe.. Ilang araw na mula ng dumating ito, friendly naman sya kaya lang naiilang talaga ako sa endearment nito sa akin..











                Hindi na lang ako kumibo at pinagpatuloy ang aking ginagawa... Umalis din kasi si Tito Dionicio Dahil sa monthly check up nito sa bayan..








                "How long you've been stayed here? Oh no offense gusto ko lang sanang mag thank you dahil may kasama si Dad sa negosyo.." Sabi ulit nito. Parang naiinis din ako dahil parang wala itong concern sa Daddy nya..









               Napapitlag nalang ako ng bigla itong yumakap sa akin mula sa likuran...
"I like you Sherry, nung first palang na nakita kita." Pranka nitong bulong sa tainga ko.. Gosh!! Ano bang ginagawa nito. Lesbian ba sya? Pero ang ganda ganda nya at ang sexy nya manamit..










                     Nagulat nalang ako ng biglang hilahin ako paharap sa kanya at bigla akong siniil ng halik ang aking mga labi.. Nabitawan ko tuloy yung hawak kong inventory book at ball pen..









                   "Ahmmmpp! Toni." Pilit akong nagpupumiglas ng sandaling yun pero mas matangkad kasi ito sa akin at ang lakas nya.. Lalo lang nitong pinaglalim ang halik nito sa akin pilit nitong pinapasok ang kanyang dila sa loob ng bibig ko.. Gosh first kiss  ko kaya sya, nagsisimula ng mag iinit ang aking katawan ng sandaling yun.. Shit!! Bakit ba ako nag iinit. Nang maramdaman ko ang dalawang palad nito sa may puwetan ko at matamang pinipisil ang mga yun,bigla nalang akong napaungol sa pagitan ng paghalik nya sa akin. Nagkaroon tuloy sya ng pagkakataong ipasok ang dila nya sa loob ng bibig ko ng bahagyang umawang ang aking mga labi..









              Hindi ko namalayang kumapit na pala ang mga braso ko sa batok nito at nagtutunggalian na ang aming mga dila.. Pero ilang sandali pa ay tinapos na nito ang halik naming dalawa at kapwa kami hinihingal ng sandaling yun.. Hindi parin naglalayo ang aming katawan.










             "Akin ka na Sherry mula ngayon..." Anas nitong sabi..
Dun na nagsimula ang lihim naming relasyon, ewan basta pinilit ko namang iwasan sya kaya lang sobrang hirap lalo at nakatira kami sa iisang bubong. Hindi ko rin namalayan na nahuhulog na pala ang loob ko sa kanya.. Dahil sa mga halik nito mga haplos nya sa akin sobrang sweet din nya pag magsalita dun yata tuluyang nahulog ang loob ko.. Nang dahil sa relasyon ding meron kami yung sabi ni Toni na isang buwan lang ito sa hacienda umabot na ng tatlong buwan kaya tuwang tuwa din si Tito na nagtatagal pa ang anak sa hacienda. Hayy!! Kung alam lang nya ang dahilan.. Sana nga hindi na umalis si Toni sana dito nalang sya at pagkasama kaming dalawa..











                          Isang umaga pinatawag ako ni Tito Dionicio sa Library wala naman akong idea kung anong sasabihin nito..











                   "Sherry... Kailangan mong pirmahan ang mga ito.." Sabay lapag sa mesa ng mga papeles n hindi ko naman alam kong ano yun..! Nakatayo naman ako sa harapan nito habang nakaupo ito sa swivel chair..











                  "Para saan po ang mga yan Tito.." Tanong ko naman..












                    "Ahmm.... Alam ko naman na aalis at aalis din dito si Toni kapag nagsawa sya,pirma mo lang ang kailangan ko Sherry.." Seryoso nitong sabi.. At parang may kumurot sa puso sa sinabing aalis din si Toni..
Hindi ako kaagad nakakibo ng sandaling iyon,hindi ko kasi alam kung ano ang dapat kung sasabihin..












                     

             "May ipàgtatapat  ako sayo iha.. Hindi na rin ako magtatagal nararamdaman ko yun sa sarili ko. At wala akong maasahan sa lahat ng ito kundi ikaw lang ang naisip ko.." Napasinghap naman ako sa sinabi nito.. Paano nya ako napag kakatiwalaan ng ganito kelan lang kami nagkakilala,masyadong malaki ang responsibility na ito. Isa pa paano naman ang parents ko. Bigla ko tuloy naisip ang mga bagay bagay ang pamilya ko.












                   "Just sign all the documents Sherry.." Napatitig ako sa mga papeles at  marahan ko iyong dinampot at dahan dahan nilapit sa mukha ko para mabasa ko kong ano ang mga nilalaman....










...End of flashback.....
                   Bigla nalang naring ang cellphone na nakapatong sa center table dahilan para mag balik ang isip ko sa kasalukuyan... Malayo na pala ang nilakbay ng diwa ko ng sandaling iyon.
Bigla na naman akong sinalakay ng kaba ng makita kong si Charles ang tumatawag.. Napakalaki ng kasalanan ko sa kanya..












                        Huminga muna ako ng malalim bago ko dinampot ang phone at sinagot ang tawag...











             "Hi hon..." Pilit kung pinasigla ang boses ko ng sandaling yun..












                    "Hi hon...how are you? Kagabi ka pa walang message kaya nag alala na ako sayo.." Litanya nito.. Shit oo nga pala nawala tuloy sa isip ko na e message man lang sya,kasalanan kasi si Toni...." So okay ka lang ba?" Dugtong pa nitong sabi..












                   "I'm fine.. Inatake kasi ako ng migraine ko kagabi sorry kung hindi kita na message. Nakatulog ako sa ininum kung gamot.." Dahilan ko naman.. Kelan pa ako natuto na magsinungaling sa boyfriend ko.. Napakagat tuloy ako sa pang ibabang labi ko...












                   "So okay na ba? Pwede na ba kitang yayaing mag dinner later?"











                "Y-yeah I'm okay na.. Sure sige daanan mo nalang ako sa flower shop later.." Tugon ko naman.. Kailangan ko na palang magbihis at pupunta pa ako ng shop anong oras na pala...











                  "Okay hon... See you later! Ilove you." Wika nito at hindi naman ako nakakibo agad,hindi ko na alam kung paano tutugon sa pagkakataong yun..













              "Okay...bye!" Yun lang ang nasabi  ko bago tinapos ang call... Natutulala na naman ako... Pagkatapos nilapag muli ang phone ko sa mesa. Nagpasya na akong tumungo sa banyo para maligo.....

"INSIDE YOUR HEAVEN" (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon