TONI POV...
Unti unti ko nang sinasalin sa sarili kong account ang pera ni Sherry sa join account namin.. Hindi naman niya iyon nahahalata dahil hindi naman ito nagchecheck sa banko.. At saka hindi pa nya ganun kabisado ang ibang lugar dito sa France kaya halos nasa bahay lang ito,patuloy parin ang kunyari kung paghahanap ng place na pwedeng patayuan ng flower shop.. Hindi nya alam na tuwing lumalabas ako doon ko ginagawa ang transaction ko at pagmomonitor sa flower shop na iniwan nya sa Pilipinas..
Yung friend na sinabi ko sa kanyang naghanap ng buyer ng bahay niya pati yung kotse nito at flowershop ay matalik ko itong kaibigan at lawyer ko pa. At sya din ang nagpapatakbo ngayon sa flower shop..
"Babe wala na tayong stocks kailangan na nating mag grocery.." Wika nito habang nasa terrace ako ng bahay at nagpapahangin.. Kung sa pag aasikaso ni Sherry sa akin ay wala akong masabi,pero matigas na ang puso ko para sa kanya..
Nagulat pa ako ng biglang yumakap ito mula sa likod ko.."Babe!" Lambing pa nitong wika. Na mariing kinapikit naman ng aking mga mata."Tinatamad ako.. Ikaw na lang..!" Tugon ko naman na kinakalas nya ng yakap sa akin.. Hinila ako paharap sa kanya at nakita kung sobrang tulis ng nguso nito..
"Meron ka ba ngayon babe bakit ang sungit mo aga aga.." Parang batang sabi pa nya.. Kina buntong hininga ko naman.." Okay sige ako na lang ang pupunta pahiram nalang ng ATM card magwiwidraw ako "
Pinatirik ko naman ang mga mata ko sa pagkakataong ito..
"Alam mo naman kung saan nakalagay ang mga yun.. Bakit mo pa pinapaalam.." Matabang ko paring pagkakasabi... Pero nakangiti pa rin ito at ginawaran ako ng mabilis na halik sa labi saka humakbang ulit papasok sa loob ng bahay..malapit ng bumigay tong puso ko,pero hindi ako pwedeng magpatalo.
"Sungit talaga ng mahal ko.." Sigaw pa nito.. Nang biglang narinig kong nagring ang phone nito.. Sino naman ang tatawag sa kanya overseas. "Hello?" Dinig kung wika nito.." Oh hi! Ikaw pala yan kamusta na?" Masigla nitong wika habang paakyat na nito ng hagdan.. Naglakad na rin ako papasok ng bahay para marinig ang pinag uusapan nila..
"Ayos lang naman po ako dito.. Maganda nga dito eh.." Parang sobrang close naman nila kung sino ang kausap nito.. Narinig ko pa itong tumawa.. Kung parents nya iyon hindi naman sya ganun pakipag usap...
"Kamusta naman ang business mo dyan sa pinas..? Kamusta na si Lexi kamusta yung coffee shop?" Sabay tawa pa nito.." Pasensya na dami kong tanong no,nakikimiss din kasi dyan... Oo naman namiss ko kayo." Ang saya naman nila mag usap kaya nakasunod
tuloy ako sa kanya hanggang sa loob ng kuwarto namin..Nagulat tuloy ito ng nakita akong nakatayo sa may pintuan ng room namin..
"Okay bye.. Saka nalang ulit tayo magkamustahan. May gagawin pa kasi ako eh..! Bye!!"Paalam na nito sa kausap at nakangiting humarap sa akin..
"Aalis ka na ba?" Tanong ko naman rito kunyaring wala naman akong pakialam sa kausap nito kanina.. Ano naman sa akin kung sino ang kausap nya.
"Maliligo lang ako saglit tapos aalis na ako.. Pahiram na rin ng kotse babe ha.." Sabi nito, ewan pero parang may nakita akong lungkot sa mga mata nito.. Pero benalewala ko nalang ito baka guni guni ko lang..
"Okay.. You can use it!" Tipid ko na lang ba tugon. Pagkatapos ay umalis na akong muli at bumaba ng hagdan.. Manonood nalang ako ng TV sa may living room.. Pilit paring sumasagi sa isip ko kung sino man yung kausap nito kanina tatanungin ko ba? Mas pinili kong huwag nalang kampante nama ako na ako lang ang mahal nito. Halata namang patay na patay ito sa akin dahil mas pinili ako nito kesa sa boyfriend niya..
Napalingon na lang ako ng marinig ang footsteps na pababa ng hagdan habang nakasalampak akong nakaupo sa couch. Napakunot noo naman ako sa suot ni Sherry na mag go grocery, naka suot ito ng maong short shorts ito ng high waisted at hanging blouse.
"Bakit ganyan ang ayos mo?" Hindi ko tuloy mapigilang hindi punahin,dapat nga sana wala akong pakialam. Nagkibit balikat naman ito..
"Anong bang mali sa suot ko..? Summer naman ngayon babe." Katwiran naman nito.. Oo nga naman at wala namang pakialam ang mga tao rito hindi tulad sa Pilipinas..
"Wala.. Sige you can go.. Para makauwi ka rin kaagad.." Sabi ko nalang.. Lumapit naman ito at hinalikan ako sa labi.. Bago tuluyang lumabas ng pintuan..
Napabuntong hininga na lang ako.. Dapat siguro sinamahan ko nalang sya.. Hindi! Sabay pilig ng aking ulo, bakit ba nagtatalo ang kalooban ko.Naisip ko nalang na tawagan si Renz ang lawyer ko para ihanda na yung plane ticket kong pauwi ng Pinas,bago matapos ang month na ito. Pero naka ilang dial naman ako pero hindi naman nito sinasagot..
Mamaya na nga lang ulit hinagis ko ang phone ko sa table saka muling tinutok ang paningin sa aking pinapanood. Kailangang hindi mahalata ni Sherry ang pag alis ko,yung ibang gamit ko iwan ko na ang mga yun ang importante ay ang mapaghiganti ko si Dad.. Wala naman sa panood ang tinatakbo ng isip ko kundi ang planunhing mabuti ang pag alis ko sa lugar na ito...