CHAPTER TWELVE

1.9K 48 11
                                    

TONI POV...


                      "Toni ano ba.. Kina kausap kita may problema ka ba?" Salita ng salita si Sherry  habang nakasunod ito papanik ng second floor ng bahay.." Babe naman oh! Diba mag asawa tayo nagsasabihan dapat tayo ng problema..!" Sabi pa nya.. Really? Mag asawa hindi pa naman kami kasal and wala naman akong balak na pakasalan sya..  Sinundan nito ako hanggang sa loob ng aming kwarto at pabagsak ang katawan na humiga ako sa kama..










                 "Sherry pagod ako.. Gusto ko nang magpahinga." Matabang kong tugon. "Nandito na nga ako ano pa bang dapat nating pag usapan." Dagdag ko pa sabay pikit ng aking mga mata..
Naramdaman ko naman ang paglundo ng kama sa gilid ko pero nanatili akong nakapikit .










                "Kahit na,may karapatan naman akong tanungin ka dahil halos magpanic na ako sa pag aalala ko sayo.." Litanya parin nito.. Muli tuloy akong napabalikwas ng bangon at umalis sa kama.. Naghubad ako ng saplot at nag tuloy sa bathroom nang hindi parin sya kinikibo.. Nasundan na lamang nya ako ng tingin.. Nilock ko pa ang banyo para masigurong  hindi ito makasunod hanggang dito sa loob..  In on ko na ang shower at nagbabad doon.











                      Hindi ko inaasahan ang muling pagtatagpo ng landas namin ni Sherry matapos ang halos pitong taon.. Pero sinandya ko talagang nagtungo ng San Jose ng umuwi ako ng Pilipinas dahil sa plano ko. Nagulat din talaga ako ng araw na nagtagpo kami,malaki na rin kasi ang pinag bago ng itsura nito naging sosyal na.. Tila bumalik lahat ang puot at galit ko sa kanya pero nag pigil lang ako at bumuo ng Plano..











                 Akala siguro nito.. Limut ko na ang nangyari,ang pang aagaw nya sa atensyon ng daddy ko at pati na ang buong hacienda.. Minahal ko sya noon at sobrang nasaktan ako ng nadiskubre ko ginamit lang pala niya ako para angkinin ang buong pag aari ng Dad ko.. Wala naman akong pakialam sa hacienda eh ang hindi ko lang matanggap na yung babaeng minahal ko ng husto ay isang nagpapanggap lang.. Isang gold digger.. Lalo akong nanggalaiti ng makita ko syang muli at tinatamasa na nito ang pera ng daddy ko may negosyo na ito at bahay.. Magaling!











             Plinano ko ng mabuti ang lahat.. Para muling mabawi ang lahat ng perang kinuha niya sa dad ko at para maghiganti,sasaktan ko sya hanggang maisipan nitong kitilin na ang sirili nitong buhay... At ngayon bawing bawi ko na handa na akong ipakita kung sino talaga ang Toni na mahal daw nya.. Wala akong ititira sa kanya.. Dahil yung bahay at yung flower shop ang di nya alam sa akin na yun naka pangalan ang coffee shop nalang ang hindi ko pinakaalaman hindi naman nito solo iyon..











                     Ni hindi na nga ako umuwi ng hacienda pagkatapos ng ginawa nya,dahil maalala ko lang ang lahat ng sakit na dinulot nito sa akin.. At  ngayon bawi ko na lahat uuwi na ako doon at ibalik ko kay Dad ang perang ninakaw ni Sherry.. Hahanap lang ako ng tiempo iiwan ko sya dito ni sinco wala akong ititira.. Aaminin kong may nararamdaman parin ako sa kanya pero mas nanaig yung galit ko yung pagnanais kong maghiganti sa kanya..











                 Halos isang oras din akong nagbabad sa shower bago nagpasyang lumabas na ng banyo.. Galing ako sa bahay namin namimiss ko na din kasi ang mommy ko. At itong bahay na to ni rent ko lang para tirhan namin ni Sherry 6months lang ito,dapat bago mag anim na buwan makabalik na ako ng Pilipinas at hindi na ako nagpapakita pa kay Sherry...











               Nagsuot ako ng bath robe bago lumabas ng banyo.. At paglabas ko may nakapatong na tray sa table sa tabi ng kama at may pagkain na nakahain sa ibabaw nito at may black coffee pa.. Napailing na lang ako bago sumampa sa kama sakto namang bumukas ulit ang pintuan at may dalang tatlong stem si Sherry na red roses. Napangiti ito ng makita ako saka marahang lumapit at sumampa din sa kama...











                   "Babe.. Ayokong nag aaway tayo please...sige na
, hindi na kita uusisahin kong san ka man galing sana naman hindi mo na ulit uulitin pinag alala mo kasi ako eh.." Lambing nito at inabot sa akin ang bulaklak na alam kung pinitas nito ito sa bakuran.. Pagbibigyan ko muna sya ngayon para hindi naman ito mabigla sa gagawin ko.. Agad ko  namang tinanggap ang bulaklak at saka pinatong yun sa table sa tabi ng tray.












                    Napangiti naman sya ng husto at ginawaran ako ng halik sa labi..










                 "Naghanap kasi ako ng mga bakanteng pwesto para sa papatayuin nating flower shop.. Surprise ko sana yun sayo..." Dahilan ko naman.." Sorry kung may nasabi man akong hindi maganda napagod lang talaga ako tapos may wine testing pa akong nadaanan..balak ko din sana babe na magpatayo tayo ng resto bar.." Wika ko pa na kina tuwa naman niya at agad akong niyakap ng mahigpit..












                 "Oo naman babe... Basta para sa ating dalawa.. Ilove you so much Toni.." Wika nito habang mahigpit parin itong naka yakap sa akin..












             "Ilove you too..babe!" Tugon ko nalang. Kung hindi lang dahil sa ginawa nito noon mahal ko naman talaga sya kaya lang mas nanaig ang galit at paghihiganti ko..












                  "Kain na tayo babe..." Masigla pa nitong sabi. "Gutom na gutom na kaya ako,hindi nga ako makakain sa sobrang pag aalala ko sayo kanina.." Sabi pa nito.. Lalo na pala pag tuluyan ko na syang iwan,tyak mamatay na to sa depression.. Malapit na yung mangyari!



Puro POV naman po ni Toni ngayon....

"INSIDE YOUR HEAVEN" (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon