SHERRY POV...
Bumukas ang malaking pintuang kulay kahoy ng mansion at isang may edad nang babae ang nakatayo sa may pintuan..
"May panauhin tayo.. Sya ay si Sherry Mendoza" Pagpapakilala naman sa akin ni Sir Dionicio.. "At Sherry ihahatid ka ni manang Rosa sa magiging silid mo.." Baling nito sa akin , sabay buhat naman ng isang lalaki ang travelling bag ko.. At humakbang na kami papasok sa loob ng mansion,sobra akong namamangha para akong nasa isang five star hotel.. Paikot ang hagdan patungong second floor ng bahay,iginiya na ako ni manang Rosa patungo sa hagdan at humakbang na kami paakyat.. Isang hagdanan pa ang pinanhik namin bago marating ang napakaraming kuwarto tila nalulula ako ako sa sobrang dami ng silid.. Binuksan ni manang Rosa ang pangatlong malapit sa hagdan,pagpasok sa loob ay lalo akong namangha sobrang lawak ng loob ng kuwarto at kompleto ng kagamitan..
Sobrang lapad ng kama halos kasya ang limang tao para akong buhay prinsesa dito sa napuntahan ko. Hindi parin ako makapaniwala na napadpad ako sa ganitong lugar akala ko kanina wala na akong pag asa pa at mamatay na lang ako sa dehydration..
"Naiwan muna kita iha.. Ipapatawag nalang kita kapag maghahapunan na." Sabi ni manang Rosa at yumuko pa ito.
"Maraming salamat po." Wika ko nang bago iton tuluyang lumabas ng pinto.. Grabe parang ayoko ng umuwi sa lugar namin. At kong isang panaginip man ang lahat ayoko ng magising pa..
-----------------------------------------------------------
Unang araw ko dito sa hacienda dela Rosa. Kagabi ng hapunan na pinatawag ako ng isang kasambahay nila iginiya ako nito patungo sa dining area.. Grabe nakaka ligaw dito.. Napanganga na naman ako sa pagkamangha sobrang dami ng pagkain sa hapag, isang 12 seaters na dining table pagkatapos kami lang pala ni Sir dela Rosa ang kakain.. Nakaka ilang naman. Pero tiyak masa sanay din ako..
Nilibot ako ni sir dela Rosa sa malawak nilang farm,hindi daw Sir kundi Tito daw ang itawag ko sa kanya.. Taniman ito ng ibat ibang mga klase ng prutas pero ang pinaka malawak nito ay puro ubasan ibat ibang breed ng ubas.. Sobrang ganda..
"Iha... Dadalhin kita sa underground tiyak matutuwa ka sa makikita mo." Wika nito at agad naman akong napatango. Naglakad ulit kami,kahit paika ika ang don pinilit parin nitong maglakad hawak ang baston nito.. May hagdan kaming dinaanan pailalim...
"Wow." Manghang wika ko nang makita ang napakaraming helera ng barrel ng alak.. Ibat ibang klase ng alak ang nakaimback..
"Pang export lahat ng mga yan iha.." Paliwanag naman ni Tito Dionicio. "Tumatanda na ako iha." Makahulugang sabi nito dahilan para napatitig ako sa kanya. Tama medyo nagkaka edad na nga ito iika ika na rin kung naglakad malamang mahina na rin ang mga tuhod nya..
"Nasaan po ang pamilya ninyo Tito?" Curious ko namang tanong dahil pansin kung puro kasambahay at boy lang ang kasama nya sa napakalaking mansion.
Narinig ko ang kanyang pagbuntong hininga."Matagal na kaming hiwalay ng aking asawa... Hindi kami magkasundo sa maraming bagay!" Kwento naman nito.." Ang aming nag iisang anak ay hindi rin napipirmi dito kasa kasama lagi ang kanyang INA sa ibang bansa at isa nag aaral pa sya.." Sabi pa nito. Seryoso naman akong nakikita sa kanya..
"Nangangamba ako baka akoy biglang pumanaw na at walang maiiwan sa lahat ng ito.." Tukoy nito ay ang ari arian nya.."Ako din po laging mag isa sa buhay,yung parents ko lagi pong nasa ibang bansa din.. Kung saan saan,ayoko naman pong sumama sa kanila at isa pa nag aaral din po ako.. Kasama ko din lagi mga maids kaya naging hobbies ko na ang pag travel mag isa..." Kwento ko naman..
"Malay natin..pinagtagpo pala tayo.!" Biro naman nito.." Hanggang kailan mo ba balak mag stay dito anak?" Seryosong tanong nito sa akin.." Kung sabihin mong mananatili ka na dito matutuwa ako." Hindi parin ako makakibo,gusto ko talaga ang lugar na to.. Tahimik at mababait ang mga tao.." Tuturuan kita iha sa pagpatakbo ng farm at dito sa pamamahala ng mga wines." Dugtong pa nitong sabi..." Huwag kang mag alala suswelduhan kita." Ikinangiti ko naman ng husto ang huli nitong sinabi hindi naman ako interesado sa sweldo gusto ko lang talaga matuto sa lahat about dito sa hacienda...
Lahat ay itinuro sa akin ni Tito Dionicio, hindi ko alam pero sobrang gaan ng loob ko sa kanya... Fast learner naman ako madali kong natutunan ang pamamalakad sa farm..pero ang pinaka gusto ko sa lahat ay ang matutong gumawa ng alak.. Inabot ako doon ng araw hanggang buwan na,kahit panahon na ng pasukan ay benalewala ko na yun mas mahal ko na ang lugar na ito.. Ni wala akong kontak sa parents kahit kanino..
Hanggang sa dumating ang nag iisang anak ni Tito Dionicio balita ng isang trabahante sa farm... Nag iinventory sa underground nung time na yun at hindi ko naman pinansin ang sinabi nito.. Kaya pinagpatuloy ko nalang ang aking ginagawa... Lunch time na ng nagpasyahan kung umuwi ng mansion.. Kasundo ko lahat ang mga tauhan sa loob man o labas ng mansion lalo na si manang Rosa..
"Dad... I can't stay here for a longer time.. One month lang ako dito.." Dinig kong wika ng isang babae na kausap ni Tito Dionicio sa living room pagpasok ko ng mansion at napabaling ako ng tingin sa gawi nila.. At nakakita ako ng isang dyosa ng sandaling yun, mestiza,matangkad dark blonde ang mahaba nitong buhok.
"Isang buwan ka lang dito? Samantalang isang taong mahigit bago mo ako bisitahin." Tila nagtatampong wika ni Tito Dionicio...
Kapwa pa sila napatingin sa akin ng maramdaman ang presensya ko..
"Oh iha andyan ka na pala..tamang tama dumating ang anak kong si Toni.." Astig naman ng pangalan nya.." Gusto kung ipakilala sayo ang akong unica hija.. Si Trisha Monique.. At anak si Sherry pala secretary ko.." Pakilala ni Tito Dionicio sa aming dalawa.. Naglakad naman si Toni palapit sa akin at nagbeso ito sa akin.."Hi Sherry... Nice to meet you!" Nakangiti nitong wika pagkatapos..