CHAPTER FIFTEEN

1.8K 53 5
                                    

TONI POV...

                   Muli akong umalis patungong Paris,nangako ako sa daddy ko at sa sarili ko na aayusin ko lahat ng pagkakamali ko at kasalanang nagawa ko kay Sherry. At pagkatapos nun papamahalaan ko na ang hacienda sana lang mapatawad ako ni Sherry sa lahat ng masamang nagawa ko sa kanya. Mahal na mahal ko sya gagawin ko ang lahat ng paraan bumalik lang sya sa akin. Pangako ko sa sarili kong hindi ko na sya muling sasaktan pa..








                   Kaya lang pag dating ko ng Paris,pagpunta ko sa bahay ng bahay na tinirhan namin wala na ito pati mga gamit nya.. Mga gamit ko nalang ang natira pati yung kotse nasa garahe.. Nanlulumo akong naupo sa may sofa sa living room,ginunita ko lahat ng masayang alaala namin dito ni Sherry, yung pag aasikaso nya sa akin yung bawat paglalambing nya.. Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko sa aking mga mata, sobrang sakit ng ginawa ko sa kanya. Ngayon saan ko na sya hahanapin hindi ko binigyan ng pagkakataon ang sarili ko para kilalanin ang mga taong malapit sa kanya..








                Bago ako nagpunta dito tinawagan ko ang kaibigan ko na lawyer na muling ibalik sa pangalan ni Sherry ang bahay nito,kotse at yung flower shop.. Pati yung pera na kinuha ko ibabalik ko yun sa kanya, mapatawad man lang nya ako..  Bigla kung naisip ang kaibigan ni Sherry yung kasosyo nito sa coffee shop,yun ang pupuntahan ko pag uwi ko ng Pilipinas.

-----------------------------------------------------------

              "I'm sorry Toni, please umalis ka na.." Wika ni Lexi sa akin. Pero hindi daw nito alam kung nasaan si Sherry ngayon wala daw itong balita. Kung gusto ko daw puntahan ko yung pinsan ni Sherry na Carmen ang pangalan binigay nito sa akin ang address. At tsaka parang natataranta ito at pilit akong pinapaalis kaagad sa coffee shop nito..









               "Lexi...!" Biglang sulpot naman ang isang lalaking matangkad at medyo matipuno ang pangangatawan..  Nagpalipat lipat ang tingin nito sa aming dalawa ni Lexi.








              "S-sige na.. Umalis ka na.." Pilit ako nitong tinataboy.. Nagtataka tuloy ako pero sinunod ko nalang ito,naglakad na palabas mg coffee shop.. Dumiritso na ako sa kotse kong naka park in unlock ko na yun at akmang bubuksan ko na ng may humawak ng mahigpit sa braso ko..









               "Toni Dela Rosa...!" Nangigigil nitong binanggit ang pangalan ko.. Habang mahigpit nitong hinawakan ang kaliwang braso ko at nasasaktan na ako sa ginagawa nito..







              "Charles please don't make a seen..! Babae parin sya." Biglang sulpot naman ni Lexi sa harap namin at pilit na inaawat ang tinawag nyang Charles... Charles,tila pamilyar ang pangalan nito..
Napatawa naman ng pagak si Charles at pabalya nyang binitawan ang braso ko.. Tiyak nagpasa na ito..







             "Gago ka.. Kahit babae ka hindi ako magdadalawang isip na sapakin ka.. Sa lahat ng katarantaduhang ginawa mo sa girlfriend ko.." Galit na galit nitong sabi habang dinudurog ako nito.. Bigla namang hinila ni Lexi ang braso nito..









                 Sya ba si Charles yung kasintahan ni Sherry at pinag palit niya sa aki.. Maaring may alam ito kung nasaan si Sherry ngayon, kaya pala balisa si Lexi kanina at tila kinakabahan alam sigurado nitong parating na si Charles kaya pinamadali nito akong umalis..









              "Charles.. Kung alam mo naman kung nasaan si Sherry ngayon please sabihin mo naman sa akin,kailangan ko syang makita at makausap.." Nakita ko ang pagtagis ng bagang nito at pilit parin syang inaawat ni Lexi..








                "Ang kapal din talaga ng pagmumukha mo no, pagkatapos ng lahat ng ginawa mo kay Sherry may gana ka pang magpakita dito.. Alam mo bang pwede kang kasuhan sa ginawa mo sa fiancée ko.." Gigil nitong sabi. "Kaya iba ang kutob ko eh! Naramdaman kong may hindi magandang mangyayari kaya kahit
ikaw ang pinili ni Sherry hindi ko parin sinukuan ang pagmamahal ko sa kanya.. Tapos babae ka pa..!! Alam mo  bang laking insulto yun sa akin.." Tanggap ko ang lahat ng sinabi nito dahil totoo naman ang mga yun! Gusto mo lang talagang makausap si Sherry..








            "Gusto ko lang humingi ng tawad sa kanya..,gusto kong malaman nya na binalik ko na lahat ng kinuha ko... Nadala lang ako ng galit ko at paghihiganti.." Sincere kung sabi..








              "Umalis ka na... Huwag mo nang pangaraping makita pa si Sherry dahil ang totoo nyan. Kinamumuhian ka nya at ayaw kana niyang makita pa.. At isa pa dapat lang naman na ibalik mo sa kanya lahat ng ninakaw mo dahil lahat ng mga yun pinaghirapan nya.. Pera nya ang ginamit nya para sa mga yun." Sa tono ng pananalita ni Charles tyak alam na nito lahat ng nangyari.. "Malapit na rin kaming ikasal kaya kung ako sayo bumalik ka na sa pinanggalingan mo at huwag na huwag ka nang magpapakita sa amin.. Lalo na sa akin." Sabay walk out na nito at bumalik sa loob ng coffee shop.








              "Sige na Toni umalis ka na please... Ayoko ng skandalo dito,puntahan mo nalang yung address na binigay ko sayo dahil kahit ako hindi ko talaga alam kung nasaan si Sherry ngayon.." Nag aalala namang wika ni Lexi. Pasalamat parin ako dahil bukas ang pag iisip nito hindi katulad ni Charles.. Sabagay hindi ko naman talaga sya masisisi.

"INSIDE YOUR HEAVEN" (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon