CHAPTER TWENTY

2.1K 73 9
                                    

SHERRY POV...



                 "Anong ginagawa ng babaeng yan dito?" Pagalit na wika ni Charles.. "Ang kapal din talaga ng pag mukha mo,para magpakita pa kay Sherry!" Sabay duro pa nito kay Toni..









               "Charles please..." Awat ko naman sa kanya.. Kaya lang huli na ang lahat ng bigla na lang nitong tinulak ng malakas si Toni at sa sobrang ng pagkaka tulak nito tumama ang likod ni Toni sa may center table sabay salampak nito sa sahig.." Oh God!" Bulalas ko naman. Ngayon ko lang nakita si Charles na ganito,nananakit ng babae.. At isa pa may sakit si Toni at nanghihina nito..









                "Charles bakit mo ginawa yun?" May panunumbat kong sabi at mabilis kung nilapitan si Toni at inalalayan para tumayong muli kaya lang pinigilan nito ako..









              "I'm okay...!" Sabi pa nito pero hindi parin ito tumatayo.
Muli ko namang hinarap si Charles at inirapan ko ito.. Tila na shock din ito at nabigla sa kanyang ginawa..









             "Bakit mo ginawa yun! Babae parin sya Charles tulad ko para saktan mo sya." Sabi ko naman.









               "Oo babae sya.. Babae ang karibal ko dyan sa puso mo..!" Wika naman nito.." At anong ginagawa nya dito,paano nya nalaman kung nasaan ka.? Pinapunta mo ba sya ha! Nagpanggap pa syang wedding coordinator para lang papasukin sila ng guards." Galit na nitong sabi.. Alam kung paraan lang ni Toni yun para makapasok sya dito at para maka usap ako..









               "I'm sorry guys.. I'm sorry Charles kung nagpanggap pa akong ganun!" Biglang nagsalita naman si Toni at dahan dahan itong tumayo. Sya na nga ang nasaktan dahil sa pagkaka tulak ni Charles sa kanya. "Gusto ko lang talagang maka usap si Sherry para humingi ng tawad sa kanya, baka kasi hindi na ako mabigyan ng pagkakataon.." Muling wika na naman nito.. Ayaw na ayaw kong marinig yun mula sa kanya.. Parang dinudurog ang puso ko na isiping mawawala na sya..NO! Wika ng isip ko at muli na namang umagos ang luha sa aking mga mata..









            "Please don't say that!" Hikbi ko nang sabi..









           "Anong nangyayari dito?" Takang tanong naman ni Charles at muling nagbaling ako ng tingin sa kanya.. Bumalik yung galit ko ng itulak nito si Toni kanina.. May sakit man si Toni o wala,wala parin syang karapatang gawin yun..










                 "I think I should go.. Pasensya na kung naabala ko pa kayo..!" Aalis na sya,tapos hindi ko na sya makikita  at hindi ko na malalaman ang kalagayan nya, sinong mag aalaga sa kanya at si Tito may sakit din ito.. Mahalaga sila pareho sa akin,mahal ko silang dalawa..! God anong gagawin ko.










              Tumingin si Toni sa mukha ko at ngumiti ito kahit kita ko sa mga mata nito abg lungkot.. Toni NO! Marahan naman akong napailing habang hilam parin ng luha ang aking mga mata..










                  "Mahal na mahal kita Sherry, ito na marahil ang huli nating pagkikita. I'm sorry sa lahat-"









            "Kung umalis ka umalis ka na,ang dami mo pang drama... Hindi na babalik pa sayo si Sherry kahit anong gawin mo." Singit na naman ni Charles..  At napatawa pa ito ng pagak! Sa ginagawa ngayon ni Charles parang binibigyan pa nya ako ng rason para muling iwan sya para kay Toni..











               Marahang lumapit si Toni sa akin at dahan dahang kinuha ang papel na hawak hawak ko.. Pagkatapos nun ay tumalikod na ito mula sa akin at walang kibong humakbang palabas ng pintuan...
'I'm dyingTila nag e echo sa isip ko ang mga sinabi nito kanina. Aalis na sya at hindi na kami magkikita pa.. Mahal na mahal ko sya,hindi sya pwedeng mawala nang ganun na lang.. Wala na bang paraan para gumaling siya.. Ang daming pumapasok sa isip ko ng sandaling yun! Hahayaan ko nalang ba ang sarili kong mawala ng tuluyan si Toni sa akin at tanggapin nalang na kasama habang buhay ang taong hindi ko na mahal..










               Mariin akong napapikit bago mabilis na humakbang palabas ng pintuan.








             "Sherry!!" Narinig ko pang sabi ni Charles pero hindi ko na ito pinansin. Kailangan kung naabutan si Toni bago pa makasakay ito sa kotse nya..










                  Mabilis kung iniyakap ang  mga braso ko sa tyan ni Toni ng naabutan ko ito at hinigpitan ko yun.. Dahilan para mapahinto rin ito sa paghakbang..











                "Toni.. !" Hikbi ko.. "Mahal na mahal parin kita sa kabila lahat ng nangyari.." Pagtatapat ko rin sa kanya. Hindi ko talaga kayang mawala sya sa buhay ko kahit anong tago ko pag once na makita ko talaga sya hindi parin mag papaawat tong puso ko.. Dahan dahan naman nitong tinanggal ang mga braso kong naka yakap sa kanya pagkatapos ay marahan itong humarap sa akin..










                    Agad nitong siniil ng halik ang mga labi,agad ko naman iyong ginantihan na para bang sobrang sabik namin sa isa't isa.. Wala kaming pakialam sa mga taong naka paligid sa amin.. Pagkatapos ng maalab na halik na pinag saluhan namin,agad nya akong niyakap ng mahigpit..











              "I won't hurt you anymore babe..!" Anas pa nitong sabi..  Napapikit na lang ako ng mariin gusto ko syang makasama, gusto ko syang alagaan. Gusto kong isipin na gagaling sya at makakasama ko sya habang buhay.." Ilove you so much." Wika pa nito..










              "Sasama na ako sayo, titira tayo sa hacienda at aalagaan kita.. Aalagaan ko kayo ni Tito!" Wika ko pagkatapos magkalas kami mula sa pagka yakap.. At kinulong ko ang mukha nito gamit ang mga palad ko.. Nasilayan kung muli ang ngiti ng kanyang mga labi, yung totoong ngiti nya yung masaya lang..

"INSIDE YOUR HEAVEN" (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon