CHAPTER EIGHT

2.3K 65 12
                                    

SHERRY POV...

                    "Sandali lang..." Wika ko ng may narinig akong nag do doorbell sa labas..  Sino naman kaya itong bisita ko ng alas nuwebe ng umaga hindi naman schedule ngayon ng maid ko.. Tila inip na inip pa ang nasa labas at walang tigil ang pindot ng doorbell medyo naiirita na ako ng sandaling yun..










                   Kunot noo kong binuksan ang pintuan... At lalong naningkit ang mga mata ko kung sino ang nabungaran ko sa harap ng pinto..  Isang linggo na yata simula ng huli ko itong makita.. Nung nagtalo kami sa may shop ko at inakala kung hindi na ito magpapakita pang muli..









                 "Toni... Bakit ka napa rito?" Seryoso kung wika habang nakatayo parin kami sa may pintuan. Pansin ko ang bitbit nitong isang bouquet ng red roses..










                  "Ganyan ba ang ibubungad mo sa akin? Hindi mo ba ako namiss..! Isang linggo nga akong di nagpakita sayo para kahit papaano mamiss mo man lang ako.." Pabebe nitong sabi na kinatirik naman ng dalawang eyeball ko. Kailangan pa sya natutong magdrama ng ganito..
"Flowers nga pala para sayo.." Nakangiti na nitong sabi, sabay abot ng bouquet sa akin.. Tinanggap ko nalang yun para hindi naman ito mapahiya..









                    "Halika tuloy ka." Pinatuloy ko na din ito para wala namang masabi.. Agad naman itong tumalima.. Matapos kong isara ang pinto at nilapag ang bigay niyang bulaklak sa isang table sa gilid saka hinarap ko na itong muli nang kasalukuyang nakaupo na ito sa couch..
Nagsenyas naman itong umupo ako sa tabi niya pero hindi ko sya sinunod sa single couch ako naupo katapat nya..










                      "Ano ba talagang pakay mo?" Seryoso kung wika rito at nag cross arm pa ako..  Sa isang linggo nitong hindi nagpakita sa totoo lang lagi ko nga itong naiisip kahit pilit ko syang winawaksi sa isip ko.. Mataman naman nito akong tinitigan..











                "I want to win you back Sherry.." Direct to the point nitong sabi na kinaawang naman ng labi ng sandaling iyon.. At bigla akong nag iwas ng tingin sa kanya. Napatayo ito mula sa kinauupuan at humakbang palapit sa akin at lumuhod ito sa harapan ko..
"I know you still love me babe.." Sincere nitong sabi sabay patong ng mga palad nya sa magkabilang tuhod ko...










                   Mariin akong napapikit bago muling tumingin sa kanya...










                 "Hindi ganun kadali ang gusto mong mangyari...." Wika ko naman.. At bigla nalang akong napatayo tila hindi ko alam ang gagawin.. Napatayo narin ito mula sa pagkakaluhod..










              "Gagawin ko ang lahat babe.. Bumalik ka lang muli sa akin..." Hinawakan nito ang magkabilang pinsgi ko at marahang hinaplos iyon..
"Kung ako ang pipiliin mo,hindi ka magsisisi. Magpakalayo layo tayo,pupunta tayo sa ibang bansa mabubuhay tayo ng tahimik at masaya..." Turan nito lalong kina gulo ng isip ko..











                    Niyakap ako nito ng mahigpit...









                      "Ilove you Sherry... Never kitang kinalimutan.." Bulong nito. Mula nagkakilala kami sa hacienda hanggang nagkaroon kami ng lihim na relasyon ngayon lang nito binigkas ang katagang mahal nya ako.. Bukod nung time na galit na galit ito sa akin yun yung first na sinabi nitong minahal nya ako.. Gusto ko nang maniwala ulit sa sinasabi niya ngayon.. Kaya lang paano si Charles,napaka bait nito binuo niyang muli ang pagkatao ko ang puso ko matapos ang masakit na nangyari noon sa akin sa hacienda dela Rosa..











                   "Kung hindi mo ako pipiliin,hindi mo na ako makikita kahit kailan.." Tila banta nitong sabi ng kumalas ito sa pagkakayakap sa akin.. At nakita kung seryoso ang mga mata nito ng tumitig ako mula roon.










                 "Toni please huwag mo namang gawin sa akin ito..." Tugon ko naman..










              "Okay I'll give you one month para pag isipan ang mga sinabi ko babe.. At sa loob ng one month na yun lagi parin kitang susuyuin.." Napahugot ako ng malalim na paghinga sa sinabi nito. "And after one month kung ano man ang desisyon mo,kung si Charles ang pipiliin mo you'll never see me again." Seryoso nitong wika..










                Nanlulumo na lang akong naupo sa couch ng nakaalis na si Toni matapos ang aming pag uusap.. Ano bang gagawin ko! Ang dami tuloy pumapasok sa isip ko na kung ano ano.. Kung hinintay ko na lang sana sya at hindi ako pumasok ulit sa isang relasyon. Kaya lang sobrang napaka imposible dahil sukdulan hanggang langit ang galit niya noon sa akin.. At basta nalang umalis ng walang paalam,pagkatapos muli kaming nagtagpo makalipas ang maraming taon..











                Oo nung una,umasa talaga ako na balang araw hanapin ako ni Toni at magkita kaming muli. Ma explain ko lahat na mali yung inaakusa nya sa akin.. At kung kailan namang parang kinalimutan ko na ang lahat saka naman bigla kaming nagkita na parang walang nangyari..
Argghh!! Nababaliw na ako...











               Kailangan ko ng makakausap, kung si Lexi kaya ang pagsabihan ko,maintindihan kaya nito ako? Sabagay mukhang mapagkakatiwalaan ko naman sya.. Muli akong napahugot ng malalim na paghinga.. Ano bang araw ngayon? Sabado,marahil nasa bahay lang nila ngayon si Carmen.. God kailangan ko talaga ng makakausap.











             Pwede ko namang kasing e reject na lang yung offer sa akin ni Toni.. Kaya lang bakit ganun! Tama sya mahal ko parin siya at the same time natatakot din akong mawala si Charles sa akin.. Napa mahal na rin sya sa akin at sobrang bait nya ni minsan walang rason para saktan nya ako. Pati pamilya niya gustong gusto ako.. Tapos ang gusto pa ni Toni pagpakalayo layo kami sa ibang bansa.. Bakit ayaw na ba niyang tumira ng hacienda?

"INSIDE YOUR HEAVEN" (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon