SHERRY POV...
"Charles.... I'm sorry!!" Napasinghap kung wika habang nandito kami sa isang park malapit lang sa flower shop ko.. Dito ko naisipang kausapin si Charles,wala pang isang buwan pero nag isipan ko namg mabuti ang desisyon ko..
"Sorry for what hon?" Takang tanong nito.. At humarap ito sa akin habang nakaupo kami sa isang bench.. Napaka buti ni Charles sobra kaya lang ayoko namang habang buhay ko nalang syang niloloko pati na rin ang sarili ko...
"I'm sorry..... Hindi ko nararapat para sayo! Hindi ako deserving sa pagmamahal mo.." Naguguluhan naman itong nakatitig lang sa akin..
"Ano bang sinasabi mo Sherry.. Kung iniisip mo na,na pepressure ka dahil niyaya na kitang magpakasal tayo.. Nagkakamali ka ho,handa akong maghintay.." Sabi naman nito at hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko ng sandaling yun. Sobrang nagiguilty na talaga ako.. Naawa ako sa kanya kaya lang hindi naman pwedeng awa nalang..
"Akala ko limut ko na sya..." Biglang hikbi kung sabi." Sorry pero may iba akong mahal.. I'm sorry kung.. Ah paano ko ba sasabihin! Pinilit ko namang mahalin ka ng buong buo,kaya lang hindi parin sya mawala dito sa puso ko.." Confess ko sa kanya,marahan naman itong napayuko at narinig ko ang pagsinghot nito.." I'm so sorry..."
"Don't cry Sherry... Its okay!" Wika nito at muling nag angat ng tingin.. Napangiti man sya pero kita ko parin ang sakit sa kanyang mga mata.." Kung saan ka masaya tatanggapin ko yun dahil mahal kita.. At lagi mong tatandaan na andito lang ako lagi Sherry." Saka nya ako niyakap ng mahigpit na agad ko naman itong ginantihan..
"Thank you Charles..." Wika ko na tila guminhawa ang aking pakiramdam..
"Sana maging masaya ka sa desisyon mo.. Kung sino man yang pinag palit mo sa akin malaman laman ko lang na sasaktan ka nya.. Sasapakin ko talaga sya." Biro pa nito.. Alam ko namang hindi magagawa ni Toni sa akin yun.. Kumalas na ito mula sa pagkakayakap namin." Thank you Sherry dahil nakilala kita at kahit na hindi tayo nagkatuluyan naging masaya parin ako na naging bahagi ka ng buhay ko..." Sabay tayo nito at tumalikod.. Humakbang na ito palayo.. Alam kung nasaktan sya ng husto sa naging desisyon ko at masakit din ito para sa akin.. Pero buo na ang pasya ko na si Toni ang pipiliin ko at hindi na magbabago ang pasya ko..
-----------------------------------------------------------
Agad kung siniil ng halik ang mga labi ni Toni pagkabukas ko palang ng pintuan at nakita ko itong nakatayo sa may pintuan..
Hindi naman ito kaagad naka tugon dahil sa pagka bigla, agad ko na itong hinila papasok ng bahay at sinara ang pinto.. Saka ko lang binitawan ang mga labi nito.. Kapwa naman kaming hiningal sa sandaling yun.."Heay babe.. Anong ibig sabihin nun?" Takang tanong naman nito habang ang mga braso ko ay kinawit sa batok nito..
"Ilove you so much Toni... Ikaw ang pinili ko.." Masaya kong balita sa kanya. Agad namang sumilay ang ngiti nito sa kanyang mga labi..
"Really babe....?" Wika nito at agad akong niyakap ng mahigpit at binuhat pa ako nito at inikot ikot sa ere.. Pagkatapos ay masuyo nito akong hinalikan sa labi pero saglit lang yun.." Hindi mo pagsisihan ang naging desisyon mo Sherry, hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya ngayon.." Ikininulong nito ang aking mukha gamit ang dalawang palad nito..
"So sasama ka ba sa akin sa Paris?" Sabi pa nito..na kinagulat ko naman..napatawa naman ito bigla ng makita ang reaksyon ng mukha ko.." Di ba sabi ko sayo nagpapakalayo layo tayo babe...!"
"Kailangan pa ba nating gawin yun?" Tanong ko naman.. Pwede naman kaming mabuhay dito sa Pinas tahimik at masaya...
"Pero hindi dito ang buhay ko babe.. Alam mo naman yan-" Bigla naman itong napahinto na tila ayaw banggitin ang tungkol sa hacienda...
Pero paano naman ang mga na pundar kong business dito at tong bahay ko.. Dugot pawis ang pinuhunan ko,pinag hirapan ko din naman ang mga to.. Buntong hininga ko.."Please Sherry.. Come with me!" Pagsusumamo nito..
Napakalas naman ako mula sa pagkakayakap ko sa kanya at marahang tumungo sa sofa para maupo at agad naman itong umupo sa tabi ko..
"Paano yung business ko.." Mahina kong pagkakasabi tila nahihiya ako.. Baka kasi ito pa yung dahilan ng pag aaway namin samantalang ngayon nga lang kami nagka ayos ulit...
Narinig ko naman itong napatawa at ano naman kayang nakakatawa dun.."Yun lang ba ang pinuproblema mo babe.. Pwede mo namang ibenta yun pati tong bahay na to.. Tapos magsisimula ulit tayo sa Paris.. May bahay ako doon I mean bahay natin tapos magpapatayo tayo ng business natin doon. Magiging masaya tayo.." Hinawakan nito ang mga kamay ko.. "Matutulungan tayo nung friend ko,yung kasama ko noon na pumunta ng coffee shop.. Hahanapan tayo kaagad ng buyer nitong house at yung flower shop mo.. Pwede mo na rin ibenta yung share mo sa coffee shop sa business partner mo mismo.." Suggestions pa nito.. Oo nga naman business minded naman ito at tiyak na makakabangon naman kami kaagad kapag nasa Paris na kami.. Ang mahalaga ay kasama ko sya..
"Okay mukhang kailangan mo pang pag isipan lahat ng offer ko sayo..aalis muna ako." Akmang tatayo na ito pero mabilis kung nahawakan ang kanyang kanang braso..
''Nabibigla lang naman ako babe... Pero syempre sasama ako sayo kahit saan mang sulok ng mundo.." Muli naman itong napaupo sa tabi ko sa sinabi ko.. Pero natahimik naman ito.. Mataman ko itong tinitigan.. Ayoko nang mawala pa ito sa akin.
"Okay babe pumapayag na ako.. Sabihin mo na kaagad sa friend mo na pinagbibili ko na lahat ng property ko dito.." Saka lang muling nag liwanag ang mukha nito...