TONI POV...
Inabala ko muna ang sarili ko sa pag aasikaso sa hacienda sa farm sa pagawaan ng alak,kahit mahirap dahil nag sisimula palang ako kakayanin ko para sa Dad ko at sa pag asa kong makikita ko si Sherry.. Hinihintay ko palagi kung may update na galing kay Carmen kaya lang ilang araw na pero ni isang text o tawag wala pa rin akong natatanggap galing sa kanya.. Nangangati na naman tuloy akong lumuwas kaya lang pinipigil ko ang sarili ko,marami pa akong obligasyon dito. Kung tutuusin pwede naman akong mag hire ng private investigator para mahanap ko si Sherry kaya lang huwag muna ngayon,kaya ko namang ako mismo ang maka hanap sa kanya.. Tama din kasi si manang Rosa, hayaan ko muna ito,masakit talaga yung ginawa ko sa kanya.
"Tamang tama ang dating mo pananghalian na." Salubong sa akin ni manang Rosa ng makarating ako sa mansion. Mula ng bumalik ako dito hindi ko na nakakasalo si Dad para kumain, may sinusunod kasi itong oras para kumain para mainum ang mga gamot nito. Masaya naman ako dahil kinikibo na nito ako kaya lang sobrang hirap parin nitong mag bigkas ng mga letra. Hindi ito pwedeng mapwersa.
"Sabayan nyo na akong kumain manang,pati yung ibang kasambahay natin!" Wika ko naman at tila kinagulat naman nito pero hindi ko nalang yun pinansin.. Medyo nakaka ramdam pa ako ng pagkahilo kanina pa,pagod lang siguro at hindi kasi ako nag breakfast kanina. Kaya umupo muna ako sa may sofa.
"Ayos ka lang ba Monique?" Puna naman ni manang Rosa. "Baka masyado mo nang pinapagod yang sarili mo iha,kung hindi naman kailangan huwag ka munang naglalagi sa farm." Concern naman nitong sabi. Ayoko kasing nag e stay dito sa bahay kung ano ano lang ang naiisip ko kaya mas gusto ko yung may pinagkakaabalahan ako..
"Pagod lang po siguro to!" Tipid ko nalang na tugon.. Narinig ko naman ang kanyang pag buntong hininga bago umalis sa harapan ko at tinungo ang dining area para maghanda ng pananghalian..
Kaya lang pag higa ko sa couch lalong umikot ang paningin ko at hindi ko na magawang bumangon pa.. Kaya nataranta na naman si manang Rosa at pinatawag ang family doctor kahit hindi naman nito schedule ang pag punta dito para sa check up ni Dad. Dahil galing pa ito ng bayan at may kalayuan pinainum muna ako ng gamot sa lagnat,sobrang init kasi ng katawan ko at namumutla din daw ako sabi ng mga kasambahay..
Dahil sa gamot na pina inum sa akin medyo guminhawa ang aking pakiramdam at nakaya kong pumanik sa kuwarto ko,inalalayan nalang nila ako at sinabing itulog ko muna habang hindi pa dumarating ang family doctor namin..
"Kailangan nya ng pahinga,na over fatigue sya and mababa ang plate late niya.." Narinig ko namang sabi ng lalaking doctor medyo may edad na rin at dahan dahan akong nagmulat ng mata..
"Anong ibig nyo pong sabihin doc." Nag alala naman tanong ni manang Rosa... "Hindi ba sya na dengue doc.?
"Hindi naman, wala namang sign na ganun. Kailangan nya lang ng vitamins dahil animec sya.. May ibibigay akong vitamins kailangan nyang inumin.. Stressed si Miss Monique and hindi sya nakakatulog ng maayos at hindi maayos ang pagkain nya.." Wika pa nito..
"Sabi kasi eh! Huwag masyado pinapagod ang sarili nya.." Sabi ulit ni manang Rosa. "Narinig mo yun Monique? Kailangan mo munang magpahinga ng mabuti at iwasan monga stressed!" May pag alala ang tingin nito ng sa akin..
Bigla naman akong may naisip na idea... Alam ko namang hindi malala tong sakit ko may naisip lang ako na paraan para makita ko si Sherry at makausap ko ito..
"Manang pwede po bang iwan nyo muna kami ni doc Ocampo.. May pag uusapan lang po kami.." Seryoso ko namang sabi at dahan dahan akong kumilos para maupo sa headboard ng kama... Agad namang sumunod si manang Rosa kasama ang isang kasambahay at lumabas muna sila ng kuwarto.
"Doc,pwede po bang humingi ng favor?" Pareho kaming nakatingin sa isa't isa at kapwa seryoso..
"Anong klaseng favor Miss Monique!"
"Pwede nyo po akong gawan ng pekeng result na may blood cancer ako..!" Nanlaki naman ang mga mata nito sa sinabi ko.
"Miss Monique, masyadong malaki ang hinihingi mong pabor para sa akin... Reputasyon ko bilang doctor ang nakasalalay dito. Maari akong maalisan ng lisensya kung nagkataon." Alam ko naman ang bagay na yun! Yung lang talaga ang naisip kong paraan para malaman ko kung nasaan si Sherry..
"Please doc... May gusto lang akong kausapin at ito lang ang alam kung paraan.. Sasabihin ko din sa kanya na fake lang yun kapag pumayag syang umuwi kasama ko dito sa hacienda.. Pangako hindi ko idadamay ang pangalan mo.." Pagsusumamo ko naman sa kanya.. Narinig ko ang paghugot nito ng malalim na paghinga at kita ko ang pag aalala sa mukha nito..
"Alam kung malaki na rin ang naitulong ng Dad mo sa akin,tinatanaw ko yung malaking utang na loob.. Kaya lang-"
"Please doc.. Hindi ko sinusumbat ang mga bagay na yun.. Nakikiusap ako para sa taong mahal ko doc. Kaya din ako na stressed ng ganito dahil malaki ang naging kasalanan ko sa kanya at ayaw nya akong makita.. Kinamumuhian nya ako.." Naluluha ko nang sabi..
Sunod sunod naman ang pag buntong hininga nito...
"Okay Miss Monique,pumapayag na ako basta mangako ka na once na naisama mo sya dito.. Aaminin mo din ang totoo at huwag mong idadamay ang pangalan ko.. Kung aalis man syang muli pag nasabi mo ang totoo wala na akong magagawa sa bagay na yun!"
"Salamat doc at.. Pangako tutupad ako sa usapan natin.." Wika ko naman.