TONI POV...
Kahit todo pigil si manang Rosa sa akin,kinabukasan kasi nagpasya akong umalis ng hacienda dadaan ako sa clinic ni doc kukunin ko yung pinag usapan namin saka ako tutuloy na babalik ako ng San Jose.. Hindi pa kasi ako magaling halata parin sa itsura ko na may sakit ako dahil sobrang pale ng mukha ko. Kaya ito yung naisip kung mas mabisang paraan para kapani paniwala na may sakit ako at may taning na ang buhay ko.. Nagpumilit parin si manang Rosa na magpasama sa isang driver ni Dad baka daw kasi may masamang mangyari sa akin. Pumayag na lang din ako para ipag drive ako dahil nanghihina pa ang katawan ko.. Sinabi ko din kay manang Rosa sa plano ko kahit kontra din sana sya wala na rin itong nagawa dahil buo na ang pasya ko..
Sakto namang nag message si Carmen at alam na daw nito kung saan nakatira ngayon si Sherry sa isang private resort daw pag aari ng pamilya nila at may rest house sila doon. Si Charles daw ang madalas pumupunta doon at totoo nga yung sabi ni Charles na malapit nang ikasal ang dalawa pero wala pa namang exact month at date. Basta ang sabi lang nung tumawag si Sherry kay Carmen sya ang magiging maid of honor nya kaya nalaman nito ang lahat ng impormasyon kay Sherry.. Dahil pasimple nya itong tinanong at hindi na daw sya nag usisa tungkol sa akin baka makahalata si Sherry. Salamat kay Carmen at dahil tinulungan nya ako may reward ito sa akin..
Tutuloy na kami sa sinasabi niyang resort sa may Batangas.. Huwag na huwag ko daw sabihin na sakanya galing ang impormasyon..
"Sorry po ma'am pero kabilin bilinan ni sir Charles na huwag daw po kaming basta basta nagpa papasok kung wala namang appointment kay ma'am Sherry." Wika ng guard na nakabantay sa malaking gate dalawang guard ang nandito.. Humanda ka sa akin Charles mas mahigpit ka pa sya kesa kay Sherry ah.. Paano kayang paraan ang gagawin ko..
"Ako yung wedding coordinator nila ni Charles! May kailangan lang kaming e discuss." Pag sisinungaling ko naman.. At sinamahan ko pa ng matamis na ngiti." Nakalimutan sigurong ibilin sa inyo ni Charles na may kailangan kaming pag usapan ng fiancée nya.." Sabi ko pa.. Mataman nito akong tinitigan ng mabuti sana effective..
Nag usap naman sila ng kasamahan nitong guard ng medyo malayo sa kinaroroonan namin kaya hindi ko yun narinig. Muling lumapit sa sasakyan ko ang guard pagkatapos maka usap ang kasama..
"Okay po ma'am de bale po parating naman na po si sir Charles,tuwing hapon po kasi yung dumarating dito.." Pagpayag naman nya,kahit ilang Charles pa ang dumating ang mahalaga sa akin ay makita at maka usap ko si Sherry.
"Thank you!" Tugon ko naman at pinadaan na ang kotseng lulan namin sa gate. At mabilis yung pinasibad ng kasama kong driver hanggang matanaw namin ang two storey house may kalakihan din.. Bigla namang kumabog ang dibdib ko ng sandaling yun. Malapit na ako kay Sherry at makikita ko syang muli makaraan ang halos isang buwan..
Pinark na ni manong driver ang sasakyan namin sa may gawing main door. Mabilis naman akong lumabas ng sasakyan at sinalubong kami ng medyo may edad ng lalaki..
"Sino sila anong kailangan nyo?" Takang tanong naman nito..
"Andito po ba si Sherry, kailangan ko lang po syang maka usap.!" Sabi ko naman.
"Tuloy kayo.. Pinapasok naman kayo ng mga guards tyak kilala kayo ng boss namin.." Sabi naman nito at nginitian pa ako. Siguro marami silang kasama ni Sherry dito.. Binuksan na nito ang main door,domoble naman ang kabog ng dibdib ko.. Kompleto naman ang kagamitan dito sa loob at moderno rin ang mga kasangkapan..
"Maupo muna kayo ha! Tawagin ko lang siya sa may likodbahay nasa may duyan kasi baka natutulog."
Sabi pa nito at nagmamadaling lumabas..Naupo naman ako sa may sofa samantalang si mang Ben, yung driver doon na lang daw sya sa may sasakyan..
May naulinigan naman akong mga boses at palapit ng palapit sa kinaroroonan ko..
"Tay wala po akong inaasahang bisita ngayon,bukod kay Charles..!" Narinig ko ang boses ng pinakamamahal ko kaya napatayo na ako sa aking kinauupuan.. Si Charles lang talaga ang gusto nyang makita ha, handa akong pagdusahan lahat ng kasalanang nagawa ko sa kanya..
''Sherry..." Sambit ko sa pangalan nito ng nasa harapan ko na sya. Napatitig ako sa mukha nito ni hindi ko naman mabasa ang ekspresyon ng mukha niya ng sandaling ito..
"Tay maiwan nyo na po muna kami." Seryoso naman nitong wika sa matanda at agad naman itong sumunod.. Hindi ko naman alam kung paano ko sisimulan ang sasabihin ko..
"Ano na naman ang kailangan mo,diba nakapag higanti ka na?" Seryoso nitong turan.."Sherry.. Hinanap kita,andito ako para humingi ng sorry sa lahat ng nagawa ko.." Naluluha kong wika. Gustong gusto ko itong yakapin ng mga oras na yun. Halatang nangayayat ito..
"Umalis ka na.. Baka maabutan ka pa ni Charles dito..!" Pagtataboy naman nito,tila ganito yung nangyari sa panaginip ko..
"Sherry please... Hayaan mo muna sana akong mag paliwanag! Gusto ko lang mapatawad mo ako sa mga nagawa ko!" Gusto ko siyang hawakan pero humakbang ito paatras tila may nakakahawa akong sakit na ayaw nyang dumikit sa balat nya..
"Nung araw na iniwan mo ako at inamin mo ang tungkol sa paghihiganti mo.. Pinatawad na kita noon pa lang.. Alam kung may nagawa din akong kasalanan sayo nun." Napailing naman ako ng sandaling yun.
"Wala kang kasalanan Sherry... Ako ang nagkamali ako ang may malaking kasalanan.. Forgive me please!" At lumuhod ako sa harapan nito..