AC's POV
"Dadaan ka muna samin bago ka makalabas sa bahay nato". Seryosong sabi ni Zander.
Napamaang ako.
" Ang dale! ,sige!humarang kayo sa pinto at dadaan ako sa inyo" sabi ko.
"Hindi yon ang tinutukoy namin" si jave,seryoso.
"Kung ganon, ano?"
"Labanan mo kami para makalabas ka" nakangising sabi ni Khaled.
"Sige!" Agad na sagot ko.
Nakangisi lang sila habang nakatingin sakin kaya kinuha ko ang pagkakataon at sinugod ko si Aehron.
"Woah!easy!si khaled lang ang kalaban mo". Natigil ako sa pagsugod sa kanya at napatitig sa kanya.
Ha?ang sabi nila sila, e bakit si khaled lang?
Ano kaba Ac naghihintay na Sayo si yana, baka kapag nilahat mo sila di kapa makalabas.
Di ko na sya pinansin, bumaling ako Kay Khaled na ngayon ay pasugod na sakin!
Mabilis ko itong nailagan at sya naman ang sinugod ko ngunit nailagan nya rin ito!Napatalon ako sa sofa at umikot sa ere , sinipa ko sya sa mukha.
Natumba sya at napahawak sa panga, pinailing iling ang ulo na para bang isang lasing na ibinabalik ang sarili sa wisyo.
Patakbo akong sumugod sa kanya. Ngunit..
Sa bilis ng takbo ko ay may natapakan akong bagay naging dahilan ito upang maglanding ako Kay Khaled!
Sandali akong napatitig sa brown eyes nya ngunit agad ko din itong binawi ng ngumisi sya.
" Pati ba naman sa public papatulan mo ako?" Nakangising tanong nya naging dahilan ng panlalaki ng mata ko.
"Manyakis" Mahinang bulong ko
"Ako ba talaga o ikaw?Balak mo pa yatang magtagal sa ibabaw ko" Natinignan ko ang pwesto ko at dali dali akong umalis sa ibabaw nya.
"Tama nayan" Si Kurt.
Pagkasabi nya nun ay lumabas na ako.
Nangmakahanap ako ng sasakyan ay agad ko itong ipinaan dar papuntang Millan' s Mall.
Pumasok ako sa loob at hinanap ang Chinese resturant doon.
"Ac!!" Si yana. Sinalubong nya ako ng yakap kaya ginantihan Jo rin ito ng yakap.
"Kamusta?" Sabi ko nang makaupo kami.
"Okay lang naman hehe, Next year nga pala aalis na kami papuntang State" Malungkot na sabi nya nang makaorder.