AC's POV
Nag Simula na silang mag rambulan habang ako pinapanood lang sila.
Hanggang sa may lalaking nakakita sakin at akma akong hahampasin ng kahoy pero nasangga ko yon.
Siraulo rin to eh. Nanonood lang ako idadamay pa ako.
Nakisali narin ako at naki pagbugbugan.
Sumugod sakin ang is a kaya sinikmuraan ko ito at sinapak sa mukha.
Abala lang ako sa pakikipagbugbugan nang may yumakap sakin..
Khaled's POV
Ano bang ginagawa nya dito?Sya pa talaga nagdadala sa sarili nya sa gulo eh.
Patuloy lang sya sa pakikipagbugbugan kaya di nya napapansin na may akma sa kanyang hahampas ng bakal sa likod!
Napatakbo ako at daglian ko syang niyakap para di matamaan nito.
Nagpagulong gulong kami sa damuhan habang yakap yakap ko sya.
Argh!ang saket!!!
May likido akong nararamdaman sa batok ko pero di ko na yon pinansin.
Hanggang sa mahinto kami sa paggulong. Napapikit ako nang maramdaman ko ang hangin sa balat ko....
"Tara na!" Tinig ni jack. Sa tingin ko aalis na sila.
**
Napadilat ako nang mata ngunit napapikit uli nang masilawan.
"F*ck!!" Sigaw ko nang maramdaman ang sakit.
Dahan dahan Kong dinilat ang mata ko.
"Humiga ka dyan,gagamutin ko sugat mo" tinig ni Ac.
Nagpumilit parin ako sa patayo ngunit bumagsak din nang makaramdam ng matinding sakit.
"Sabi ng humiga ka dyan e,baka gusto mong ipalaklak ko sayo tong alcohol?" Patataray nya.
"Nasan ba ako?" Tanong ko ba inililibot ang tingin sa buong kwarto.
"Eh, kung iuntog kaya kita sa pader nang matauhan ka?" Nasa kwarto ko ako. Bakit ba Hindi ko agad nakilala.
"Bakit ba ang sungit mo?"
"Pake mo?" Tss. Napaka suplada.
AC's POV
Anak ng...nag collapse?
Dinala ko sya sa kwarto nya nang makarating sa mansyon.
Pinagtulong tulungan namin nila zander si khaled ipasok sa kwarto nya.
Kumuha ako ng towel at binasa. Pinunasan ko ang mukha nya. Tsk!bat ba ang haba ng pilik mata nya at makapal pa. Ang tangos rin ng Ilong nya at may manipis na labi na mapula.
Natigil ako sa pagpupunas nang may pumasok na. Nagulat sya nang makita ako ganon din naman ako.
Sino ba naman kasing di magugulat kung ang isang kagaya nya ang bigla bigla papasok sa teritoryo ko.
Sya yung babae sa locker. Yung babaeng maka bitch wagas.
Dali dali syang lumapit kay Khaled at umiyak ng umiyak sa dibdib nito.
"Baby...please wake up" Sabi nya pa habang umiiyak sa dibdib nito.
Napaka OA sarap sapakin. Nag collapse lang yan di pa yan patay.
Tinignan nya lang ako ng masama at tuluyan nang lumabas.
Bwisit talaga.