Zander's POV
Nakangiti ko syang tinignan na bagsak na.
Grabe ibang klase rin tong si Ac,ako naunang uminom pero sya yung bumagsak.
Napapailing Kong sabi at binuhat sya. Ang bigat. Ilang kilo ba tong babaeng to?
Dahan dahan ko syang inihiga sa kama nya at kinumutan sya.
Lumabas ako nang kwarto nya at natigilan ako sa pagsasara ng pinto nang makita ko sya sa hagdan.
"Anong ginawa mo sa kanya?" Walang emosyong sabi nya.
"Nothing" sabi ko at tuluyan na ngang naglakad. Ngunit kusa win akong huminto nang magsalita sya.
"Dapat lang..dahil baka mabalik na naman ang dati.." Sabi nya...
AC's POV
Nagising ako sa sinag ng araw na nanggagaling sa bintana. Ang sakit ng ulo ko!shet!
Tsk!pano ba ako nakarating agad dito sa kwarto ko???tsk!never mind.
Nag ayos na ako ng sarili nang maalala na may pasok na nga pala ngayon.
Saglit lang akong nagayos at bumaba na.
"Sumabay ka samin" Si khaled.
Tama ba narinig ko?Pakiulit nga? Baka namali lang ako eh.
"Ano?" Nagtatakang tanong ko.
"Sabi ko sumabay ka samin" totoo nga!mukhang di ako nagkakamali.
Pero teka. Anong himala ang dumaan at nagkaganon yun?
"Wait lang ha" sabi ko at lumapit sa kanya. Chineck ko kung may lagnat sya pero tinatabig nya lang yung kamay ko.
"Wala ka namang lagnat eh" sabi ko at muli akong sumubo ng pagkain.
At pagkatapos non ay sinabay nga nila ako kaso grabeng bulungan ang bumalot sa school.
"Bakit may kasama sila"
"Baka kapatid nila"
"Tanga!magkakamukha ba?"
"Eh Hindi naman lahat magkapatid magkamukha"
Hindi ko nalang sila pinansin at naunang maglakad.
Pagdating ko nang room as usual kagaya kanina, pinagtsi tsismisan na naman ako.tsk.
Saglit lang kaming naghintay at dumating nadin ang prof.
Bakit ko nga ba nakalimutan na classmate ko sya sa subject na to?
Natigil sa pag di discuss si mam at natuon sa kanya ang atensyon ng lahat.
"Why are you late Mr.Avrizze?" Sita ni mam.
"Traffic" yon lang ang sinabi nya at naupo na sa tabi ko.
Sabay kaming pumasok kanina kaya panong trapik?Nambabae siguro to.
Pake ko ba?
Hindi ko nalang sya pinansin at nakinig nalang sa discussion.
Pumunta ako sa locker ko para kunin yung iba ko pang gamit nang may biglang nagsara nito at naipit pa yung kamay ko!
Inalis nya ang kamay nya sa pinto ng locker kaya nakahinga ako ng maluwang.
"You're a damn B*CTH!" Sigaw nya sa mismong mukha ko at saka ako tinulak. Napahampas ang likod ko sa locker.
Tatlo silang babae. Pamilyar sakin yung nangunguna dahil nakita ko na sya.
"Ano bang problema mo?!" Sigaw ko, imbes na sagutin ay sinabunutan nya ako at nginudngod sa locker.
"Isa kang malandi..eto tatandaan mo, Wag na wag kang lalapit sa lima lalong lalo na kay Khaled, warning palang yan dahil baka sa susunod mas malala pa dito abutin mo' bulong nya at binitiwan ako.
Shet!ano bang problema non?ang sarap tuloy manapak!ang sakit nung ginawa nya e. Bigalaan pa!foul yon!
Naglakad nalang ako palabas at di ininda ang sakit sa kamay. Mamamaga pa yata.
Napahinto ako sa paglalakad nang makita ko si Khaled. Papunta sya sa likod ng building.
Sinundan ko naman sya at don ko nalaman na magka cutting sya. May daanan don palabas eh.
Pabalik na sana ako nang makarinig ako na may nagsasalita.
" akala ko may baril ka e..Muntik ko nang isipin na duwag ka" nakangising sabi ng lalaki na may hawak na kahoy. Nagtago ako sa medyo madamo damo kaya di nila ako makikita dito.
"Di naman ako katulad mo Lalaban lang sa isa May isang dosenang aso pa. Tsk.tsk" si khaled. Madami nga sila at nagiisa lang si khaled.
"Mayabang ka talaga eh no?site simulan na natin ang War" nakangiting sabi ng ng lalaki.