Khaled's POV
Pagkaalis ni AC ay umayos na kami ng upo dahil paniguradong seryosong usapan to.
"Nais Kong bantayan nyo ang aking Anak, kayo lamang ang mga pinagkakatiwalaan ko at bukod don ay kayo ang pinakamagagaling sa mga tauhan ko" Si king ize.
"At nais ko rin na pagaralin ang Anak ko kung saan kayo nagaaral nang sa gayon ay mabantayan nyo sya, pagsasama samahin ko kayo sa iisang section at kayo na ang bahala sa kanya" patuloy ni king ize.hindi parin naming nagagawang magsalita.
"Kung maaari ay turuan nyo rin sya ng leksyon sa lahat ng pagkakamali nya, gusto Kong itrain nyo sya sa paghawak ng baril dahil pana lamang ang Alam non'"
"Maaasahan ko ba kayo sa misyon nyo ngayon?"si king
" yes, king" si jave.
"Oo naman" si Kurt
"Hindi ka namin bibiguin" si Aehron.
"We will" si Aehron.
"And the leader?" Baling sakin ni king ize.
"We will do everything, king" ako.
"Good, okay dismiss" Anunsyo nya at naglabasan na kami..
"Anong oras na?" Si Kurt
"9:40PM" si Zander, ginamit lang ang kanyang tantyang isip.
"Kailangan nating bilisan, male late ako sa date ko" Anang Kurt, tsk. Playboy parin talaga.
"Pakakainin ko pa si Chubby" si jave, alagang aso namin ang kanyang tinutukoy.
"Magbabasa pa ako" si Zander,
"May aayusin naman akong computer". Si Aehron.
Nilingon nila ako nang nakakunot ang noo.
" what?" Angil ko.
"Anong gagawin mo ngayon?" Si jave.
"Matutulog nalang muna ako" sabi ko at nagpa unang maglakad sa parking lot.
"Bitiwan nyo nga ako!" Nagecho sa parking lot ang sigaw na yon. Batid Kong nanggagaling iyon Kay AC.
Sa lakas ba naman nya manigaw kanina kaya nakilala ko kaagad agad boses. Tss.