Ac's POV
Pagkarating namin sa mansion ay sumalubong ang aso nilang si chubby! Napakapit naman ako sa braso ni Zander.
"Chubby!!" Tinig ni jave.
Lumapit naman ang aso kay jave.Napalingon naman sakin si zander kaya nilingon ko rin sya. Bumaba ang tingin nya sa kamay ko na nakahawak parin sa braso nya!
Tinanggal ko kaagad yon at nagpaunang maglakad.
"Hi babes, ginabi ka yata?baka naman nanlalake kana" si Khaled na naman.
"Pwede ba?tumigil ka sa ka be babes mo sakin,nakakairita" Inis na sabi ko.
"Di ka naiirita babes,Naiilang ka,NAIILANG" pinakadiinan pa talaga yung huling salita. Tigas rin.
"Ewan" Sabi ko na umirap pa at saka umakyat sa kwarto ko.
Pabagsak Kong isinara ang pinto at nagtungong shower room.
Saglit lang akong naglinis at pumuntang kusina. Nahinto ako nang may masaging bagay na nalaglag sa sahig kaya naging matunog.
Picture frame namin ni Niel. Mga Bata palang kami non. Parang maiiyak na naman ako nang maalala ko ang huling sandali na nakasama ko sya.
*flashback*
"Ac,tumakas kana.." Ani Niel.
Marami syang sugat na natamo nung itulak sya nang kidnaper dahil sa pagtatanggol sakin.
"Pero Niel,Di kita iwan dito" Ako.
"Tsk.Tara na baka dumating na sya" Aniya na hinawakan ako sa kamay at sabay kaming tumakbo palabas don.
Napahinto kami sa pagtakbo nang humarang ang kidnaper. Napaatras kami at nilingon ang kaliwat kanan may mga lalaki din at sa likod namin ay may bangin.
"Hindi na kayo makakatakas" Sabi ng lalaki.
Tumakbo si niel papunta sa lalaki para itulak ito. Sinalubong sya nang saksak ng lalaki. Bumagsak si Niel na puno ng dugo.
Aatras na dapat yung lalaki nang hawakan ni Niel ang paa nito.