Ac's POV
Nagayos ako ng gamit ko at naglakad palabas. Nakita ko naman si Jave sa labas na mukhang may hinahanap.
"Oh jave?may hinahanap kaba?" Tanong ko nang makalapit ako sa kanya.
"Sila zander kasi di ko makita" nag aalala ngang tanong nya.
"Nandyan lang yun, Tara samahan mo akong maglunch" Anyaya ko.
Siguro kaya nya hinahanap sila Khaled kasi wala syang alam na nag trouble yon. Isip Bata kasi kaya Hindi nasasama minsan eh.
"Tsk.Tara nagugutom narin ako eh" Aniya at naunang maglakad.
Basta pagkain nakakalimutan ang lahat.
Naglakad kami papuntang canteen at Papasok palang kami todo hiyawan ang mga babae.
Akala mo naman artista ang dumating.Si jave lang naman.Hindi ko naman sila masisisi kasi Talagang may itsura rin tong si Jave.
"Hi Jave, Pinapabigay nga pala ng kaibigan ko" Sabi ng babae na nasa harapan na namin ngayon.
Di nalang sabihing sa kanya galing eh halata naman.
"No, thanks di ako kumakain ng bigay" Gusto ko talagang kaltukan tong si jave dahil sa sinabi nya. Sinungaling.
"Oy,binibigyan ka na nga ng pagkain Nagpapakaarte kapa, kunin mo" Bulong ko sa kanya. Ngiting ngiti yung babae sa harap namin
"Ayoko" Napakaarte talaga.
"Kunin mo na kaya para di na kita ilibre dyan,Kaltukan kita dyan eh" Pagbabanta ko. Aba. Di ako sobrang yaman para ilibre sya. Ang takaw kaya nya.
"Psh!" Singhal nya at tinanggap iyon.
"Welcome" Advance rin tong babaeng to eh. Hindi pa na kakathank you si Jave nag welcome na.
"Thank you" Gusto Kong matawa sa sagot ni Jave. Yung totoo, baliktad ba mundo nila.
Naglakad na si jave kaya sumunod na ako sa kanya.
"Oy,bakit ang sungit mo ngayon?" Tanong ko na tinapik pa sya.
"Tsk.ayoko sa Pink" Tinignan ko naman yung hawak nya. Tumawa naman ako nang makita yung ibinigay sa kanya.
Isa yong maliit na box na kulay pink ang balot at may pa heart heart sa palibot non. Ang ganda nga kaso pambabae talaga. Kung di mo pa makikita ang loob mapagkakamalan mo yong may love letter sa loob.
"Okay lang yan,bagay naman eh" Natatawang sabi ko kaya nilingon nya ako na mukhang naiinis na rin.
"Jave, yung totoo,Binabae ka ba?" Natatawa talaga ako.
"Eh,kung halikan kita dyan para patunayan ko?" Tanong nya na nagpalaki ng mata ko.
"Hahahaha,wag ako,sasabog lang yang nguso mo promise" Hindi ko akalain na nakakapagbiro sya ng ganyan. Ang alam ko ay matakaw at isip Bata lang to.
"Hindi ko talaga gagawin yon dahil mas panget ka pa sa panget" Nagpintig ang tenga ko at inis na tinignan sya.
Sarap na sarap sya sa kinakain habang natatawang nakatingin sakin.
Tinawag nya ba talaga akong panget?Sinungaling rin to eh.
"Bawiin mo yung sinabi mo" Seryoso Kong sabi.
"Ayoko" Mahilig rin pala tong mang asar eh.
"Bawiin mo yon" Naiinis na talaga ako.
"Hahaha,ayoko nga sinabi lang sakin ni Khaled yun eh"
Yung mayabang na yon pa talaga ang nagturo ng kasinungalingan sa batang to?pathetic.
"At naniwala ka naman, Sabihin mo sa kanya bulag lang sya" At sino naman para sa kanya maganda?yung mala Mangkukulam nyang girlfriend?Bulag talaga sya at mayabang!
"Haha,Eh anong pinaglalaban mo?" Eh? Ano nga ba?paki ko ba sa iniisip ng lalaking yon.
"Ewan" Sabi ko at nagpatuloy sa pagkain. Nakakabwisit lang ha. Ano bang pinaglalaban ko dun.
Minsan rin kasi ang sarap sapakin nun.
Teka, nasan na ba sila?diba dapat nandito na sila.Ang hin a namn pala nila pagdating sa kalaban.
---------
Please, Vote and comment!
SKL