AC's POV
Hindi na nga talaga magbabago ang desisyon ni dad. Wala na akong magagawa kundi ang manatili sa mansyon.
Alas sais palang nang magising ako. Maaga rin kasi ang biyahe namin papunta sa mansyon
"Anztheyxie!!wake up!your sundo is here" Tinig ni Aaz Min.
"60 minute!" Sigaw ko.
"Aish!!faster!!" Naiirita nyang sabi at narinig ko na ang yabag nya pababa.
Kinuha ko na ang mga gamit ko at ipinasok ko na sa loob ng maleta.
Hinila ko na ang isang maleta ko pababa. May mga naiwan rin kasi akong gamit sa mansyon kaya posibleng nandon pa yon.
"Good mor-" Napahinto ako sa paglalakad pababa at pinanood ko silang magtawanan.
Kelan pa sila naging close ng mommy ko.
Ang mga asungot lang naman ni dad at ang engkantong mayabang ang sa tingin ko ay susundo sakin.
"Oh!Ac your here!" Si mom. Ang lawak ng pagkakangiti eh.
"Good morning mom" sabi ko sabay halik sa pisngi.
"Good morning girly stupid" Si khaled! Salubong ang kilay na nilingon ko sya.ngi ngisi ngisi sya habang nakatingin sakin.
Tsk!pasalamat ka nasa harap tayo ng pagkain!
"Good morning princess" Si Aehron.
"Good morning MY princess" Si Kurt na bahagya pang nakangisi.
"Ac, akin nalang tong bistek mo ha". Si Jave.
Tinanguhan ko lang sila at kumain nalang din ako.
" Mom , bat di pa kayo nakabihis?" Tanong ko nang makalabas ang mga asungot.
"Hindi naman kami sasama," Si mom.
Nang matapos ako ay nagpalam na ako kila mommy at Aazmin.
Naglakad ako palabas hila hila ang maleta.
"San ako sasakay?" Inis na tanong ko nang makita na pinunuan na nila ang Van.
Pinuno kasi nila ng halos napakaraming maleta ang Van kaya wala na akong maupuan.
"Kandong ka sakin gusto mo?" Nakangising tanong ni khaled.
"Sa compartment ka nalang" Si Jave.
"Dito ka sa passenger seat" Ani Zander kaya sumakay ako ron.
Medyo mahaba haba pa ang biyahe kaya natulog muna ako..
"Hey..wake up" Dahan dahan Kong iminulat ang mata ko nang may yumugyog sakin.
"Nandito na tayo" Sabi ni Zander nang maimulat ko ang mata ko.
Ibinaba ko ang mga gamit ko at nangunang maglakad.
Kung bakit ba kasi may mga kasama pa akong asungot e!
*Dingdong*
Nang di bumukas ay sumubok uli ako hanggang sa buksan ito. Isang guard ang bumungad sakin.