AC's POV
Kinapa ko sa side table ang cellphone ko na kanina pa nag riring.
Sinagot ko ito ng di tinitignan ang caller.
"Low.." Sabi ko habang nakapikit parin.
"I want to talk to you, in my office" tinig ni dad.
"Okay..I'll be there dad after 60 minute" saad ko.
"AC, its important" seryoso ngang aniya. Naimulat ko ang mata ko at napabuntong hininga.
"Yes dad". Yon lang at ibinaba ko na ang cellphone.
Gaya nga ng sinabi ni dad mabilis Kong tinapos ang pagligo at bumaba.
" Good morning Mom" Bati ko ng makababa at makaupo sa blangkong silya sa tabi nya.
"Good morning hija" kaswal na aniya.
Nasanay na ako sa masyadong napakaseryosong pamilya namin lalo na si dad. Di na ako magtataka kung pati pinsan ko ay nahawa na rin sa kanila.
"Good morning AC!!" Sinalubong nya ako ng yakap at halik sa pisngi..
Si Az min, ang pinakamingay na pinsan ko sa bahay nato.
Natawa ako sa sariling naisip.
"Good morning" ginantihan ko rin sya ng yakap..
Akala mo ilang taon na di nakita kung makaasta.
Maya Maya lang rin ay natapos na kaming kumain kaya sumakay na ako sa kotse ko at pinaandar yon papunta sa building ni dad.
Nang makarating ako ay nakahanap agad ako ng parking space. Ipaparada ko na sana ng may manguna ron ngunit di nagkasya ang kotse nya!!
Bwisit naman talaga oh!!
Inis akong bumaba ng kotse at naglakad papunta sa kotse nya!!Marahas ko yong kinatok. Di naman ako napagod don dahil bumaba agad sya.
"What's you're problem?!" Singhal nya sakin. Gusto Kong matawa dahil sa tanong nya ngunit di akma sa sitwasyon ko masyado nya akong ginalit!
What's my problem?ha!manhid ba sya??Anak ng topa talaga e ang sarap sapakin Neto
"Ha?!At tinatanong mo ako kung anong problema?!Anak ka ng tupa ginasgasan mo ang kotse ko!!" Sigaw ko sa kanya dahilan para magsalubong ang kilay nya at mapatitig sakin.
"And so?" WTF!!!!!!
"Bayaran mo!!" Sigaw ko uli
"Bakit ko naman babayaran eh,pareho lang naman tayong nagasgasan ng kotse" mayabang nyang sabi na itinuro pa ang parte ng kotse nyang nagasgasan.
"Ha?!so sinasabi mo ba na babayaran ko yang gasgas ng kotse mo?!" Ibang klase rin tong lalaking to e . hanep.