AC's POV
Nandito ako ngayon sa kwarto ko kasi walang pasok ngayon.
Nakakabagot masyado ang First week ko sa school na yon tsk! Wala man lang exciting don.
Humiga ako sa kama ko at nag pagulong gulong hanggang sa makarinig ako ng malakas na tug tog galing sa kabilang kwarto.
Ang sarap talagang sapukin ng mayabang na yon. Nananadya ba talaga sya?Eh kasi napakalakas talaga ng sound trip nya.
Lumabas ako ng kwarto at kinatok ang kwarto nya.
"What?" Inosenteng tanong nya.
"Anong what?Hinaan mo kaya yang speaker mo sa loob" Inis na sabi ko sa kanya.
Napakayabang talaga ng khaled na to ang sarap nyang tirisin.
"If I don't " sabi nya nang nakangisi.
"Ah!ganun?"dire diretso akong pumasok sa loob at sinira na ng tuluyan ang speaker nya.
" what the f*ck!!!!" Sigaw nya.Galit na galit.
Nagsilipan naman sila jave.
"Anong nangyare?" Si jave.
"Sinira ko yung speaker nya." Proud Kong sagot.
"Halaka!importante sa kanya yon" Nanakot ang Tono ni Kurt.
"P-panong importante?" Nauutal na tanong ko.
"Napakaim portante" sabi nila at umalis. Tinignan ko si khaled. Nanlulumo sya at sa tingin ko malungkot sya.
Gano kaimportante ba yon?
Nagui guilty tuloy ako. Eh kasi naman sya e. Sabi ko kasi hinaan nya tapos Hindi nya pa nagawa.
Magso sorry nalang siguro ako.
Khaled's POV
WTF . bakit kailangan nyang totohanin?Nakakainis! Hindi pa naman ako Pwedeng bumili non. Ang mahal kasi.
Ibang klase talaga yung babaeng yon. Hindi yata nag eexist sa kanya yung joke.
Bwisit!humanda kalang talaga sakin mamaya.
Lumabas ako ng kwarto ko at nakita ko sya na nakasandal sa wall.
"Anong ginagawa mo dito?" Walang emosyon Kong tanong
."Gusto ko lang sana mags-" pinutol ko ang sasabihin nya.
"Hindi na kailangan,nangyare na"sabi ko at tuluyan na syang tinalikuran.
Ngunit hinawakan nya ang braso ko...
" Pasensya na.." Yun lang yung sinabi nya at binitiwan na yung braso ko.
Napatingin ako sa dinaanan nya.
Napabuntong hininga ako at nagtungo nang kusina.
Zander's POV
"Nasan si Ac?" Si Kurt.
"Nasa taas lang yon" si jave ang sumagot.
Nakita namin si khaled na pababa.
"Tsk!kainis talaga yung babaeng yun!" Si khaled.
"Bakit?ano ba nangyare?" Usisa ni Kurt.
"Mahabang kwento"
"Edi paikliin mo"
"Ayoko,May gagawin tayong surpresa." Nakangising sabi nya.
Napailing naman ako. Kalokohan to panigurado.