Ac's POVPagkatapos nang scene na yon ay pumunta ako sa mall para hanapin yung katulad ng speaker nya.
Hindi ko parin nakikita kaya medyo matagal tagal na ako dito. Hanggang sa napako ang tingin ko sa isang speaker.
Ganun nga!katulad na katulad. Agad ko itong nilapitan at inusisa.
Napakamahal pala Neto.
Umaavot sya ng 10k plus. Malaki kasi sya at ang astig talaga ng design.
Dinala ko yon sa isang staff na naron saka ko ito binayaran.
Sana magustuhan nya.
Napangiti ako sa naisip Kong yon.
Tsk!gabi na pala. Madilim na sa labas at konti nalang ang sasakyang dumadaan.
Nahirapan pa akong makahanap ng sasakyan buti nalang at nakarating din ako.
Maglalakad pa ako papuntang mansyon. Malayo layo pa pero okay lang.
Ayoko kasing ipakita sa kanila tong speaker.Gusto ko kay Khaled ko to mismo ibibigay.
Nagsimula na akong maglakad.Hindi ko parin maiwasang mapaisip.
Napakahalaga ba talaga ng speaker na to at ganon sya mag react? Siguro nga..Ang engot ko kasi eh. Imbes na Speaker bakit Hindi nalang sya sinapak ko nun.
May nararamdaman akong sumusunod sakin kaya mas binilisan ko pa ang lakad.
Hanggang sa may humarang na tatlong lalaki sa daanan ko!
"Anong kailangan nyo?" Kalmado Kong tanong.
"Ikaw.." Sabi ng isang naka maskarang itim. Base sa tindig nila ay mga lalaki sila at malalaki pa ang katawan.
Lumapit ang isa sakin at sinugod ako ng suntok kaya umiwas ako. Sinikmuraan ko sya at saka ko sinapak ang pasugod palang sakin.
"Nasan ang kwintas?" Sabi nang isang lalaki. Papalapit sya sakin habang may hawak na...
Kutsilyo...
Parang nanghina ang tuhod ko at anumang oras ay tutumba na. Ang kutsilyo.....Naaalala ko na naman at sa puntong to..takot na takot ako...
Napaupo ako habang nakatingin sa kanya lalaki. Patakbo syang sumugod sakin dala ang kutsilyo.
Hinintay ko lang sya na makalapit sakin hanggang sa may pumutok. Humandusay ang lalaki at kumalat na ang dugo.
May dumating na is a pang lalaki. Nakamaskara sya kagaya nila. Unti unti syang lumapit sakin pero di ako makagalaw. Nakatingin lang ako sa kanya.
Lumapit sya sakin at tinitigan ako sa mata. Hindi agad ako nakapag react nang hapitin nya ako at yakapin.
S-sino kaba?. Hindi ko maisatinig yon.
Bakit pakiramdam ko nagkakilala na kami dati. Bakit pakiramdam ko kilalang kilala ko talaga sya.
Umalis sya at naiwan akong naka tulala.
**
Nakarating ako nang mansyon na parang wala sa sarili.
Dumiretso ako sa kwarto ko at doon ay humiga.
Alas kwatro nang umaga nang magising ako. Saka ko lamang naisip na ibibigay ko pa pala yung speaker kay khaled.
Lumabas ako ng room ko at nagtungo sa kwarto nya. Napaisip naman agad ako.
Kung iwan ko nalang kaya to dito at mag iwan ng take note?sige na nga yun nalang. Maaga rin kasi akong aalis bukas.
Kumuha ako ng maliit na papel at nagsulat don.
From:Ac
To:khaledAhm..Bumili ako ng bago..pasensya na kung sinira ko...Sana....magustuhan mo..
Yun lang ang isinulat ko at maglalakad na sana ako pabalik sa kwarto nang bumaba si Zander.
Sa tingin ko di nya ako nakita. San ba punta non?maaga pa eh.
Sinundan ko sya hanggang sa makarating ako sa garden. Naupo sya don at uminom ng alak.
Anong problema Neto?
Lumapit ako sa kanya at naupo sa harap nya.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.
"Diba dapat ako magtanong nyan?" Aniya at nagsalin ng wine sa baso.
Inabot nya sakin yung basong may laman na alak. Tinignan ko lang yon.
"Samahan mo akong uminom" aniya na lasing na.
"Okay na yung kasama mo ako,makuntento ka na don wag kang abusado" pagtataray ko, natawa naman sya.
Ang sarap sapakin Neto eh. Seryoso ako tapos bigla bigla syang tatawa.
"You're so funny" natatawang aniya.
"You're so Funget" sabi ko naman.
Tumayo ako at akmang aalis na nang hawakan nya ang braso ko.
"Please..just...stay beside me" Sabi nya kaya tinaasan ko sya ng kilay.
"Okay" sabi ko at naupo sa tabi nya.