MIKAELO
HABANG naglalakad palinga-linga ako sa paligid. Nakapagtataka namang hindi ko nakita si Cindy at ang best friend nito sa tinatambayan nila. Baka nahiya sa ginawa nilang pamboboso sa kaibigan ko. O natakot sa torotot ko?
Naglakad ako papuntang room namin. Wala na kaming ginagawa dahil tapos na ang exam namin. Naupo ako sa isang chair inilabas ko ang phone ko para magtext kay Issa. Hindi siya nakapasok dahil may sakit ito.
Napalingon ako ng may marinig akong nag-uusap. Kaya napatayo ako para silipin kung sino ang mga iyon.
Nakita ko ang dalawang magkaibigang dakilang mani- maninilip.
"Ano Cindy hindi mo nakita si Mikaelo? Naku nakakahiya ang ginawa natin nahuli pa tayo. Ano na lang iisipin nun." napakamot ito sa buhok niya.
"Mas nakakahiya iyong sa akin! Hindi ko lang nakita nahawakan ko pa. Imaginin mo pinahawak niya sa akin iyong talong niyang mahaba at malaki. Hindi ko alam ang manyak pala nung Mikaelo na iyon jusko! Gusto ko lang naman makita ang talong niya hindi ang mahawakan ito! Hindi ko keribels!" napataas ako ng kilay.
Nagpakita ako sa dalawang maninilip.
"So kasalanan ko pa na sinilipan niyo kami? In the first place kayo ang nagpunta doon." lumapit ako kay Cindy at yinuko ito. "Mabait pa nga ako sa lagay na iyon. Alam mo ba ang ginawa mo sa akin?! Binitin mo ako so you gonna pay for this." sabi ko.
"A-ano?! Hindi ko kasalanan na-na nabitin ka-ka" nauutal na sabi nito.
"Masakit ang mabitin dahil tatlo ang sumakit sa akin!" singhal ko dito.
"Ano naman aber ang sumakit?!" tanong ng kaibigan ni Cindy. Napataas ang sulok ng labi ko.
"Ang ulo ko dahil sa ginawa niyo. Ang puson ko na naipon ang tamod at ang almighty ko na ready na para sumabak sa labanan" nakangising sabi ko. Halos manlaki ang mata ng dalawang mamboboso. "Gusto mo ba makita din?!" birong sabi ko sa kaibigan ni Cindy. Nanlaki ang mata nito at umiling iling.
"Naku huh ayaw! Baka magaya ako kay Cindy hindi nakatulog at hindi nakakain." sabi nito. Hinampas ni Cindy ang kaibigan sa balikat nito. Na ikinasimangot nito.
Napangisi ako at napatitig kay Cindy. Halos hindi ito makatingin ng diretso sa akin. Namumula na din ang pisngi nito sa kahihiyanng sinabi ng kaibigan nito.
"Paano na lang kung naipasok ko na sa kuweba mo? Baka mas lalo kang hindi makatulog baka nga matulala ka pa niyan" sabi ko kay Cindy sabay tawa ko ng nakakaasar.
Nanlalaki ang mata ng dalawa sa sinabi ko. Pinanlakihan ko sila ng mata.
"Halika ka na Cindy. Baka ituloy pa ni Mikaelo ang pagpasok sa kuweba." Takot ang rumestro sa kanilang mga mukha. Kapwa pa napahawak sa isa't isa. Tinalikuran ko na ang mga ito. Mga siraulo din nagpapaniwala sa sinabi ko. Napaiiling ako.
"ISSA, sorry ngayon lang ako nakadalaw," sabi ko sa bestfriend ko. Nagdala ako ng isang malaking box ng pizza at mga prutas.
Tuwang tuwa naman ito dahil favorite niya ang pasalubong ko.
"Huy nakita ko si Cindy kanina nasalubong ko diyan sa kanto parang tulala. Para ngang may problema siya."Iisang lugar lang sila nakatira ni Issa.
Napaismid ako.
"Eh ano kung may problema ang babaeng iyon. Hayaan mo siya!" nakasimangot na sabi ko. Bigla akong itinulak ni Issa kaya nahulog ako sa upuan.
"Bakit mo ako itinulak?" tanong ko. Napahimas ako sa puwit ko.
"Mukha kang ewan tsaka ang sungit mo kapag about kay Cindy ang sinasabi ko." nakakunot ang noo na sabi niya.
"Nakakairita naman kasi ang babaeng iyon. Alam mo naman ayaw ko sa babaeng dumidikit sa akin" bumalik ako sa pagkakaupo. Nakita kong nanlaki ang mata ni Issa sa akin.
"Hoy, babae ako. Lagi tayong magkasama ibig sabibin niyan naiinis ka din sa akin. Grabe ka, Elo! Ang sama ng ugali mo!" bigla itong tumalikod at naglakad palayo. Hinabol ko ito at hinawakan ang kamay nito.
"Hindi, Issa! Siyempre iba ka," sabi ko. Napahinto si Issa.
"Talaga?" tiningnan niya akong maigi kung nagsasabi ako ng totoo. Napangiti ako. Bigla itong sumakay sa likod ko.
CINDY
Nakasimangot akong naupo sa bench. Buti pa si Melissa nakakayakap kay Mikaelo samantalang ako makita niya lang naiirita na siya.
Ganun pala ang feeling ng nakakita ng mahaba at malaking talong nakakatulala. Erase na nga mga kahalayan, nagiging maniac na ako sa isipan ko. My gosh!
Napatingin ako sa papalapit sa akin. Ano na naman ang kailangan ng maniac na ito? Kainis. Napaismid ako kay Mikaelo.
"Hi, baby! Ano ready ka na ba sa pagpasok ko?" inirapan ko ito. Napakabastos talaga ng bibig nito.
"Ang bastos ng bunganga mo!" singhal ko dito.
"Anong bastos sa sinabi ko?" natatawang sabi nito. Sarap suntukin ng pogi nitong mukha.
"Bastos na ba ang pagpasok ko dito sa school?" may pang-uuyam ang tingin niya sa akin.
"Hindi naman iyon ang gusto mong sabihin. Binabastos mo na ako! Hindi naman ako ganoong klaseng babae sa iniisip mo."
Nangilid ang luha ko. Nakakababa ng dignidad ang mga sinasabi niyang kabastusan. Pumatak ang mga luha ko. Pinahid ko iyon. Tinalikuran ko na siya. Hindi pa ako nakakalayo ng higitin ni Mikaelo ang braso ko.
"Baby, sorry," sabi nito, pero hindi ako madadala sa makamandag niyang tingin at ang labi nitong sarap papakin.
"Bitawan mo ang braso ko." Matalim ang tinging ibinigay ko sa kanya.
Padarag nitong binitawan ang braso ko. Aba, walanghiyang ito? Siya pa ang may ganang magalit. Tarantado talaga. Napaatras ako ng bigla na lamang siyang lumapit ng sobrang lapit.
"Hindi mo ako madadala sa drama mong wala naman kuwenta," mahinang sabi nito sa akin. Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang bigyan niya ako ng halik sa labi ko. Nasundan ko na lamang ng tingin ang kanyang paglayo na parang walang nangyari. Lumingon pa ang walanghiya. Binigyan niya ako ng flying kiss at isang makalaglag na kindat.
Copyright©2018
All Rights Reserved
By coalchamber13
BINABASA MO ANG
BARAKO SERIES 8 My Playful Boy (Mikaelo Dela Costa Story)
AléatoireSabi sa kasabihan don't judge the book by it's cover. Si Mikaelo Dela Costa ay isang tao na nasa loob ang kulo. Siya ang tipo ng lalaki na hindi makabasag pinggan. Pero sa kaloob looban ng kanyang bituka he is funny and a playful guy. Si Cindy Cora...