Chapter 24

12.2K 381 20
                                    

MIKAELO

Ngayon ang balik ko sa Manila. Kasama ko si Capt. Mason Dela Fuente. Sa iisang troops kami kaya makakatrabaho ko siya. Sinukbit ko ang duffle bag ko.

"Ready ka na ba Capt. Dela Fuente?" nakangising kong tanong.

"Aba oo naman Capt. Dela Costa. Reading ready na ako. Aba noong makalawa pa ready ang kaguwapuhan ko. Hinanda ko na din ang mala tornado kong hintuturo." pagmamalaki nito sa akin.

"Ano namang kinalaman ng hintuturo mo?" kunot noo kong tanong.

"Siyempre alam mo na!" tumawa ito ng malakas. Bigla itong napaubo. Kinabog ko siya kaya napasubsob ito sa sahig.

"What the fuck Dela Costa! Bakit mo ako itinulak." reklamo nito.

"Kung hindi ko ginawa iyon baka hindi ka na nakahinga. Gago ka kasi makahintuturo ka kasi diyan. Tangina! Kanina pa yang bubble gum sa bunganga mo! May balak ka bang lunukin iyan?" napaiiling na sabi ko. Idinura niya sa basurahan ang bubble gum nito.

"Siyempre, para fresh-breath kung sakaling may makalaplapan akong chicks sa Manila. Mas mabuti na yung handa. Ayokong mapanisan ng laway. Huwag ganun!" Napangiwi ako sa pagkababaero nito.

Hindi na ako kagaya ng dati. Nagbago na ang almighty ko. Tanging kay Cindy lang umaamo. I can't wait to be with them.

Sumakay na kami sa C130 ng PAF papuntang Villamor Air Base. Naging seryoso na ang mga mukha namin. Lalo na yung katabi ko. Mukha siyang natigasan ng muscle sa mukha.

Ilang minuto ang biniyahe namin. Pagkababa ng eroplano tinawagan ko ang baby Cindy ko. Pero iba ang sumagot. Si Mame ang sumagot sa tawag ko. Kaya kinabahan ako.

"Anak, dinala namin sa Makati Med si Cindy. Sumakit kasi ang tiyan niya. Diyos ko naman hindi pa naman siya puwedeng manganak!" naghi-hysterical na sabi ni Mame.

"Ano?! Sige po, Mame, pupunta ako riyan. Magpapaalam lang po ako sa Commander ko." Pagkasabi niyon tinapos ko ang tawag.

Habang nasa biyahe hindi ako mapakali. Sana naman walang nangyaring masama sa mag-iina ko. Narating ko ang Makati Med. Tinakbo ko ang kinalalagyang silid ni Cindy. Binuksan ko ang pinto. Nakita ko si Mame at Dade nakaupo sa isang sofa doon. Kasama nila si Angelo na nakatulog at si Cindy nakatulog din.

"Mame, Dade, kumusta na si Cindy?" napatingin sila sa akin.

"Mabuti na siya, anak. Akala ko iiwan na ako ng mga apo ko," napaiyak si Mame. Niyakap siya ni Dade. Hinagod ang likod nito.

"Dinugo si Cindy tapos sumakit ang tiyan niya. Iyon lang ang naabutan ko. Hindi ko alam kung bakit? Hindi naman namin pinagtatrabaho sa bahay ang batang iyan. Puro nga lamon ang ginagawa niya. Kasi nga gusto kong malusog sila ng mga apo ko," kuwento ni Mame.

"Ayon sa doktor mamaya siya magigising. Huwag kang mag-alala  maayos na ang kalagayan nila." Pagpapanatag ni Dade sa akin. Hindi ko kakayaning mawala ang mag-iina ko. 

"Umuwi na muna kayo, Mame. Ako na pong bahala rito," sabi ko.

"Sige anak at iuuwi ko na itong si Angelo, nakatulog sa pagbabantay sa Mama niya. Naawa nga ako rito kasi iyak nang iyak kanina." 

Hinaplos ko ang buhok ng anak ko.

NAIWAN ako rito sa ospital. Nakauwi na sila Mame at Dade kasama si Angelo na himbing na himbing ang tulog. Tumabi ako sa higaan ni Cindy. Napatingin ako sa malaking tiyan ni Cindy. Hinawakan ko ibabaw ng tiyan nito.

"Thank you, babies hindi niyo kami iniwan ng Mama niyo. Mahal na mahal ko kayo," sabi ko habang patuloy ang paghaplos sa umbok ng tiyan nito. Napahikab ako dahil inaantok na ako. Galing pa ako sa biyahe. Nagpasya akong matulog muna sa tabi ni Cindy.

BARAKO SERIES 8 My Playful Boy (Mikaelo Dela Costa Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon