Chapter 16

12.6K 397 42
                                    

MIKAELO

UMUWI akong madaming iniisip. Kailangan kong pagtuunan ang mga anak ko at si Cindy. Pagkapasok sa bahay nadatnan ko si Mame at Dade na nasa sala.

"Mame, Dade," bati ko sa magulang ko. Hinagkan ko ang pisngi ni Mame at ganoon din kay Dade.

"Kumusta naman ang pagpunta niyo sa doktor? Positive ba?" tanong ni Mame. 

Umupo muna ako malayo kila Mame. Para may pagkakataon akong tumakbo kapag susugurin niya ako kapag nalaman nila ang result. Tumikhim muna ako dahil nabarahan ang daanan ng lalamunan ko.

"Mame, huwag kang mabibigla. Ikaw din, Dade," sabi ko. 

"Aba eh, kung hindi mo pa sasabihin mabibigla talaga kami. Lalo na itong si Mame mo," sabi ni Dade. Tumango si Mame.

"Positive po. Buntis po si Cindy. Pero. . ." napahinto ako. Pinakatitigan ko ng mabuti ang mukha ni Mame. Nagdadalawang isip ako kung sasabihin kong triplets ang magiging anak namin. 

"Ano na?! Pasko pa ba ang hinihintay mo?! Hindi mo pa sabihin baka tumaas lalo ang dugo namin ng Dade mo. Binibitin mo kami Mikaelo?!" naiinis na turan ni Mame. Napalunok ako. Feeling ko bibitayin ako ngayon. 

"Mame, Dade. Ano kasi . . ." napakamot ako sa ulo. Pinanlakihan ako ng mga mata ni Dade. Nagmukha tuloy siyang kuwago sa laki ng mata. Si Mame naman nagmumukha ng 80 years old sa pagkakakunot ng noo nito.

"Mikaelo! Nandiyan ka pa ba? Hello?" sigaw ni Dade dahil naiinip na sa sasabihin ko.

"Dade, Mame. Ang magiging apo niyo po ay triplets," napangiti ako ng alanganin. Parang nagkaroon ng delubiyo sa katawan nila Mame at Dade. Hindi ko alam kung paano ide-describe ang mga mukha nila.

Napakapit ako sa upuan ko nang tumayo si Dade at kinuwelyuhan niya ako. Akala ko susuntukin niya ako ng itinaas ang kamao niya. Napapikit ang lolo niyo. Hayan na po ang paghahatol. Nakikita ko na ang langit.

"Salamat, anak! Binigyan mo kami ng madaming apo." Isang malakas na tapik ang ginawad sa akin ni Dade sa balikat ko. Napatingin kami kay Mame na umiiyak.

"Hindi ko akalaing magkakaroon ako ng triplets na apo. Mahal gusto kong makita si Cindy." Binitawan ako ni Dade. Muntik na akong mapasubsob sa semento. 

"Oo, maha,l pupuntahan natin si Cindy. Kailangang alagaan natin ang susunod nating mga apo. Excited na ako mahal." Nagyakapan ang dalawa habang nag-e-emote si Mame. Kaya sinamantala ko ang pagkakataon para sumibat.

"Saan ka pupunta, Mikaelo?" pigil sa akin ni Mame. "Hindi porket natutuwa akong magkakaapo  kami ay hindi ko iisipin ang mga nagawa mong kasalanan! Anong balak mo ngayong apat na ang anak mo?" nakataas kilay na tanong ni Mame.

"Mame, alam niyo naman na hindi pa ako puwedeng magpakasal. Baka maalis ako sa serbisyo. Susuportahan ko naman po ang mag-iina ko. Ako na magtatrabaho para sa kanila." Paliwanag ko.

"Hindi iyan ang gusto kong marinig mula sa iyo. Ganoon na lamang ba iyon? Ano doon ang mag-iina mo tapos ikaw dito? Aba naman Mikaelo isa kang gago na tarantado pa! Gusto kong dito tumira ang mag-iina mo. Para alam mong nasa mabuti silang kalagayan! Magaling ka lang sa pag-ariba, pero pagdating sa pag-aalaga sa pamilya ay wala ka! Isa kang supot!"

Napasimangot ako sa sinabi ni Mame na supot. Nakaapat na ako paanong supot ako?

"Sinabi ko na po kay Cindy ang suggestion niyo. Ayaw niya po dahil mas gusto niya daw po doon. Wala daw po kasing kasama ang Papa niya. Pati na din si Angelo ayaw niya ding malalayo sa mga kalaro niya. Kapag ako naman po ang titira doon malayo po ang biyahe ko mula sa kampo," paliwanag ko. "Nag-suggest na lang ako kapag weekends dito po sila. Para naman po maka-bonding niyo po si Angelo at siyempre makasama ko si Cindy," sabi ko. Napangiti ako ng lihim dahil iniisip ko kung paano ko lalambingin si Cindy kapag magkatabi kami sa kama ko.

BARAKO SERIES 8 My Playful Boy (Mikaelo Dela Costa Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon