Chapter 7

10.7K 337 8
                                    

MIKAELO

NAALIMPUNGATAN ako. Nakatulog kami ni Cindy dahil sa pagod. Ilang beses na may nangyari sa amin. Hindi ko mabilang kung ilang beses. Mahimbing ang tulog nito. Nakaunan siya sa mga braso ko. Hinaplos ko ang maganda nitong mukha.

Nagpasya akong bumangon para ipagluto ng makakain si Cindy. Siguradong gutom ito pagkagising. Binihisan ko muna ito para hindi lamigin. Ganito pala ito dahil hindi madaling magising kahit binibihisan ko na. Hinagkan ko muna ang kanyang labi bago ako nagbihis at lumabas ng silid. Nagpunta ako ng kusina. Buti na lang may binili akong mga pagkain bago ako nagpunta dito. Napatingin ako sa phone ko nang tumunog ito. Tumatawag si Kuya Alex. Sinagot ko ang tawag.

"Kuya, bakit napatawag ka?" tanong ko.

"Kasama mo ba si Issa? Pinapasundo kasi ni Mame. Nasa presinto pa ako," sabi ni Kuya Alex.

"No. Naunang umuwi si Issa. May pinuntahan ako Kuya." Napalingon ako nang tinawag ako ni Cindy.

"Mikaelo." Tawag nito sa akin. Naghikab ito at nangamot ng ulo. Napangiti ako nang makita ko siya.

"Mikaelo, sino ang kasama mong babae? Nasaan ka?"tanong ni Kuya sa akin.

"Classmate ko Kuya." Napatingin ako kay Cindy na bumubungad sa kitchen. Nakasuot ito ng malaking t-shirt ko. She is so sexy and beautiful. Tinawag ko siya gamit ang kamay ko. Lumapit ito sa akin hinila ko para kumandong sa lap ko. Hindi ko na naiintindihan ang sinasabi ni Kuya Alex dahil kay Cindy ang atensyon ko. 

"Kuya, I have to go. Sa bahay na lang tayo mag-usap," sabi ko at hindi ko na siya binigyan ng pagkakataong magsalita. I ended up the call. 

"Bakit hindi mo pa kinausap ang Kuya mo?" sabi ni Cindy. Humikab itong muli. Hinagkan ko ang pisngi nito.

"Busy ako. C'mon nagluto ako ng tanghalian natin. Tinolang manok. You need it," sabi ko.

"Huh? Bakit ko kailangan? Ano iyon nagpapadede lang?" sabay tawa nito.

"Hindi ba papadedehin mo naman ako mamaya?" pilyong sabi ko. Hinampas niya ako sa pisngi ko. 

"Ouch! Ang sakit nun, huh?!" reklamo ko. Bigla akong sumimangot. Hinaplos niya ang pisngi ko na hinampas niya.

"Sorry. Ikaw kasi ang bastos ng bibig mo."

"Totoo naman. Hindi ba sinuso ko ang dede mo? Kapag kumain ka ng tinola masabaw ang dibdib mo," tinaas baba ko ang kilay ko. Napahigikgik si Cindy sa biro ko.

"Halika na kain na tayo para mamaya wrestling ulit tayo,"  sabi ko. Inirapan niya lang ako. Hindi ko alam, ngunit parang na-addict na ako kay Cindy.

CINDY

HAPON na ako nakauwi ng bahay dahil pagkatapos naming kumain ng lunch ginawa namin uli ang hindi dapat ginagawa. Ganun pa man masaya ako dahil kay Mikaelo ko ibinigay ang pinakaiingatan kong puri. Alam kong masasaktan ako sa huli, pero ginusto ko naman. Wala dapat akong pagsisihan. Mahal ko si Mikaelo, mahal na mahal.

Pagkapasok ko ng bahay narinig ko ang pagtatalo ng mga magulang ko. May nakita akong maleta na nasa sala.

"Ma! Pa!" tawag ko sa magulang ko.

"Hayan ang magaling mong anak, magsama kayo! Nasasakal na ako sa bahay na ito. Sawang- sawa na ako sa kahirapan! Tigilan na natin ito!" sabi ni Mama. 

Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi ko matatanggap na iiwan na kami ni Mama. Okay, lang kung madalas silang magtalo ng kanyang Papa at wala na siyang oras sa amin. Pero yung iiwan niya kami kalabisan na yata iyon.

"Ma, please huwag po kayong umalis." Pakiusap ko. Nilapitan ko si Mama para pigilan, ngunit  itinulak niya ako.

"Ayokong makisama sa ama mo! Hindi ako masaya. Palagi na lang kahirapan ang nararanasan ko sa kanya!" Umiyak si Mama habang sinasabi niya iyon.

"Ang kapal ng mukha mong sabihing hindi ka na masaya? Ni hindi nga ikaw naghirap na magtrabaho! Lahat ng gusto mo ibinigay ko! Halos itong kaisa-isang anak natin hindi ko na maibigay ang mga bagay na gusto niya. Dahil ikaw lagi ang nasa priority ko dahil ayokong mahirapan ka! Tapos sasabihin mong naghirap ka?! Lahat ng gawaing bahay ako ang gumagawa, kahit pagod galing sa trabaho ginagampanan ko na! Ang sabihin mo sasama ka lang sa lalaki mo! Akala mo hindi ko alam?! Nagpakatanga ako, nagbulagbulagan at nagbingibingihan sa naririnig ko. Binalewala ko iyon dahil mahal kita." Napaluha ako nang makita kong naiyak si Papa habang sinasabi niya iyon. Lumapit ako sa kanya at hinaplos ang likod nito.

"Papa, tama na po," pakiusap ko sa kanya. 

Kinuha na ni Mama ang maleta at lumabas ng bahay. Pinigilan ko si Papa ng akmang susundan pa nito si Mama.

"Papa, hayaan mo na si Mama. Kung iyon ang gusto niya pagbigyan niyo na. Kahit anong pakiusap natin hindi din niya tayo pakikinggan," sabi ko habang lumuluha.

"Binigay ko naman ang lahat, pero bakit parang kulang pa iyon sa kanya? Ni hindi na nga kita naasikaso at nabibigyan ng kahit ano. Dahil siya ang inuuna ko, pero ganito pa ang iginanti niya sa akin?" Hinaplos ko ang likod ni Papa habang umiiyak ito.

"Ayos lang naman po Pa kung mas priority mo si Mama. Hindi ka naman nagkulang sa akin. Ramdam ko namang mahal mo ako." 

Yumakap ako kay Papa. Sana malagpasan ni Papa ito. Alam kong magbabago din ang isip ni Mama. Babalik din siya.

MIKAELO

Day 3

EXCITED akong makita si Cindy. Nagtext ako kay Cindy upang magkita kami sa Mcdo para doon mag-breakfast. Pagkapasok sa loob nakita ko agad siya. Nakaupo sa isang sulok.

"Good morning, baby," bati ko. Napaangat ito ng ulo. Nangunot ang noo ko nang mapansing namumugto ang mga mata nito. 

"What happened? Did you cry?" tanong ko at saka naupo sa tabi nito. 

"Naghiwalay na sila Mama at Papa. Umalis ng bahay ang Mama ko," malungkot na sabi nito. Kinabig ko siya upang haplusin ang likod nito.

"Gusto mo bang punta na lang tayo sa condo? Para kasing wala kang tulog dahil namamaga ang mga mata mo. I let you sleep there, baby," hinaplos ko ang pisngi nito.

"Hindi na. Nakakahiya naman. Okay na ako. Nalulungkot lang talaga ako sa nangyari sa pamilya ko."

"You want to eat?" tanong ko. Tumango naman ito. Nagpunta ako sa counter para um-order ng breakfast namin.

Pinilit ko lang kumain si cindy dahil napansin kong konti lang itong kumain. Pagkatapos ng klase nagpunta kami sa condo.

"Don't be sad, baby," sabi ko habang yakap siya. Hinagkan ko ang noo niya. Niyakap niya ako at napasubsob sa dibdib ko. Susulitin ko ang oras na kasama ko siya.

Copyright©2018All Rights ReservedBy coalchamber13

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Copyright©2018
All Rights Reserved
By coalchamber13

















BARAKO SERIES 8 My Playful Boy (Mikaelo Dela Costa Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon