Chapter 21

12.2K 402 24
                                    

MIKAELO

"Anak may gustong kumausap sa iyo. Ang babaeng ayaw kong makita," sabi ni Mame. Inirapan niya ako.

"Sino po Mame?" tanong ko.

"Wilma daw." 

Bakit may daw pa? Kilala naman ni Mame iyon. Kahit noon ayaw na sa kanya ni Mame. Ewan ko kung bakit. Pero kay Cindy unang beses pa lang niyang nakilala kasundo na ni Mame. Sana pala ipinakilala ko na si Cindy noon. Hindi sana ako naging duwag na harapin ang mga nangyari.

"Sige po, Mame, puntahan ko na lang," napanguso si Mame sa sinabi ko.

Pagkababa sa hagdan nakita ko si Wilma, nakatayo habang nakatingin sa mga picture namin. Inilagay ko doon ang picture namin ni Cindy at anak kong si Angelo. Sumama ang mukha nito habang nakatingin sa picture.  Bigla niyang itinaob ang photo frame. 

"Wala kang karapatan pakialaman ang mga frame diyan!" singhal ko sa kanya.

"Mikaelo, gusto kitang makausap," sabi nito. Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Dumiretso ako sa lagayan ng mga picture at saka ibinalik sa dating puwesto ang picture frame. 

"Sinabi ko na sa iyong mahal ko pamilya ko. Magkakaanak na uli kami ni Cindy. Plano kong magpakasal. Utang na loob tigilan mo na ako." Gulat ang rumehistro sa mukha nito. 

"Buntis si Cindy?" tanong nito.

"Bingi ka ba?  Yes." 

Umupo ako sa sofa. 

"Mikaelo, alam kong mahal mo ako. Kaya ka lang naguluhan dahil nalaman mong may anak kayo ni Cindy." Napailing ako sa sinabi niya.

"Nagkakamali ka. I am sorry kung nasaktan kita.  Siguro kaya nagtagal tayo dahil magkasundo tayo sa lahat ng bagay. Isa iyon sa factor kaya nagtagal tayo. Hindi ka naging demanding kaya iyon ang nagustuhan ko sa iyo. Pero iyong minahal kita hindi ko naramdaman iyon. Kay Cindy ko naramdaman ang love."

Ayokong magsinungaling. Si Cindy ang tinitibok ng puso ko at pati na ang almighty ko. 

"Hindi ako naniniwala. Nabubulagan ka lang Mikaelo." Lumapit ito at tumabi sa kinauupuan ko. Bigla niya akong niyakap. Pilit kong inaalis ang kamay nitong nakakapit sa leeg ko. Nasa ganoong kaming tagpo nang sumulpot na parang kabute ang anak kong si Angelo. Kailan pa nandito ito? Ang alam ko nasa Rizal sila ni Cindy.

"Hala! Papa, bakit mo po niyaykap ang babaeng mapayat. Lagot ka Papa isusumbong kita kay Mama! Lagot ka talaga doon! Mama, oh, si Papa." 

Nanlaki ang mata ko nang tumakbo palabas ng bahay ang anak kong sumbungero at bully pa. Bigla kong itinulak si Wilma kaya nahulog ito sa inuupuan nitong sofa.

"Mama, tingnan mo po si Papa niyayakap niya yung babaeng mapayat." 

Hila nito si Cindy. Bigla akong tumayo.Nagsimulang mamawis ang noo ko. 

"Hindi ko siya niyakap! Siya ang yumakap sa akin." 

Napalunok ako ng laway. Ang sama ng tingin ni Cindy kay Wilma na nakatayo na habang hawak ang balakang nito.

"Anong ginagawa mo dito? At bakit kayo magkayakap daw ni Mikaelo?" tanong ni Cindy kay Wilma. Para itong tigre na kakain ng tao sa hitsura.

"Iiwan ka na ni Mikaelo. Mukha ka daw palakang kokak! Look at yourself ang laki ng tiyan mo! Mukha ka pang butete!" Pang-aasar ni Wilma. Naningkit ang mata ko sa pang-aapi niya sa baby Cindy ko.

"How dare you to say that to her! Hindi siya mukhang butete at mas lalong hindi siya mukhang palaka!" sabi ko.

"Mukha lang siyang nakalunok ng pakwan!" 

BARAKO SERIES 8 My Playful Boy (Mikaelo Dela Costa Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon