Chapter 20

12.4K 406 60
                                    

MIKAELO

ISINAMA ko si Angelo sa mall. Nagpapabili ng damit si Cindy sa akin. Ayaw niyang lumabas at tinatamad daw siya. Ako na lang daw ang mamili ng mga damit niyang pangbuntis.

"Papa, pupunta uli tayo sa mol?" tanong ni Angelo habang nagmamaneho ako ng sasakyan. Nakatanaw ito sa bintana at tinitingnan ang mga nadadaanan naming mga building.

"Oo, anak. Bibilhan natin si Mama mo ng mga damit. Masyado na kasing masikip ang isinusuot niyang damit dahil malaki na ang tiyan ng Mama mo," sabi ko.

"Ako din po Papa bilhan mo din ng damit. Maliit na nga sa akin itong mga isinusuot ko. Noong 3 years old pa yata ako ito, eh?" 

Napatingin ako sa damit niya. Oo nga, fitted na kay Angelo ang mga damit. Mukha ngang malapit nang magmukhang hanging t-shirt.

"Sige, anak, bibili tayo ng mga damit mo," sabi ko.

Narating namin ang pinakamalaking Mall nang hindi kami na-traffic. Hinawakan ko ang kamay ni Angelo at baka mawala sa loob ng mall. Napakalawak pa naman dito at madaming tao.

"Papa, kapag po nagtarbaho na din ako gusto kong maging sundalo din kagaya mo," napangiti ako sa tinuran ng anak ko.

"Bakit mo naman gustong maging sundalo?" tanong ko.

"Eh, kasi po malaki ang suweldo at saka makakapunta pa ako sa iba't ibang lugar!" sabi ng anak ko.

"Delikado ang trabaho namin anak. Nakikipaglaban kami sa mga terorista at rebelde. Hindi namin alam kung anong mangyayari sa amin lalo na kung nasa labanan kami," paliwanag ko. Ayokong manganib din ang buhay ng anak ko. 

"Madali lang naman po iyon Papa! Magtatago ako para hindi nila ako mahanap. O di ba magaling ako! Saka kakaibiganin ko ang mga terorista at rebelde para hindi nila ako saktan! Eh, sa school nga po friendly ako. Kaya nga po madami akong friends." Napangiwi ako sa sinabi ng anak ko.

"Hindi naman kagaya ng ibang ordinaryong tao ang mga rebelde at terorista, anak. Mahirap silang maging kaibigan, delikado sila. Hindi mo alam kung anong tumatakbo sa utak nila." Napakunot ang noo ng anak ko sa sinabi ko.

"Ha? Bakit po tumatakbo pede naman pong maglakad na lang! Talagang hindi nila malalaman kung saan kasi hindi na nila po maabutan!" Napakamot ako ng ulo sa mga sagot ng anak ko. Masyado pa siyang bata para maintindihan ang trabaho ng isang sundalo. Napakapilosopo pati ng anak ko. Saan kaya nagmana ito?

"Hala, Papa! Bakit nandiyan iyong earth? Nasa labas na ba tayo ng earth? Ang galing!" sabi nito habang nakatingin sa globe na nasa labas ng mall.  Ngayon lang pala nakapunta ang anak ko dito. Manghang-manghang nakatingala ang anak ko doon sa malaking globe. Hinaplos ko ang buhok nito.

"Halika na anak bili na tayo ng damit mo at damit ni Mama mo," sabi ko. Tumango ito.

Habang naglalakad pinagtitinginan ako ng mga babaeng nakakasalubong namin ng anak ko. Si Angelo ay hindi magkamayaw sa kakabaling pakaliwa at pakanan ang ulo nito.

Pumasok kami sa isang maternity dress boutique. Pinagtinginan ako ng mga babaeng naroon. Siguro iniisip nila anong gagawin ko dito sa loob?

"Miss, meron po ba kayong dress for 6 months pregnant?" tanong ko. Napatingin sa akin ang saleslady na para bang hindi makapaniwala na nagtatanong ako para sa damit ng buntis.

"We have, Sir. This way po." Nagpunta kami sa section ng maternity dress. Namangha ako dahil ang dami. Hindi ko alam kung anong pipiliin ko. Hindi naman kasi ako marunong mamili ng kung anong design o anong kulay para sa kanya. Bahala na si Angelo. Siya ang papipiliin ko. Kapag ayaw ni Cindy ang mga damit anak ko ang ituturo kong namili.  Takot ako kay Cindy kapag nagagalit ito. Para siyang tigre na kayang lumapa ng buhay.

BARAKO SERIES 8 My Playful Boy (Mikaelo Dela Costa Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon