Chapter 22

11.7K 348 27
                                    

MIKAELO

"BABY, isang buwan akong madedestino sa Isabela. Kailangan kasi ng troops doon. Madami na kasing rebelde ang nagkalat sa lugar na iyon," malungkot na sabi ko. Kahit isang buwan lang na mawalay ako sa kanila, nalulungkot ang almighty ko. Napahawak ako sa gitna ko na nagsisimula na naman manumpa. Napairap sa akin si Cindy nang makitang hinawakan ko ang gitna ko.

"Sigurado kapag nandoon ka na malaya ka ng mambabae! Iiwan mo kami at ipagpapalit sa iba." Napanguso ito.

"Baby, naman magkakaanak na nga tayo maghahanap pa ako? Sa iyo lang itong almighty ko. Sa iyo lang umaamo ito, sa iba ilag na ilag. Pumapaling sa iba ang tindig. 

"Baluktutin ko ang pinagmamalaki mong almighty! Para hindi na makapasok kasi paling na!" naiinis na sabi ni Cindy. Yumakap ako mula sa likuran niya.

"Promise magbe-behave ako doon habang magkalayo tayo. Alam mo namang ikaw lang ang kilala ng almighty ko. Mahal na mahal ko kayo ng mga anak natin," sabi ko sabay halik sa pisngi nito.

"Sinabi mo iyan. Huwag kang magkakamaling hindi tuparin ang pangako mo. Makikilala mo ang tunay na Cindy." 

ORAS na ng pag-alis ko. Sumama si Cindy at si Angelo sa Villamor Air Base. Sasakay kami ng eroplano papuntang Isabela.

"Papa, kapag po big na ako sasakay din ako diyan sa airplane tapos tatalon ako sa taas," sabi ng makulit kong anak na si Angelo.

"Anak, hindi ka puwedeng tumalon mula sa itaas kapag wala kang suot na parachute. Mamamatay ka kapag wala kang suot," paliwanag ko.

"Eh, bakit po si Superman wala naman siyang parasut nakakalipad siya? Tapos si Ironman din." Napanguso ang anak ko. Ginulo ko ang buhok nito. Napakabata pa ni Angelo para ipaliwanag ko sa kanya ang lahat. Nagkatinginan kami ni Cindy.

"Hindi naman totoo si Superman anak. Sa pelikula lang iyon. Huwag na huwag mong ginagaya ang lahat ng napapanood mo sa TV at mga movies. Dahil hindi totoo ang mga iyon. Tanungin mo muna kami bago mo gawin. Okay ba iyon anak?" sabi ko.

"Opo, Papa!" yumakap sa baywang ko ang makulit kong anak.

"Alagaan mo si Mama mo habang wala ako. Huwag matigas ang ulo. Palagi mong sundin ang mga sinasabi ni Mama mo," bilin ko kay Angelo.

"Eh, Papa, naman matigas naman po talaga ulo ko. Oh?" kinatok niya ang ulo niya. Gusto kong matawa sa hitsura ng anak ko. Napakapilosopo talaga nito.

"Ikaw din po, eh? Matigas din ang ulo mo! Wala naman malambot na ulo." Napakamot kaming dalawa ng ulo ni Cindy. Narinig kong tinawag na ang grupo namin.

"Baby, alagaan mo ang sarili mo. Kung may gusto kang ipaluto sabihin mo lang kay Mame. Sinabi ko na sa kanya na madalas ka mag-crave ng pizza," sabi ko kay Cindy. Nangilid ang luha nito sa mata.

"Mami-miss kita Mikaelo. Basta yung promise mo walang babae doon, ha? Kapag nalaman kong meron kang babae doon kahit buntis ako susugod ako doon." 

Pinahid ko ang pumatak na luha sa mata ng baby Cindy ko.

"Promise, babalik akong walang naging babae," sabi ko. Hinagkan ko ang labi niya.

"I love you, baby Cindy."

"I love you too, baby Mikaelo," sabi ni Cindy.

"Mama! Bakit baby tawag mo kay Papa, eh, matanda na yan? Dapat ako lang kasi bata pa po ako." Reklamo ng anak ko. Niyakap ko ang mag-ina. Mami-miss ko sila ng sobra.

NARATING namin ang Isabela ng matiwasay. May kampo ng mga sundalo dito. Sinalubong kami ng mga magiging tauhan ko dito sa unit. Sumaludo sila sa akin.

"Sir, welcome to Isabela. Siguradong magugustuhan niyo dito. Maraming chicka babes dito." sabi ni Sgt. Dela Cruz. Natawa ako sa sinabi niya. Hindi ko na gawain ang mambabae mula ng nagsama kami ni Cindy at mula nang may anak na kami. Sa kanila iinog ang mundo ko. They are my life.

BARAKO SERIES 8 My Playful Boy (Mikaelo Dela Costa Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon