Chapter 10

11.4K 409 78
                                    

CINDY

NAPAANGAT ako ng tingin nang bumungad sa akin ang boss ko at may kasama itong babae. Ito yung nakita ko sa elevator na may kausap na kapangalan ni Mikaelo.

"Ms. Corales, i-cancel mo ang isang meeting ko sa 1 pm-3pm. I'm out with my daughter," sabi ni Sir.

"Okay, po." 

Anak pala ni Sir ito. Bakit ngayon ko lang ito nakita sa ilang taon kong nagtatrabaho dito? Ngumiti sa akin ang babaeng matangkad. Nginitian ko din ito. Sakto lang ang ganda niya siyempre mas maganda ako. 

Kinuha ko ang planner ko para ilagay ang cancelled. Tinawagan ko na din ang ka-meeting ni Sir para i-confirm na cancelled ang meeting nila ngayon.

Napatingin ako sa phone ko dahil may tumatawag. Bigla akong kinutuban. Hindi kaya nagrereklamong na namang magulang ito? Diyos ko! bakit sa lahat ng makukuha mong ugali sa tatay mo pa.

"Hello, sino sila?" tanong ko. Unregistered number lang.

"Ma'am, napatawag kasi ako dahil nasa clinic ang anak mo," nanlaki ang mata ko sa narinig.

"Ano pong nangyari sa anak ko?" 

Kahit naman makulit iyon ayokong nasasaktan ang anak ko.

"Ay wala pong nangyari sa anak niyo. Ganito po yun Ma'am may kasama po kasi siyang may edad na Ale. Nahilo daw tinulungan lang daw nilang magkaibigan na idala dito sa clinic. Eh, hindi na po nila alam kung paano umuwi kaya tinanong ko ang number niyo. Buti memorize niya ang number niyo. Dito po sa ******Clinic," sabi nito.

"Sige po pupuntahan ko na lamang po." in-endcall ko ang tawag matapos sabihin iyon. Diyos ko salamat naman walang nangyaring masama sa anak ko.

Nagpaalam ako sa boss kong mag-under time pumayag naman siya dahil hindi din daw siya makababalik dahil may kikitain daw silang mag-ama. Ang boyfriend daw ng anak niya.

Nakarating ako sa clinic na sinabi ng babae. Hinanap ko ang anak ko. Nakaupo silang magkaibigan nitong si Matthew sa labas ng silid. 

"Mama!" tawag sa akin ni Angelo nang makita niya ako.

"Akala ko naman may masamang nangyari na sa iyo," hinaplos ko ang buhok nito. Tinawag ko si Matthew para lumapit. "Anong nangyari sa babae?" tanong ko sa dalawa.

"Pauwi na po kami Tita, tapos wait namin yung service. Nakita po namin yung ale bigla siyang napaupo. Kaya tinulungan po namin. Pumara po kami ng tricycle at  isinakay namin doon tapos nidala namin dito. Eh, kaso hindi na namin alam pauwi," mahabang kuwento ni Matthew. Hinaplos ko ang medyo kulot na buhok nito. Kamukha ng Tatay nitong pogi. 

"Mabuti ang ginawa niyo kasi nakatulong kayo sa kapwa." 

Napalingon kami nang sinabihan kami ng nurse na gising na ang babae. Hinawakan ko sa magkabila kamay ko ang dalawa at pumasok sa loob ng silid. 

Gising na ang babae.

"Ma'am, okay na po kayo?" tanong ko. Napatingin sa akin ang ginang. Napangiti ito.

"Okay, na ako, hija. Anak mo ba sila?" tanong sa akin ng babae.

"Ito lang po ang anak ko." Turo ko kay Angelo. "Ito po si Matthew kaklase po ng anak ko," paliwanag ko.

"Oh, anak mo pala siya. He is so adorable kid, napakabibo. May naalala akong tao sa kanya." Napatingin sa akin ang babae.

Tipid na nginitian ko ito.

"Mahal!" napalingon kami sa dumating. Isang may edad na matangkad na lalaki ang lumapit sa babae. "Hindi ba sinabi ko sa iyong magpahinga ka muna dahil delikado ka pang lumabas lalo ngayong mainit ang panahon," sabi nito sa babae.

BARAKO SERIES 8 My Playful Boy (Mikaelo Dela Costa Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon