CINDY
ISANG linggo na lang makakauwi na si Mikaelo. Napansin kong dumalang ang pagme-message niya sa akin. Kaya hindi ko maiwasang magtampo sa kanya. Idinadaan ko na lang sa pagkain. Kagaya ngayon, nagluto si Tita Mame ng cookies at cake kaya napakain ako ng madami.
"Mama, tirhan mo naman ako ng cookies. Niuubos mo naman, eh? Binigay yan sa akin ni Lola Mame hindi naman sa iyo binigay. eh. . ." reklamo ng anak ko. Napanguso ako.
"Hayan na, sa iyo na yan." Binigay ko sa kanya ang isang piraso ng cookies. Napakamot ng buhok ang anak ko.
"Mama naman, eh!" nagpapadyak sa inis ang anak ko.
"Lola Mame, si Mama Niubos niya cookies ko!" sumbong nito sa Lola niya.
"Ha?! Madami iyon." halos lumuwa ang mata ni Tita Mame dahil isang piraso na lang ang natira.
"Diyos ko saan mo dinala Cindy ang mga cookies? Mga 30 pieces iyon. Ito lang natira?" turo nito sa hawak ni Angelo.
"Nagutom po ako Tita Mame sa kahihintay sa text ni Mikaelo," sabi ko. Napanguso ako at nagsimulang pumatak ang luha ko. Nilapitan ako ni Tita Mame. Hinaplos niya ang balikat ko.
"Baka busy lang iyon. Alam mo namang bundok ang kinalalagyan nila. Baka walang signal." Pagpapakalma sa akin ni Tita Mame.
"Pero madalang na po siya mag-text, eh. Tapos tipid pa ang sinasabi niya. Kapag tinatawagan ko lagi niyang kina-cancel. Ayaw na niya akong kausapin," sabi ko. Napaiyak ako. Niyakap ako ni Tita Mame para pakalmahin.
"Tahan na. Hayaan mo, ako ang tatawag sa batang iyon. Mananagot siya sa akin. Hindi puwedeng ignorahin ka niya. Alam naman niyang buntis ka tapos ganito lang gagawin niya." Napasubsob ako sa balikat ni Tita Mame.
Ang sama ng loob ko sa kanya.
"Lola Mame, mamaya na po kayo mag-drama. Nagugutom na po ako, eh." Reklamo ng anak ko.
"Teka kukuha lang ako doon ng cookies mo," sabi ni Tita Mame. Naiwan kami ng anak ko sa sala.
"Mama, huwag ka na po iyak. Hindi naman tayo ipagpapalit ni Papa sa iba. Kapag ganoon isusumbong ko po siya kay Duterte. Sabi niya kasi sa TV kapag may ginawang bad isumbong sa kanya." Napanguso ang anak ko.
Kinabig ko ang anak ko para yakapin. Hinagkan ko ang ulo nito. Nawawala ang lungkot ko kapag ganitong yakap ko si Angelo. Kamukha niya kasi si Mikaelo. Nami-miss ko na ang ugok na iyon. Malaman ko lang may babae siya, lalayo ako kasama ng mga anak niya. Kahit mahirap kakayanin ko. Napatingala ang anak ko.
"Mama, huwag ka na po sad. Nandito naman ako. Hindi kita po iiwan. Hindi ba Mama kahit matigas po ang ulo ko, sumusunod naman po ako sa mga utos niyo? Si Papa ang matigas ang ulo. Hindi ka po niya sinusunod, eh." Napangiti ako sa sinabi ng anak ko. Tama naman siya. Kahit matigas ang ulo ni Angelo, sumusunod naman ito. Hinaplos ko ang pisngi nito. Mahal na mahal ko ang anak ko kahit sobrang kulit ito.
"Cindy, tumawag si Mikaelo sa phone ko. Number lang ang lumabas. Akala ko kung sino," sabi ni Tita Mame. Kinuha ko ang phone niya.
"Hello!" galit na sagot ko. Naiinis kasi ako sa kanya. Hindi na nagpaparamdam! Lagi naman naka- on ang phone niya kapag mini-miscall ko.
"Baby, I'm so sorry nawala ang phone ko. Hindi ko alam kung saan napunta. Sorry, baby, huwag ka ng magalit sa akin. Hindi din ako makatawag dahil palagi kaming nasa labas." Paliwanag ni Mikaelo.
"Sino yung nagte-text sa akin? Kailan nawala yung phone mo?" nakakunot na tanong ko.
"Isang linggo. Bakit may nag-text ba sa iyo? Ngayon lang ako nakalabas dahil bumili ako ng new phone ko," sabi nito. Sino namang herodes ang kumuha ng phone ni Mikaelo?
BINABASA MO ANG
BARAKO SERIES 8 My Playful Boy (Mikaelo Dela Costa Story)
AcakSabi sa kasabihan don't judge the book by it's cover. Si Mikaelo Dela Costa ay isang tao na nasa loob ang kulo. Siya ang tipo ng lalaki na hindi makabasag pinggan. Pero sa kaloob looban ng kanyang bituka he is funny and a playful guy. Si Cindy Cora...