CINDY
PAGKAPASOK ko ng opisina sinalubong na agad ako ng nobya ni Mikaelo. Tinapunan niya ako ng masamang tingin.
"Nagkarelasyon pala kayo ni Mikaelo, dati?! Bumalik ka ba para agawin siya sa akin?!" galit na sabi nito. Kinabahan ako. Baka kasi magsumbong sa tatay niya. Mawalan pa ako ng trabaho.
"Naku Ma'am, past na po yun. Ang sa amin ni Mikaelo para sa anak na lamang po namin. Huwag po kayong mag-alala hindi ko po aagawin si Mikaelo sa inyo."
Gusto mo isaksak mo sa katawan mong parang kawayan. Isinaisip ko na lamang at baka masipa pa ako ng wala sa oras.
"Are you sure?" nakataas ang kilay na tanong nito sa akin. Drawing lang ang kilay niya.
"Aba Ma'am, sure na sure talaga. Wala na akong nararamdaman kay Mikaelo. Ang tagal na nga nun."
Oo nga ang tagal na pero nandito pa din siya sa puso ko.
"Okay, gusto ko lang makasiguro. Hindi porket may anak na kayo lalandiin mo na siya."
Manlalandi agad? Hindi ba puwedeng hihimasin ko lang muna. Patikim muna ganun. Napangiti ako ng peke. Gusto ko siyang ipanggatong sa kalan naming de kahoy.
Bumalik na ako sa upuan ko nang makaalis na ang babaeng kawayan. Ano kayang nagustuhan ni Mikaelo dun? Wala man lang kalaman laman. Diyos ko para kang kumain ng sinigang na buto-buto. Mas maganda may taba. Malamang nasiyahan siya sa kama at baka magaling umariba ang babae. Mahilig pa naman yun si Mikaelo. Napanguso ako. Maalala ko pala totoo kaya yung sinabi niyang may nangyari sa amin? Pinagloloko lang ako nun naniwala naman ako.
Ipinilig ko ang ulo ko. Bakit ko ba iniisip yun? Si Angelo ang priority ko at hindi ang ama nito.
PAGKAPASOK ng bahay nakita ko si Angelo na may hawak na laruan. Kailan pa nagkaroon ng laruan si Angelo. Hindi ko nga mabilhan dahil tipid na tipid ako sa pera.
"Angelo, kanino galing yang laruan na hawak mo?" tanong ko.
"Binigay po ni Tito Trevor dumaan sila dito kanina. Kasama si Matthew. Sumakay nga po ako sa car nila Mama! Ang galing may T.V. sa loob."
Dumaan pala sila Anastacia dito. Na-miss ko na ang babaeng iyon. Busy na kasi ako kaya hindi na ako nakikipagtsismisan kagaya noong pinagbubuntis ko si Angelo. Laman ako ng mga kanto dati. Ewan ko bakit naging tsismosa ako ng nagbuntis.
"Mama sabi ni Tita Tacia dalaw ka daw sa bahay nila sa weekends. Mama sama ako, huh?" pakiusap ng anak ko. Hinalikan ko ang tungki ng ilong niya. Gusto kong hinahalikan ang tungki ng ilong niya. Ang tangos kasi. Hindi kagaya ng ilong ko di naman katangusan.
"Okay, isasama kita ikaw pa! Hindi kita iiwan." Ginulo ko ang buhok nito.
"Mama, naman, eh? Nigulo mo na naman ang buhok ko. Nilagyan ko ng pomada yan ni Lolo Paps," nakangusong sabi nito. Hala, bakit ginagamit niya pomada ng lolo niya?
"Anak, ilang beses ko ng sinabi sa iyo. Huwag na huwag mong gagamitin ang pomada ng lolo mo. Makakalbo ka dun," sabi ko. Matapang kasi ang ingredients nun.
"Hala! Kaya pala nakakalbo na si Lolo Paps!" tumayo ito at nagtatakbo papasok sa maliit naming C.R.
Nag-ring ang phone ko. Tiningnan ko kung sinong tumatawag. Unregistered number ang nakalagay. Sino naman kaya ito? Kaya sinagot ko na lang.
"Hello, sino ito?" tanong ko.
"Hi, baby! It's me Mikaelo" Ano na namang kailangan ng lalaking ito?
"Paano mo nalaman ang number ko?!" tanong ko. Nakakainis gusto ko ng iwasan si Mikaelo dahil baka maapektuhan ang trabaho ko.
"I ask Mame your cellphone number. Bakit ba ang sungit mo? Kulang yata ang ginawa ko last time. Next time gigisingin kita para mas maganda," nanlalaki ang mata ko sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
BARAKO SERIES 8 My Playful Boy (Mikaelo Dela Costa Story)
РізнеSabi sa kasabihan don't judge the book by it's cover. Si Mikaelo Dela Costa ay isang tao na nasa loob ang kulo. Siya ang tipo ng lalaki na hindi makabasag pinggan. Pero sa kaloob looban ng kanyang bituka he is funny and a playful guy. Si Cindy Cora...