Zayn Adrienne
Dalawang araw na ang nakalipas nang ma-discharge ako sa hospital dito sa SA. Dumating ang parents ko kahapon para i-check kung kumusta na ang lagay ko.
"Anak, Rienne, Sly, mag-iingat kayo lagi, ah? Mahal na mahal ko kayo, mag-aral kayo ng mabuti." Malambing na sabi ni Mommy.
Agad na rin silang umalis ni Dad matapos magpaalam dahil may meeting pang a-attendan sila.
"Kuya, kaya ko na pong pumasok ngayon. Tsaka nako, hindi ko pa nga alam kung anong hitsura ng mga classroom dito kasi from the day that i've been here, never pa akong nakapasok." Pakiusap ko sa masungit kong kapatid.
"Sigurado kang kaya mo?"
"Siyempre naman, besides, parehas lang kami ng schedule ni Vbren. Sasama nalang ako sa kanya." Nakita ko naman ang bahagyang pag-ngiti ni Kuya.
Lumabas si Kuya at may tinawagan sa cellphone. Habang nasa labas si Kuya, pumasok na ako sa kwarto ko at agad nang naligo at nagbihis. Sinoot ko na ang white polo ko, pati ang skirt. Pansin ko ang pagka-detalyado, mula sa collar hanggang sa dulo ng damit. Dahil naiinitan ako, hindi ko muna sinoot ang coat ko. High white socks, at kumikinang na black flats. Hindi ko rin dapat kalimutan ang ID ko, dahil sabi nga ni Ms. Alvir, mas mahalaga ito kesa sa gamit ko.
Pagkatapos kong magbihis, sinoot ko na ang yellow leather bag ko at dinala ang camera ko.
Bukod sa pagbabasa, isa din sa mga hilig ko ang kumuha ng mga pictures.
Narinig ko ang tunog ng katok sa pinto ko kaya dali dali akong pumunta doon.
Umalis na kaya si Kuya?
"Captain, ang tagal!" Rinig kong sigaw ng isang lalaki.
"Ay wow, demanding ka ah!" Sigaw ko sa kanya pagbukas ko ng pinto.
"Pogi lang, hindi demanding," sabi nito sabay kindat saakin. "Oh so, ano pa hinihintay mo, tara na captain!"
"H-ha? Baka magalit si Kuya!"
"Hindi 'yan! Siya nga nagsabi sakin na puntahan ka dahil parang namumukhaan niya daw si- ah, sino ba yun? Jashel? Jishel? Ewan!"
"J-jeachel? What? P-pero matagal na siyang patay. B-bakit?"
"Ewan ko nga! Pero tara na, bago pa tayo ma-late at mahuli pa ng feeling Garnet na Supreme Student President dito, kahit Amethyst lang naman talaga." Gigil na sabi niya.
"Gigil much? Grabe ka naman!" Balik ko sa kanya.
Bago pa siya tuluyang magsalita, may lalaki na sa harap namin ang nagsalita. "It's already 8:00, bakit nasa labas parin kayo?" Sabi saamin ng isang matangkad na lalaki. Maputi, naka-soot ng salamin. Gwapo niya.
"So? Ano namang pake mo, Perez?" Walang pakialam na sagot ni Ren.
"H-huy, don't be rude. Sorry po, President. And if you don't mind, excuse us." Magalang na sabi ko.
"W-wait!" Sabi niya at hinila ako sa pulso. "W-what's your name?"
"Adrienne. Adrienne Zayn Alvarez." Sabi ko at ngumiti.
YOU ARE READING
Stone Academy: School of Competence
FantasyStone Academy, a school containing different types of powerful students. Adrienne Alvarez, a girl with a hidden power, met someone she already knew from her past, Shaun Jacob. Can the Stone Powers and Academy itself be a way for Shaun and Adrienne t...