Sixteen

338 9 0
                                    

Sly Coral's

I was outside of my sister's door.

I was meditating.

How come, can't I save her from the Arsenos?

All she thinks is that it was just a bad dream.

Pero 'yon lang ang alam niya.

Ginamit ng mga Arseno ang kahinaan niya. Ang kaibigan at pamilya niya.

Gusto kong isisi kay Rienne ang lahat. Kasi in the first place, siya ang gumawa ng paraan para mapalapit ang mga Arseno sa kanya.

But, I can't do that. I promised my sister that I will protect her no matter what, kahit hindi ko siya tunay na kapatid.

Alam kong hindi ko siya tunay na kapatid. Sinabi ni Ms. Alvir, ang tunay na ina ko, saakin ang lahat.

I can hear her cry, that's why I went inside her room and checked her out.

"Rienne, why? What happened?" Alalang tanong ko sa kanya.

"Kuya, yung mga Arseno, kukunin nila ako, Kuya. I don't wan't that to happen Kuya."

"Rienne, alam mo naman kung gaano ka-powerful ang prayer, di'ba?"

Tumango siya at niyakap ko naman siya.

"Sleep. I'll be right beside you." Sabi ko at binantayan siya.

"Babe, babe. May klase ka pa." Tapik saakin ni Jeachel.

"Mhm. Si Adrienne?" Alalang tanong ko ng maalala ko ang nangyari kagabi.

"Pumasok na. Sinundo siya ni Vbren. Sinabihan niya lang ako na bantayan ka kasi you stayed up daw." Malambing na sabi niya.

She really is my Jeachel.

"I love you." Sabi ko sa kanya at mas hinigpitan pa ang yakap.

Lumabas na ako ng kwarto at naligo habang si Jeachel ay pinaghahanda ako ng pagkain.

Agad akong nagbihis na at yumakap kay Jeachel.

"Thank you, love." Sabi ko sa kanya.

Hindi ko maipaliwanag ang damdamin ko ngayon at bakit ramdam na ramdam ko ang pagmamahal ko sa kanya.

"Don't be too clingy, Sly. Bilisan mo nang kumain. Male-late ka na within 30 minutes." Sabi niya at bumitaw sa yakap.

"Sly Coral Alvarez please to the school head's office." Rinig kong tunog ng school speaker.

"Love, mauna na ako. Mamaya nalang." Sabi ko at humalik sa pisngi niya.

Tinahak ko ang daan papunta sa office at nakita ko pa ang mga Garnet exept me na nag-aalmusal sa cafe. Maybe they are early for their class. But for now, I don't really have time to eat with them.

Hindi na ako nag-abalang kumatok ng pinto ng office.

"What now, madame?" Sabi ko kay Miss Alvir.

"Anak, drop the formality. Ako ang nanay mo, ang nagluwal sayo. You should call me Mom or atleast Mama. Take a seat." Sabi niya habang sumisimsim ng kape.

"I wont. I have my very own Mom. Gusto mo maki-share?" Biro kong naging insulto sa kanya.

"Sly, sinasabi ko na rin sa'yo. Leave your parents, and nothing will happen to your beloved sister. I'm aware that she's having serious nightmare about us, about Arsenos. Pati ang tatay ng magkapatid na Lius, damay kahit wala siyang kinalaman. Unti-unting mawawala kay Adrienne ang lahat. Are you going to be selfish?" Sabi niya.

"Well, not me, Madame. I'm always Sly, her Brother." Mariin kong sabi sa kanya.

"Well, if you say so. Alam mo kung gaano kalakas ang mga Arsenos. I'm here if you will change your selfish decision."

Umiling ako at umalis na.

Dumiretso ako sa klase ko.

Pero walang pumasok sa utak ko na kahit ano. Iniisip ko si Adrienne.

"You seemed pre-occupied, huh?" Sabi ni Gino na isa sa mga close ko sa Amethyst.

"Bro, if you would choose. Kapatid mo or kapatid mo?" Lutang na tanong ko.

"Kapatid ko. It's none of the choices, anyway." Sabi niya at humalakhak.

"I-I mean, for example, your sibling is torn. Wether you'll be selfish enough to protect yourself or to lose your sibling forever." Sabi ko.

"Then you gave me the wrong question, Dude. It's either your sibling, or you'll choose yourself." Malamang sagot ni Gino.

"So, anong sagot mo sa tanong ko?"

"Well ofcourse, you know yourself. If you know that you can handle yourself, choose your sibling. But if you're selfish enough to keep yourself safe, then choose yourself."

"What if-" Sabi ko pero pinutol niya ang sasabihin ko.

"Dude, hindi ka makakausad sa buhay kung puro ka what-if's. Learn to risk by your own. It's either or neither choose yourself. Una na ako, nagtext na ang girlfriend." Sabi niya at tinapik ako sa balikat.

Dumiretso na ako sa Garnet Room at doon nagpalipas ng oras habang naglalaro ng Call of duty at Mobile Legends.

Kasalukuyan kong gamit si Fanny at makaka-savage na sana ako nang biglang pumasok si Vbren.

"Sly." Tawag niya saakin at pinatay ang phone ko.

Patay, bawas credit score dahil sa afk.

"Oh? Naglalaro ako. Mababalik mo ba yung credit score ko na nawala?" Asar kong sabi sa kanya.

"Nope. Pero this is something serious." Sabi niya kaya napa-ayos ako ng upo.

"Ano yun? Siguraduhin mo lang na worth it 'yan para sa nawala kong credit score." Inis paring sabi ko.

"May girlfriend na ako." Sabi niya kaya napataas ang makapal kong kilay.

"You have what? Sinagot ka ni Rienne?" Gulantang kong tanong at hindi na pinansin ang tungkol sa nabawasan kong credit score.

"N-no," sabi niya at tumingin sa baba. "Hindi si Rienne." Sabi niya kaya halos masapak ko siya sa galit pero pinigilan ko ang sarili ko.

"Sino?" Kalmadong tanong ko.

"Si Clarise Andrade. Amethyst." Sabi niya.

"What the heck? Ano yung mga pinagsasabi mo sa kapatid ko? Ha!" Sigaw ko sa kanya at sinuntok siya sa panga.

Bumukas ang pinto at pumasok si Karl na agad din kaming inawat.

"Inasahan kong ikaw ang poprotekta sa kapatid ko! Pero anong ginawa mo? Ha! Ikaw pa ang nanakit sa kanya!" Sigaw ko habang pinipigilan ako ni Karl na sapakin ang naka-upong si Vbren habang hinihimas ang panga niyang nasuntok ko.

"Wala. I like Rienne. But I love Clarise." Sabi niya na mas nagpa-galit pa saakin.

"Ano?! Matapos kong ipaubaya si Adrienne sa'yo? May pa-mahal ko siya, mahal ko siya ka pa jan? Tapos ngayon, ipagpapalit mo?" Gigil ding sabi ni Karl sa kanya pero nagpipigil ng galit.

"Karl, make sure that this bastard will never touch any strand of my sister. Wala. Kahit lumapit." Sabi ko kay Karl at umalis na.

"You know what? You lost a diamond while picking spilled glitter. Babawiin ko ang saakin, at hindi mo na ulit makukuha si Adrienne saakin." Rinig kong sabi ni Karl at sumunod saakin palabas.

Karl has a point. But Adrienne isn't just a diamond. She is everything. And Vbren lost everything for choosing better.

He lost his best for finding better.

Stone Academy: School of CompetenceWhere stories live. Discover now