Sly Coral's
Limang buwan na ang nakalipas mula ng ma-comatose si Adrienne.
Hindi ko mapigilang isisi sa sarili ko lahat ng ito dahil unang-una palang, ako, kapalit ni Ms. Alvir. Naawa ako sa kalagayan niya, ng kapatid ko.
Nagbago na ang mukha niya. Although nakikita parin yung kagandahan niya, bakas ang pangangayayat niya dahil tube na lang ang ginagamit para makakain siya. Halata sa mukha niya ang hirap, kahit na nakaukit parin sa mukha niya ang ngiti.
"Bro, k—kumusta?" Tanong ng isang pamilyar na boses na kakapasok lang.
"Ako nanaman ang in-charge. Awang-awa na ako sa kapatid ko. Gusto ko nang sumama kay Ms. Alvir, sa totoo lang. Gustong-gusto. Pero si Mom at Dad, ayaw nila." Sabi ko. Ilang buwan na akong walang sapat na tulog at pahinga dahil nagpapalitan kami nila Mom and Dad, pati na ni Karl sa pagbabantay kay Adrienne
"Ayaw kitang mapahamak, Bro. Pero kung gusto mong sumama kay Ms. Alvir, I can help you." Sabi ni Karl saakin.
"Paano? Alam kong malulungkot si Mom at Dad. Lately, depressed si Mom dahil sa nangyayari sa amin ngayon. Sumabay pa yung complications ng business namin sa UK."
"Kung mahal mo si Adrienne, handa kang magsakripisyo sa kanya, at all cost." Pilit na sabi ni Karl. Pero hindi ko iyon pinansin. We're friends, hindi kami magagawang traydurin ni Karl.
"Basta ipangako mo saakin na poprotektahan mo sila kapag wala ako dito sa tabi nila. Ipangako mo 'yan, Karl Andrei." Sabi ko sa kanya.
"Oo naman. Mahal ko si Adrienne. Bakit ko naman siya papabayaan?"
"Iwan mo muna kami."
Tumango si Karl at lumabas. Lumapit ako kay Adrienne at tinitigan siya. I scanned her features, baka sakaling umalis ako, hindi ko pwedeng makalimutan kung anong hitsura ng kapatid ko.
"Maraming salamat, Rienne. Alam kong matagal mo nang nalaman na hindi mo ako tunay na kapatid. Pero ikaw? Hindi mo ako tinuring na iba. Parang sarili mo lang ring kapatid. You're every older brother's dream. Sweet, napaka-caring, at higit sa lahat, sobra-sobra kang magmahal. Pinangako ko sa sarili ko na poprotektahan kita, palagi. I'm sorry kung hindi ko na 'yun matupad. Alam natin kung gaano kasama si Ms. Alvir kaya alam kong kapag napunta na ako sa kanya, hindi niya akong hahayaan na protektahan at malapitan kayo. Sorry sa mga pagkukulang ko sa'yo bilang Kuya." Pinunasan ko ang mata ko ng may pumasok sa hospital room.
She's my one call away, hindi ko alam kung paano ako mabubuhay nang wala ang kapatid ko.
"I heard sasama ka na daw kay Ms. Alvir. Naiisip mo ba yung kapatid mo, Sly?" Sabi ni Katerine.
"Yeah. That's why sasama ako kay Ms. Alvir, iniisip ko si Adrienne. Hindi mo na mababago 'yung decision ko, Kat. I'm sorry."
"N— no. Alam natin kung gaano kasama ang kayang gawin ni Ms. Alvir, makuha ka lang." Pigil ni Katerine
"I know. Sasama ako sa kanya para matigil na 'tong ginagawa niyang kasamaan saatin."
"Pero may paraan pa! 'Wag kang sumama kay Ms. Alvir, please!" Iyak ni Katerine.
Niyakap ko siya para tumahan. "Kat, this is the only way. Ayaw kong may magsakripisyo pa ng bagong buhay para mabuhay si Rienne. I will and can handle this." Sabi ko at hinaplos ang buhok niya.
"I can sacrifice, Sly! I can! Just please don't sacrifice yourself!" Ani niya.
"Hey. Stop. I don't want to see anyone crying because of me." I sighed. "Besides, they only want me. Sobrang gwapo ko kasi kaya ako gusto nila. Biro ko pero parang hindi naman siya naapektuhan.
"Sly! Mabuhay ka. Mabuhay ka. Stay here. Please, stay here. Para kay Rienne. kay Tita at Tito, para kay Jeachel. Kahit hindi na para saamin, mabuhay ka please?"
"I can't, Katerine. As much as I wan't to stay here. I can't. I wont die." Sabi ko. "Masamang damo ako. Mukha bang mamamatay ako agad?"
"Alam mo ba," tanong niya kaya napatingin ako sa kanya. "May bata akong nakilala. 15 years ago. Napaka-bait." Panimula niya.
Tumango ako sa kanya senyales na ituloy niya ang pagke-kwento. Hindi ko alam kung bakit niya sinasabi 'to. As I've said, hindi na ako mapipigilan ng sinuman.
"His name is Coco. I was 3 years old that time, and he was 5 years old. I met him outside our gate. Tinanong niya kung bakit ako umiiyak then asked my name. I was maltrated by my Nanny that time. Kasama niya si Yoshie, bestfriend niya. Binigay niya saakin yung hanky niya to stop me from crying. Niyakap niya ako. Simula 'non, hindi na mawala sa isip ko yung bata. Lagi akong nasa labas naghihintay, para sa pagdating niya. One day, he came. I was crying, again. Agad siyang lumapit saakin at inalo ako." Sabi niya at ngumiti.
"Nasan siya ngayon?" Tanong ko.
Nagkibit-balikat siya at nagkwento muli. "Then may nilabas siya sa bulsa niya. Bracelet na gold. May naka-engraved na pangalan niya. At ipinakita niya rin ang sa kanya na may pangalan ko." Itinaas niya ang kamay niyang may bracelet.
"That w— was awesome." Sabi ko dahil parang pamilyar saakin ang kwento niya. Pero hindi ko maintindihan kung bakit niya ito sinasabi.
"My point is, maraming rason para mag-stay. Sobrang dami. At kahit na hindi ko na muling nakita si Coco, nasa puso ko lagi siya. Pero Sly, alam kong may rason si Coco. Pero ikaw? Wala kang rason. Sinabi ko nang I can sacrifice myself. Malapit na."
"Coco and I are different. H'wag mo akong ikumpara sa isang bata, Kat. My reason is really deep. And in this situation, my decision will risk everything."
"No, Sly. Hindi kayo magkaiba ni Coco. You are the same." Sabi ni Kat at dumaloy ang luha sa kanyang singkit na mata, porselana at mamula-mulang pisngi, papunta sa kanyang pulang labi na may ngiti.
"No. Bata si Coco. I am not."
"That was 15 years ago. At ngayon, I think I found Coco. Just— just please don't sacrifice yourself. I can't afford to lose you."
"W-what do you mean? And w-who's Coco?" Gulat na tanong ko.
"In case— I want you to meet my Coco. Doon ko sasabihin ang ibig sabihin ng sinabi ko. Kaya sana, h'wag ka munang mawawala." Sabi ni Kat, saka lumabas ng pinto, and left me dumbfounded.
Kasabay ng paglabas ni Katerine, ay ang pagpasok ni Jeachel.
Agad ko nanamang naramdaman ang pagmamahal ko sa kanya.
"I got food for us, Sly. Come and eat." Niyakap ko siya.
"Thank you, my love."
"No worries. So, nakapag-decision ka na?" Tanong niya.
"Do you want me to go?"
"It's for Adrienne. Though I wan't you to stay here, I want her to be saved." Iiyak na sabi ni Jeachel.
"Don't cry, don't cry. I'll go, promise. I will."
I hope that my decision will be the best for us.
![](https://img.wattpad.com/cover/168344019-288-k147179.jpg)
YOU ARE READING
Stone Academy: School of Competence
FantasyStone Academy, a school containing different types of powerful students. Adrienne Alvarez, a girl with a hidden power, met someone she already knew from her past, Shaun Jacob. Can the Stone Powers and Academy itself be a way for Shaun and Adrienne t...