Adrienne Zayn
"Captain, Captain. Gising na. Babalik na daw kayo sa kwarto ng Kuya Sly mo." Ramdam kong alog ng isang lalaki saakin.
"Wait." Maikling sagot ko at bumalik sa tulog.
"Sige na, Captain. Sige ka, kung ayaw mong gumising, tabi tayong matutulog sa kwarto ko." Pananakot niya sakin.
"Edi magtabi," Ramdam ko naman ang gulat niya kahit naka-pikit pa ang mga mata ko.
"All of us can't go home. Under maintenance ang elevator at may ginagawa din daw silang renovation. Dito nalang daw muna tayo mag-stay sabi ni Ms. Alvir. At wala na ring pasok bukas kasi maaabala daw tayo." Napabangon ako sa sinabi ni Kuya. Bakit ganun ka-importante sa kanila ang mga Garnet?
"P-pero wala pa akong gamit dito." Sabi ko kay Kuya.
"Problema ba yun? Magpasama ka sa kahit kanino jan." Prenteng sabi ng Kuya ko. Salamat talaga sayo.
"Samahan na kita." Sabay na sabi ni Vbren at Angelo.
"N-no need. Kat, sasamahan mo naman ako, diba?" Sabi ko
"O-oo naman. Sige, tara." Sagot naman ni Kat at lumabas na rin.
"Uncomfortable, girl?" Tanong niya.
"Oo, medyo."
"Actually, nagulat din ako. Never naging ganun si Angelo at Vbren sa isang babae. At alam mo ba, ngayong araw ko lang napansin na walang babae si Vbren. Dati laging babae ang kasama niyan." Sabi niya.
Nakarating na kami sa kwarto ang ine-explain ni Kat na sobrang naninibago daw siya kay Vbren. Hindi daw kasi siya ganon.
Agad kong kinuha ang gamit ko at pumunta na sa room naming mga Garnets.
"Ate Kat, tumabi ka daw kay Kiel dun. At ikaw naman Adrienne, share tayo ng room." Sabi ni Vbren.
"What? No!" Pagtutol ko.
"What, no ka diyan! Sabi ng Kuya mo! At wag kana maarte, ako na sa couch." Sabi niya kaya pumayag naman ako.
"Bakit ba kasi kailangan mag-share ng rooms?" Tanong ko.
"Your Kuya is with Angelo. Lysa have the room alone. Kiel and Ate Kat. Ikaw at Ako. Ano namang problema dun?" Paliwanag niya.
"Tatabi nalang ako kay Lysa. Pwede?" Tanong ko.
"Pwede naman." Sabi niya at napangiti naman ako dun. "Basta willing ka na gumising ng bugbog. Wala pa naman couch dun."
Aish! Parang pinipilit talaga ng pagkakataon na magkatabi kami.
Pumasok ako sa kwarto ni Kuya at naabutan ko silang nagu-usap ni Angelo. ng seryoso.
"Kuya, may I interrupt?" Sabi ko kay Kuya. Tinanguan naman niya ako. "Kuya, may I sleep here instead? Okay lang ba, Angelo?" Nagulat naman si Angelo sa sinabi ko.
"Sige, okay lang. Sly, labas na ako." Sabi ni Angelo.
Paglabas ni Angelo, nagsalita na si Kuya. "Bakit? Hindi ka kumportable?" Tanong niya.
"Kuya, kung hindi ka lang kalahating shunga at kalahating baliw! Papatulugin mo pa ko katabi ng lalaki!" Sabi ko.
"Oh, ano namang problema dun?" Sabi ni Kuya.
"Bahala ka nga jan. Anyway, nag-chat si Kuya Josh sakin, kinakamusta ka." Pangse-segway ko.
"Tss. As if I know, kinamusta lang ako nun, para may reason siya na maka-usap ka." Sabi niya.
YOU ARE READING
Stone Academy: School of Competence
FantasiaStone Academy, a school containing different types of powerful students. Adrienne Alvarez, a girl with a hidden power, met someone she already knew from her past, Shaun Jacob. Can the Stone Powers and Academy itself be a way for Shaun and Adrienne t...