Zayn Adrienne's
Nagising ako hindi dahil sa alarm ko, kundi dahil nasa isang di-pamilyar na lugar na ako.
Sa pagkaka-alala ko kagabi, huli kong kausap si Karl, matapos nun ay wala na at natulog na ako.
Wala akong matandaang may pinuntahan akong lugar na hindi ko alam kung ano.
Sandali akong luminga-linga sa paligid, at nakita ko ang isang malaking kwarto. Madilim at may isang pinto.
Gustuhin ko mang pumunta, naka-gapos ang paa at kamay ko.
Gustuhin ko mang sumigaw, naka-takip ang bibig ko.
"Gising na ang prinsesa. Tawagin niyo si Boss." Sabi ng isang bantay na kapapasok lang ng silid.
Sinubukan kong sumigaw pero alam kong wala ring patutunguhan 'to at mauubos lang ang lakas ko.
Kuya, Vbren, Kat, Lysa, Kiel, Karl, Ate Jeachel, Kuya Josh, Mommy Daddy.
Tulungan niyo po ako.
Wala na akong ibang ginawa. Inantay kong sila ang lumapit. Ayokong magsayang ng lakas.
"Wala si Boss. Kaaalis lang daw sabi ni Haria." Sabi ng matabang bantay at inalis ang takip sa bibig ko.
Haria..
Haria..
Haria Alvir..
"Kamusta, Rienne? Ayos ka lang?" Isang babae. Babae na akala kong magliligtas saakin, pero isa sa magdadala saakin sa kapahamakan.
"M-ms. Alvir! T- tulungan niyo po ako!" Sabi ko sa kanya, kahit na alam kong nasa panig siya ng kalaban.
"Too bad, my Dear. Gustuhin ko man- no, hindi ko gusto. At hindi ko gugustuhin na tumalikod kay Boss at iligtas ang anak ng isang magnanakaw ng anak." Sabi ni Ms. Alvir. "Karl, come here!" Sabi niya at tinawag ang isang taong Karl ang pangalan.
That Karl she's talking about. He's not the Karl I know.
"Yes, Ms. Alvir?" No!
"Ikaw magbantay. Susundan namin si Boss, at may malay na ang prinsesa."
Tumango si Karl at umalis na sila Ms. Alvir at kami nalang ang natira ni Karl.
"Ngayong tayo nalang ang natira, ano kayang dapat kong gawin?" Sabi niya na parang tinatakot ako.
"S-si Vbren, kamusta siya?" Tanong ko.
"Alam mo, ako yung nandito. Hindi si Vbren. 'Pag ako nainis, papatayin ko 'yun!" Sabi niya at nanlisik ang mata.
"Hindi ikaw 'yan, Karl. The Karl I know and I loved would never do this," sabi ko. "So tell me, sino ka?"
"Matalino kang mortal ka." Sabi niya at nang makumpirma ko, natakot ako sa ideya kung nasaan si Karl ngayon. "Si Karl ba? Nasa lugar siya na ako lang ang nakaka-alam."
Natatandaan ko yung sinabi ni Vbren saakin dati.
"May ike-kwento muna ako sa'yo." Sabi niya at tumabi saakin. "Alam mo ba kung bakit may room tayo dito na mga Garnet lang ang nakaka-bukas?"
"B-bakit?"
"Kasi tago ang school natin, Rienne. Safe ka dito. Hindi nakikita ng outsiders o walang kapangyarihan ang school natin. Hindi natin pwedeng gamitin ang kapangyarihan natin basta-basta, lalo na kung nasa labas tayo kasi pwede tayong mahanap ng mga Arsenopyrites, pwede tayong mapahamak. Lalo ka na!" Frustrated na paliwanag niya.
"Ano yung Arsenopyrites?" Takang tanong ko.
"Yun ang mga taong napaka-delikado. Indeed, may malakas tayong Garnets, pero mas marami sila. Magiging sobrang lakas ng force nila. At ayaw kitang mapahamak." Paliwanag ni Vbren.
"A-arse—"
"Arsenopyrites." Sabi ni lalaking nasa loob ni Karl at tumawa.
Kasalanan ko 'to. Kung hindi ako nagpumilit kay Vbren para sa power test, hindi sila magkaka-access.
Hindi rin. Si Ms. Alvir. Sa tingin ko, ginawang rason ni Ms. Alvir ang pagpupumilit ko para sa power test para masabing hindi siya parte ng mga Arsenopyrites.
"Karl, I know you're still there. Katawan mo 'yan." Sabi ko at napaiyak nalang. "Karl, i'm so sorry."
Hindi nagsalita si Karl at naglakad papunta sa likod ko.
"A-anong ginagawa mo?"
Hindi siya sumagot at naramdaman ko ang tali sa kamay ko.
"Breathe for a second. Rienne, ako 'to si Karl. Mahirap siyang labanan. Bilisan mong tunakas.." Sabi ni Karl at tinanggal na rin ang tali sa paa ko, pero hingal na hingal siya at parang pinipigilan ang mawala sa katinuan dahil sa kung sino mang kumuha sa katawan niya.
I wan't to feel relief, pero the thought that Karl is fighting someone so strong inside of him makes me feel weak.
"Tumakas ka na. A-ako na b- argh! Escape, Rienne! Dumaan ka sa l-likod. I-i don't know what will happen to me. Escape. Kasi hindi ko na kaya tong labanan at hindi ako papayag na masaktan niya ang babaeng pinakamamahal ko."
Tumango ako kay Karl habang paalis at nakita ko siyang ngumiti ng malungkot.
Bago ako lumabas ng pinto, nakita kong may luhang pumatak sa mata niya at patuloy na nilalabanan ang Arsenopyrite sa katawan niya.
Nakarinig ako ng tunog ng makina ng sasakyan.
Baka nandito na ang mga demonyo.
"Yes, Mr. Lius. Ayos na po ang Prinsesa. Oo naman, hindi namin sinaktan." Sabi ni Ms. Alvir.
Lius.
Katerine Lienne Lius, Kiel Chrome Lius.
Siya ang tatay ni Kiel at Kat. Si Mr. Delgado Lius.
..ang leader ng mga Arseno.
Narinig ko silang pumasok ng kwarto at napa-sigaw si Ms. Alvir ng makitang wala ako dun.
Agad akong nagtago sa labas ng gate at hinanap si Karl, pero hindi ko na alam kung nasaan siya.
Doon ako mas natakot, na baka nasa-kung saan si Karl.
Agad akong lumayo kahit hindi ko na alam kung nasaan ako. Wala akong kahit-ano. Naka pyjamas parin ako.
Inisip ko nasaan ako gamit ang kapangyarihan ko.
Bandang norte.
Ang lugar kung saan nangyari ang lahat. Nag-umpisa ang theory ng Arsenopyrites. Ang lugar na pinagkaka-tayuan ng makabagong Stone Academy.
"Manong, para!" Sabi ko at pumara na ng taxi. "Martirez Executive Subdivision po."
Ilang oras din ang tinagal ng biyahe.
Kinapa ko ang bulsa ko, baka-sakaling may pera akong maipangbabayad.
"Kuya, okay na po ba isang libo diyan?"
"Ah, oo naman hija. Bale walongdaang laang naman." Sabi ni Kuya driver at inabot ko ang bayad.
Agad naman akong pinag-buksan ng guard ng gate.
"Ma'am Rienne, ano hong nagyari sainyo?"
"Wala po, Manong. Long story po. Una na po ako."
"Mom! Dad!" Sigaw ko kay Mommy kahit na may kausap sila ni Daddy sa sala.
Laking gulat ko nang makitaang kausap nila na naka-ngiti saakin ng malapad.
Si Ms. Alvir kasama si Mr. Lius!
"Ma, no. Hindi po! 'Wag mo silang lalapitan! Sila 'yung leader ng arsenopyrites! They will cause harm!" I shouted.
"Ano ba pinagsasabi mo, Zayn Adrienne? Is that how you greet a guest?" Galit na sigaw ni Dad.
"You might be wrong, but you can also be right." Ms. Alvir smirked before releasing and ball of fire.
Everything turned black.
YOU ARE READING
Stone Academy: School of Competence
FantasíaStone Academy, a school containing different types of powerful students. Adrienne Alvarez, a girl with a hidden power, met someone she already knew from her past, Shaun Jacob. Can the Stone Powers and Academy itself be a way for Shaun and Adrienne t...