Nine

584 23 1
                                    

Adrienne Zayn

"Ren, sorry. But I really have to leave. Someone is waiting for me."

"Fine, sige na, go. Sunduin nalang kita bukas sa dorm ah?" Paalam niya.

Pumunta na ako sa Garden. Medyo maambon parin dahil umulan kanina. I doubt na nandito parin si Shaun dahil malakas ang ulan kanina. 7:45 na pala. Late na ako.

Pagdating ko sa Garden, nilibot ko muna ang mata ko para hanapin si Shaun. At hindi naman ako nabigo, nakita ko siya sa mga bench at nakahalukipkip sa lamesa.

Agad akong tumakbo para lapitan siya.

"Huy! O-okay ka lang? Pasensiya na, ah?"

"A-ayos lang ako. Sige na, sasabihin ko na lahat." Mahinang sabi niya.

"W-wag na muna, Shaun. Mainit ka, tara muna sa dorm mo."

Wala siyang sinabi at tumayo na.

"S-susi mo?" Tanong ko at kinuha niya naman ito sa bulsa niya.

Binuksan ko na ang pinto at ito ang unang beses na nakapasok ako sa kwarto niya.

"Nasan kwarto mo? Kailangan mong magpalit, basang-basa ka." Sabi ko at tinuro niya ang pinaka unang pinto. "K-kaya mo namang magbihis diba?" Tumango siya at nagpunta naman ako sa kitchen niya at baka-sakaling may pwedeng mainit na soup siya dito, pero wala.

"Carl, magluluto ako ng soup ah?" Sigaw ko sa kanya.

"Sige lang!" Hirap na sigaw niya.

Nagluto nalang ako ng champorado -- 'yon lang kasi ang kaya kong lutuin dito sa mga sangkap ni Shaun sa ref niya.

Hinanda ko na ito at kumuha ang juice, tubig at gamot.

"Shaun, kain ka muna."

"Hmm, Rienne, stay." Salita niya kahit naka-pikit.

"Shaun." Bahagya kong tinapik ang pisngi niya. Bumangon naman siya ng konti. "Oh, kain." Sabi ko at nilapit ang kutsara sa bibig niya.

He ate so fast. It seemed like he was starved for days.

"Busog na ako." Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Nako, dapat lang. You already had 3 bowls." Sagot ko. "So, ano yung ike-kwento mo? Kaya mo ba?"

"Kaya naman. Hindi ko lang kaya kung makikita kitang umiiyak sa kwento ko."

"S-sige lang. I'll listen."

"Naalala mo yung kinikwento ko sayo? What can you say about that?" Tanong niya.

"Nakaka-amaze yung faithfulness nung guy. Siyempre, nakalimot na nga yung babae, eh. Chance niya na sana yung para maka-kilala ng mas better, pero he chose to stick with the girl." Sagot ko.

"If you would have a chance to have a guy like that, would you regret?"

"Na ano? Nakilala siya, o nagka-amnesia?" Tawa ko.

"Ano bang mas regret dun?" Pagpapahirap niya.

"Siguro yung pagkaka-amnesia. A guy like that shouldn't be forgotten. He's the guy that is every girl's dream. Kung ako yun, hindi ko yun sasayangin."

"Pano pag sinabi kong ikaw yung babae, tapos.." his words were interrupted because of a call I have.

"Sagutin ko lang si Kat" Paalam ko kay Shaun.

In call: Rienne, faster! Bilisan mo umuwi dito sa mansion niyo! Yung tunay na bahay niyo, nandito si Sly, nagwawala!

"H-ha? Oo sige, wait lang!" Tarantang sabi ko at pinatay ang tawag. "Shaun, I have to go! Nagwawala si Kuya Sly!"

Stone Academy: School of CompetenceWhere stories live. Discover now