PROLOGUE
"Ayan na si Sir. Rohelio." Narinig kong sabi ng nasa likod kong si Eula. Napakunot ang noo ko at automatik na liningon si Sir. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at parang bumagal ang pag ikot ng mundo ng pumasok si Sir sa aming classroom.Nakasuot si Sir ng navy blue polo at black pants. Grabe, halos lahat ng kababaihan rito sa classroom ay napanganga sa kagwapuhan ni Sir. Napalunok ako ng makita ang napakagandang katawan ni Sir na nakatambad samin.
"Gwapo na 'yan sainyo?" Nahinto ang pagpapantasya ko kay Sir sa sinabi ng katabi ko. Nagkasalubong ang kilay ko at tinignan si Kenrick.
"Anong pinaglalaban mo?" Tanong ko at napanguso. Napalumbaba nalang ako habang malagkit na tinititigan si Sir. Ang gwapo niya talaga.
"Mas lamang lang naman 'yan ng paligo sakin pero mas pogi parin ako." Napairap ako ng wala sa oras dahil sa sinabi ni Kenrick.
"Ang sabihin mo, hindi ka lang talaga naliligo. Tss." Sabi ko. Narinig siguro 'yon ni Jared sa harap ko kaya napalingon siya samin at tumawa narin ng malakas. Nakipag-apir pa sakin ang loko, kala mo close kami.
"Gago, 'wag ka tumawa. Di ka kasali sa usapan." Pikon na sabi ni Kenrick kay Jared. Umismid nalang si Jared at binalik ulit ang paningin sa harap.
"Okay, class. Let's disscuss our topic for today." Napatulala nalang ako sa mukha ni Sir. Pati pagsasalita niya ang ganda. Bakit kaya sobrang perfect ng lalaking 'yan?
"So, go to your group. You'll having an performance." Sabi ni Sir at pinaliwanag ang performance na aming gagawin. "So, with your group, think of a situation of betrayal in our society and you're going to act that infront. That performance will perform today."
Napatingin ako bigla sa mga seatmate ko. Tae, mukhang di mapagkakatiwalaan 'tong mga kagrupo ko. Parang sabay sabay kaming babagsak ngayon sa English.
Umikot kami at nag-form ng pabilog. Ngayon kitang kita ko na ang mga mukha ng kagrupo ko.
"Nandito pala si Kenrick satin." Sabi ni Eula. Napatingin ako bigla sakaniya. Ngiting-ngiti siya ngayon sa katabi kong si Kenrick. Kumunot bigla ang noo ko.
Nginitian lang rin siya ni Kenrick at cool na sumandal sakaniyang upuan.
"Siguradong di na tayo babagsak sa English nito! Andito ang matalino pag dating sa Englishan." Sabi ni Catriona. Nangasim ang mukha ko sa sinabi niya.
"Sus! Crush mo lang si Kenrick kaya binobola mo siya!" Sabi ko sabay irap.
"What the heck, girl? Hindi ko crush 'yan. Baka si Eula." Sagot niya kaya napatingin kaming lahat kay Eula. Namumula niya kaming hinarap.
"A-Ano?" Nauutal na tanong niya habang pasimpleng sumusulyap kay Kenrick. Hays! Sa dinami daming puwede niyang magustuhan bakit sa dugyot pa? Tss.
Sayang tuloy ang ganda ni Eula. Sa isang dugyot lang siya magkakagusto.
"Ayieeee! May bagong loveteam sa room natin!" Biro ni Jared. "Hashtag KenLa."
Mas lalong namula si Eula, "Huy! Baka marinig ka ni Sir. Nakakahiya."
"Nakakahiya daw pero gusto naman, yieee!" Asar nanaman ni Jared. Napairap nalang ako.
"Ang haharot niyo. Mag-umpisa na kaya tayong gumawa ng script?" Sabi ko habang salubong ang kilay.
"Selos." Napatingin ako kay Kenrick ng sabihin niya 'yon. Naningkit ang mata ko sa sinabi niya. Ako? Magseselos? Sino ba siya para pagselosan ko? Si Sir ba siya? Ang kapal din naman pala ng mukha.

BINABASA MO ANG
Love Maze (Completed)
Teen FictionSi Katrine Lerioza at Kenrick Olivar ay matalik na magkaibigan simula pa noong sila ay bata pa. Lahat ng naiisip nilang kalokohan ay ginagawa nila ng magkasama. Paano kung isang araw mahulog sila sa isa't isa? Paano kung magkaroon ng maraming haran...