Chapter 47

41 3 0
                                    

CHAPTER FOURTY SEVEN


Ngayon na ang araw ng Moving up namin at lahat ay abala para sa gaganaping espesyal na araw na ito. Nakatulala lamang ako habang nilalagyan ako ni Mama ng make up sa mukha. Kahit na espesyal ang araw na 'to para sakin, hindi ko makuhang maging masaya. Wala akong gana. Ni hindi ko nga makuhang ngumiti eh. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito.

"Anak, paano kita me-make upan ng maayos kung ganyan ang itsura ng mukha mo?" Puna ni Mama kaya bigla akong napatingin sakaniya. Tumikhim ako at napalunok.

"Sorry, Ma. May iniisip lang." Sabi ko at ngumiti. Bumuntong hininga si Mama at nilagyan ako ng blush on sa magkabilang pisngi.

"Alam mo anak, 'wag mo masyadong stress-in ang sarili mo. Masyado ka pang bata para magisip ng kung ano ano. Ang intindihin mo ay kung ano ang makakapagpasaya sayo. Doon ka mag-focus." Sabi ni Mama at ngumiti din sakin habang busy sa paglalagay ng blush sa pisngi ko.

"Paano kung siya 'yung kasiyahan ko?" Bulong ko.

"Ano 'yun, anak?"

"Wala po, Ma." Biglang sambit ko. "Okay na 'yan, Ma. Baka ma-late na tayo dun."

Tumigil na si Mama sa pagme-make up sakin at pinakita ang sarili ko sa salamin. Napangiti ako ng makita ang itsura ko. Ang galing pala mag make up ni Mama, hehe.

Lumabas na kami ng kwarto at nandun na din si Papa nakaabang samin. Napangiti siya ng makita ako.

"Ang ganda naman ng anak ko. Congratulations anak, proud si Papa sayo." Usal nito. Namasa ang mata ko at niyakap si Papa.

"Thank you, Pa." Sagot ko.

"Hay nako, wag na kayo mag-iyakan jan baka masira pa ang make up mo, Katrine. Tara na baka ma-late pa tayo dun." Natawa kami ni Papa sa sinabi ni Mama at sabay sabay kaming tatlo na maglakad palabas ng bahay. May sasakyan si Papa, pinahiram daw ito sakaniya ng boss niya basta daw ingatan tsaka marunong naman si Papa magmaneho ng kotse. Buti nga't pinahiram si Papa eh ang bait ng boss niya. Wala pa kaming ganung kalaking pera para makabili ng ganitong klaseng kotse pero sinisiguro ko na mabibigyan ko din sila Papa ng sarili nilang sasakyan.

Mabilis lang ang naging byahe namin sa venue ng aming moving up. Sobrang dami agad ng istudyante ang naririto. Kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan si Jared. Mabilis naman itong sumagot.

"Nasaan ang section natin?" Tanong ko agad pagkasagot niya ng tawag.

"Where are you? Ako nalang ang magsusundo sayo jan."

"Kasama ko sila Mama at Papa. Nandito kami sa may malapit sa mini forest hindi pa kami nakakapasok sa loob ng court." Sagot ko.

"Okay, pupuntahan ko kayo jan."

"Sige salamat, Jared." Sagot ko at pinatay na agad ang tawag dahil alam ko sasabihin niya na naman ang salitang 'iloveyou' at nagi-guilty lang ako kapag naririnig ko 'yon sakaniya. Feeling ko tuloy ang sama kong tao dahil di ko siya kayang mahalin gaya ng binibigay niyang pagmamahal sakin.

Ilang minuto kaming naghintay at sa wakas ay nakarating na din si Jared nagmano siya sa mga magulang ko pero muka pa ring masungit sakaniya si Mama. Hay nako si Mama talaga. Tss.

Hinatid kami ni Jared kung nasaan ang section namin. Sila Mama at Papa ay pumunta sa gilid kung saan doon uupo ang lahat ng mga magulang ng mga students. Sabay kaming umupo ni Jared kasama ang mga ka-sections namin. Hindi pa nagsisimula ang seremonya. Iginala ko ang aking paningin at nakita ko si Catriona, ang ganda niya. Nang magtama ang paningin namin ngumiti siya sakin kaya nginitian ko din siya. Sunod ko namang nakita si Evan at Xiela. Grabe kita mo sa mga mata nila na sobrang saya nila sa isa't isa at masaya din ako para sakanilang dalawa.

Love Maze (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon