CHAPTER THIRTY
Napakagat labi nalang ako habang nandito kami ni Kenrick sa faculty. Kakausapin daw kami ni ma'am. Break time ngayon at nagre-recess na ang iba naming kaklase pero kami ni Kenrick ay nanatiling nandito sa faculty.Tumikhim ako at tinignan si Kenrick. Kalmado lang siya habang nakatitig kay ma'am. Paano niya kaya nagagawang kumalma? Ako nga dito, kabang kaba na, e. Wala talagang takot ang isang 'to.
"Pwede niyo bang ipaliwanag ang nangyari kanina?" Taas kilay na tanong ni ma'am Noela.
Suminghap ako bago nagsalita, "A-Ano po kasi ma'am..."
Lalong tumaas ang kilay ni ma'am samin, "Ano?"
"Pinakopya ko po siya." Napasinghap ako ng sabihin 'yon bigla ni Kenrick. Tangina, bakit sinabi niya 'yon? Hindi niya naman kailangan sabihin 'yon, e. Mapapahamak lang kaming dalawa.
"Hindi mo ba alam na mali 'yong ginawa mo? Bakit mo siya pinakopya? Pandaraya ang ginagawa niyo." Tugon ni ma'am kay Kenrick. Ilang sandali na hindi nakasagot si Kenrick bago ito humugot ng malalim na hininga at nagsalita.
"Because I want to. It's not her fault. Ako lang po ang may kasalanan dahil kusa kong binigay sakaniya ang papel ko. And, she's not a cheater." Seryosong sambit ni Kenrick sa harap ni ma'am.
"So, ikaw lang dapat ang managot sa kalokohang ginawa niyo?" Ani ma'am. Nanlaki ang mata ko sa narinig. Hindi pwede 'yon. May kasalanan rin ako sa nangyari kaya bakit siya lang ang mananagot rito?
"No, ma'am!" Mabilis kong sagot. "May kasalanan rin po ako sa nangyari. Hindi pwedeng siya lang ang managot rito."
Napatingin sakin si Kenrick at kita ko sa mata niya ang pagka-inis sa sinabi ko. Bahala siya kung maiinis siya basta, dapat managot rin ako dahil alam kong may kasalanan din naman ako sa nangyari. Ginusto ko rin kopyahin 'yung papel niya. Dapat din akong managot.
Ngumisi si ma'am at nilapag ang dalawang braso sa table niyang nasa harapan namin. "Pasalamat kayo at hindi ko kayo pina-guidance. Sa totoo lang, dapat pina-guidance ko na kayong dalawa ngayon pero nakikita ko naman na hindi niyo intensyon na gawin 'yon kaya kinausap ko kayo."
Hindi kami nagsalita ni Kenrick. Nanatili kaming tahimik at nakatitingin kay ma'am.
"Pero, kailangan kong makausap ang mga parents niyo tungkol rito. Papayagan ko parin kayong mag-take ng exam basta hindi niyo na uulitin ang ginawa niyo kanina. If you want to pass the exam, you need to study hard. Hindi niyo kailangan mangopya o mandaya, maliwanag ba?"
"O-Opo." Ako lang ang sumagot. Napatingin ako kay Kenrick na nasa malayo na ang tingin at hindi sinagot ang sinabi ni ma'am.
"Kenrick, maliwanag ba 'yon?" Pag-uulit ni ma'am sakaniya.
"Yes." Maikling sagot niya at bumuntong hininga.
"I need to talk to your parents tomorrow. Papuntahin niyo sila rito ng alas dose." Bilin ni ma'am. "Pwede na kayong mag-recess."
"Thank you ma'am and sorry po." Sabi ko. Tumango lang si ma'am. Haharapin ko sana si Kenrick pero nauna na siyang nakalabas ng faculty. Ngumiti nalang ulit ako kay ma'am Noela at lumabas ng faculty para habulin si Kenrick.
Nakita ko siyang naglalakad papunta sa building namin. Tumakbo ako para mahabol siya. Nang makalapit ako sakaniya, hinawakan ko ang kaniyang braso para mapahinto siya sa paglalakad.
Iritado niya akong tinignan. Kumunot ang noo ko sa reaksyon niya. Bakit ganyan? May ginawa ba akong kasalanan sakaniya?
"Anong problema?" Tanong ko. Humugot siya ng malalim na hininga at tinggal ang kamay kong nakahawak sa kaniyang braso. Biglang kumirot ang puso ko sa ginawa niya.
BINABASA MO ANG
Love Maze (Completed)
Teen FictionSi Katrine Lerioza at Kenrick Olivar ay matalik na magkaibigan simula pa noong sila ay bata pa. Lahat ng naiisip nilang kalokohan ay ginagawa nila ng magkasama. Paano kung isang araw mahulog sila sa isa't isa? Paano kung magkaroon ng maraming haran...