CHAPTER THIRTEEN
Uwian na at ako lang mag isang naglalakad ngayon sa kalsada. Nasaan si Kenrick? Edi nandun sa plastik na si Eula. Sabay sila umuwi. Nakakainis nga eh. Iniwan ba naman ako tapos sumama don sa mukhang clown na si Eula. Nakakainis talaga.Ito 'yung unang beses na hindi kami nagsabay umuwi ni Kenrick. Dati lagi talaga kaming magkasabay pero ngayon, mukhang malabo na. May bago na kasi siyang hinahatid. Teka, bakit parang bitter ko? Hay ewan. Basta naiinis ako. Feeling ko mas pinili niya 'yon kesa sa bestfriend niya.
Kaya ito ako ngayon, mag isang naglalakad sa kalsada. Bumuntong hininga nalang ako. Maya maya'y nakaramdam ako ng pag-vibrate sa loob ng bulsa ng aking palda. Kinuha ko ang aking cellphone at tinignan kung sinong tumawag.
Napakunot ang noo ko ng makitang unknown number ito. Sino naman kaya ito? Paano niya nalaman ang number ko? Sa pagkakaalam ko, simula nung bigyan ako nila Mama't Papa ng cellphone, wala akong pinagbibigyan ng number ko bukod sa mga magulang ko.
May nag-udyok sakin na sagutin ang tawag kaya ginawa ko.
"Hello? Sino po ito?" Tanong ko.
Hindi nagsalita ang nasa kabilang linya. Napakunot ulit ang noo ko at tinignan ang screen ng aking phone. Hindi pa naman naka-end ang call pero bakit walang nagsasalita?
"Hello? Sino 'to?" Tanong ko ulit. Hindi na naman ito sumagot at laking gulat ko ng patayan niya ako ng tawag. Aba! Walang hiya naman 'yun! Pinatayan ba naman ako ng tawag? Pasalamat nga siya sinagot ko ang tawag niya. Kainis yun ah. Malaman ko lang kung sino 'tong unknown number na 'to, kukurugan ko ulo nito.
"Kainis ampotek." Bulong ko at pinasok na ulit sa loob ng aking bulsa ang aking cellphone. Pinagpatuloy ko na ang paglalakad pero biglang bumagal ang lakad ko dahil sa dalawang mag-jowa na nasa harap ko. Napairap nalang ako ng wala sa oras. Pano ba naman kasi, nakaakbay yung lalaki sa babae tapos ang bagal nilang maglakad. Akala naman nila sila lang ang tao sa kalsadang 'to, kainis ampota!
"Pakibilis naman 'yung lakad oh!" Napasinghal na lang ako. Natigilan 'yung dalawa sa harap ko at tinignan ako. Nanlaki ang mata ko ng makita si Evan at si Xiela. What the? Anong ibig sabihin nito? Sila na ba?
"K-Katrine?" Tawag sakin ni Evan at bigla siyang napabitaw ng pagkakaakbay kay Xiela. Nakita kong may namuot na sakit sa mukha ni Xiela ng tanggalin ni Evan ang kaniyang braso na nakaakbay sakaniya.
Napaawang nalang ang labi ko. Hindi naman sa nagseselos ako or what pero bakit sila magkasama at magkaakbay? Hindi ba sinabi sakin ni Evan na ako ang gusto niya? Anong nangyari? Ay oo nga pala, nakalimutan kong play boy pala 'tong si Evan. Ang tanga ko lang kasi naniwala ako na ako lang ang gusto niya pero hindi pala dahil marami siyang babae, kasama na dun si Xiela. Hindi ako nasasaktan. Naiinis ako sa ginagawa ni Evan.
Feeling ko nasama ako at si Xiela sa mga collection niya ng mga babae. At iyon ang kinaiinisan ko ngayon.
Ngumiti nalang ako kahit nagsisimula na akong mainis kay Evan. "Oh kayo pala 'yan? Hindi ko nahalata."
Kita ko ngayon ang guilty sa mukha ni Evan. Napataas bigla ang kilay ko. Bakit ganyan ang itsura niya?
"K-Katrine.. hindi ko alam na nasa likod ka pala namin." Sabi ni Xiela.
Bumuntong hininga ako at nagulat siya ng bigla ko siyang hilain mula kay Evan.
"Kat—"
"Anong ginagawa mo?" Tanong ni Evan.
Tss.
"Kung lalandi ka, 'wag mo ng idamay si Xiela. Maghanap ka ng ibang lalandiin mo hindi 'yung inosenteng tao pa. Landiin mo 'yung malandi tulad mo." Sabi ko habang hawak hawak ang pulsuhan ni Xiela.
![](https://img.wattpad.com/cover/176692742-288-k784084.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Maze (Completed)
Teen FictionSi Katrine Lerioza at Kenrick Olivar ay matalik na magkaibigan simula pa noong sila ay bata pa. Lahat ng naiisip nilang kalokohan ay ginagawa nila ng magkasama. Paano kung isang araw mahulog sila sa isa't isa? Paano kung magkaroon ng maraming haran...