Chapter 40

60 1 0
                                        

CHAPTER FOURTY


Parang ang bilis ng oras. Hindi ko namalayan na uwian na pala. Buong araw lang kasi akong nakatulala at wala pake sa nile-lecture ng mga teacher namin. Bukod sa pagkalutang ko, naiinis rin ako.  Naiinis ako kay Eula dahil grabe kung makadikit kay Kenrick.

Napabuntong hininga nalang ako at inayos na ang mga gamit ko. Nang maayos ko ito, mabilis ko itong sinabit sa aking balikat bago naglakad palabas ng classroom. Kaso bago pa ako makalabas, may humawak na ng braso ko. Tinignan ko kung sino 'yon at napatalon ako sa gulat ng makita si Kenrick. Lumakas ang tibok ng puso ko at hindi ko alam kung anong gagawin. Parang libo libong kuryente ang dumapo sa balat ko ng hawakan niya ako.

"Katrine..." Sambit niya habang diretsong nakatitig sa dalawang mata ko. Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa braso ko bago siya tinignan sa mata. Naagaw rin ng tingin ko ang nasa tabi niyang si Eula. Nakataas ang kilay nito sakin. Hindi ko nalang siya pinansin at mabilis na binalik ang tingin kay Kenrick.

Tumikhim ako bago nagsalita, "M-May kailangan ka?"

"Kailangan kita." Mabilis na sagot nito. Hindi ako nakapagsalita dahil sa sinabi niya. Napatingin ulit ako kay Eula at nakita kong napairap na ito.

"Hay nako! Panira talaga kahit kailan! Aalis na nga ako!" Sabat ni Eula at nag walk out. Gusto kong matawa sa itsura ni Eula pero di ko magawa, hahaha. Napahiya kase ang bruha eh.

Tumikhim nalang ulit ako at seryosong tinignan si Kenrick, "Anong kailangan mo sakin?"

"Ikaw nga." Sagot nito.

"Wala ako sa mood makipagbiruan sayo." Sagot ko at binawi ang braso ko sa kamay niya. Umawang ang labi niya sa ginawa ko pero mabilis rin siyang napalunok.

"Pwede ba tayong mag-usap?"

"Nag-uusap na tayo, Kenrick."

"I mean pagusapan natin 'yung nangyari kagabi." Sagot nito. Ilang sandali ko siyang tinitigan bago bumuntong hininga at tumango nalang.

"Sa labas tayo mag-usap." Sabi ko at naunang lumabas ng classroom kesa sakaniya. Naramdaman ko namang sumusunod siya kaya ng makarating kami sa pinakadulo ng corridor, huminto na ako hinarap siya.

"Anong pag-uusapan natin?" Tanong ko at iniwas ang tingin sakaniya.

"I'm sorry kung pinahirapan kita kagabi." Unang tugon niya kaya napatingin na ako sakaniya at nakita kong nasa sahig na siya nakatingin. Parang kinurot ang puso ng makita kung gaano siya nasasaktan ngayon.

"Hindi ko inisip na mas lalo kang mahihirapan kung ipagpapatuloy pa 'tong relasyon na 'to. Kagabi di ako natulog, inisip ko lahat ng mga nangyari. Na-realize ko na wala ring saysay kung ipipilit ko pang ayusin ang relasyon natin kung alam kong bumitaw kana talaga." Sabi niya at humugot ng malalim na hininga. Inangat niya ang kaniyang ulo at lumakas ang tibok ng puso ko ng magtama ang mata naming dalawa.

Malungkot siyang ngumiti sakin, "Huwag ka ng mag-alala, Katrine. Tuluyan na kitang pinapalaya."

Napatulala ako sa mukha niya. Hindi na ako nakapagsalita pa dahil sa sinabi niya sakin. Kahit na alam kong nakipaghiwalay na ako sakaniya, mas masakit pala kapag sakaniya mismo nagmula 'yon. Para kang pinapatay sa sakit. Sobrang sakit.

May tumulong luha sakaniyang mata pero nakangiti parin siya sakin, "Tuluyan na tayong naghiwalay, Katrine. Pero sana magkaibigan parin tayo tulad ng dati. Mag-iingat ka."

Iyon na ang huli niyang sinabi bago ako iniwang nakatulala sa kawalan. Nangilid ang luha sa aking mata hanggang sa magsunod sunod ang pagpatak nito. Napahawak ako sa aking dibdib. Sobrang sakit. Mas masakit pa pala 'to kesa sa nangyari kagabi.

Love Maze (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon