Chapter 21

63 0 0
                                    

CHAPTER TWENTY ONE


Tatlong araw ang lumipas simula ng malaman namin ni Jared na umalis na ng bansa si Sean. Alam na rin ni Kenrick at Evan ang tungkol doon ngunit palaisipan parin sa ibang kaklase namin kung bakit hindi na pumapasok si Sean. Hindi pa kasi nila alam na umalis na si Sean ng bansa at sa Canada na mag-aaral.

Sa tatlong araw na lumipas, syempre naging malungkot dahil di ko na kasabay si Sean sa recess. Pero hindi naman ako hinayaang maging malungkot ni Jared. Siya ang nadiyan para sabayan ako sa recess o kahit sa pag-uwi.

Sa tatlong araw din na lumipas, naging abala ako sa pagpapractice para sa pageant. Kasabay din nun at puspusan namin sa paggawa ng projects dahil malapit ng matapos ang unang quarter at malapit na ring mag-exam.

"Tambak na ang gawain ko," Nakangusong sambit ko habang naglalakad kami ni Kenrick papunta sa pagpapraktisan namin ngayon.

"Hindi mo kase ginagawa sa tamang oras. Puro ka lang cellphone." Pag-sermon niya sakin.

Napairap ako. "Kung hindi lang sumabay itong pageant, magagawa ko 'yun ng tamang oras!"

"Ang dami mong katwiran." Sabi niya lang. Napanguso nalang ako lalo at di na nagsalita. Lumapit kami sa mga kasama ko at nakangisi nila akong tinignan.

Kumunot ang noo ko, "Bakit?"

Siniko siko ako ni Sheena at nginisian, "Kayo na ba ni Kenrick?" Bulong niya.

Napaubo ako sa binulong niya sakin, "Hindi ah! Ano ba 'yang iniisip niyo?"

"Ano 'yun, Katrine?" Tanong ni Kenrick. Tinignan ko siya at nagtama ang tingin naming dalawa. Biglang nag-init ang mukha ko ng hindi alam ang dahilan.

"W-Wala!" Sabi ko nalang at pinanlakihan ng mata ang mga kasama ko. Masyado kayong ma-issue ha!

Tumawa lang ang mga kasama ko dahil sa reaksyon ko habang si Kenrick ay nakakunot ang noo samin dahil hindi niya alam kung anong nangyayari.

"Antayin mo nalang ako dun, Kenrick." Sabi ko at tinuro ang bench.

"Okay sige. Galingan mo." Sabi niya at kumindat. Narinig ko ang tilian ng mga kasama ko rito dahil sa ginawa ni Kenrick. Nag-init ang pisngi ko. Nakita kong ngumisi lang si Kenrick at tinalikuran na ako. Prente siyang umupo sa stage at tinutok ang tingin sakin. Mas lalong nag-init ang pisngi ko.

Nakakailang ang titig niya, jusko!

"Sana all po!" Malakas na sabi ni Dany. Napatikhim nalang ako at di na sila pinansin. Mukhang aasarin pa sana nila ako pero buti nalang tinawag na kami ni ate Sharry. Tulad parin nung pagpapraktis namin ng mga nakaraang araw ang gagawin namin ngayon. Kung nung una ay masyado pa akong nahihiya sa stage, ngayon parang sanay na ko. Pero kahit medyo sanay na 'ko sa pagtapak sa stage, di ko parin maiwasang mailang. Lalo na kung may mga matang nakatitig sakin.

"Good job girls!" Sabi ni ate Sharry pagkatapos naming magpraktis. "Ihanda niyo na ang mga sarili niyo dahil sa sabado na ang laban niyo. Bukas friday na at wala na tayong praktis nun. Mag-beauty rest nalang kayo at paghandaan ang gaganaping pageant."

Bigla akong kinabahan. Sa sabado na pala ang pageant. Bakit ang bilis naman ng araw? Kainis!

"Okay ate Sharry!" Sabay sabay naming sagot. Nagsi-alisan na ang iba at agad ko namang pinuntahan si Kenrick. Nakita ko ang mapungay niyang mata na nakatingin sakin habang papalapit ako sakaniya. Mukhang inaantok na ang lokong 'to. Hahahaha. 9:30 PM na kasi kami natapos at dapat papaabutin ng alas dyes kaso may curfew.

"Tara na," Nakangising sabi ko at hinila pa ang kamay niya.

"Muntik na akong makatulog." Sabi niya at biglang tumawa.

Love Maze (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon