CHAPTER TWENTY THREE
"Are you ready guys?" Tanong samin ng host. Hindi ako makatango o makapagsalita. Nakangiti ako pero syempre hindi maiwasang kabahan. Tinawag ng host ang unang contestant. Bubunot siya ng tanong sa fishbowl at kailangan niya 'yon sagutin.
"This is your question, para sa iyo, ano ang kahulugan ng pagiging babae?" Tanong ng host sa unang contestant. Tumikhim ang unang contestant bago sumagot.
"Uh.. para sakin po.. uhm..." Nauutal siya at hindi makasagot. Eh? Ang dali lang kaya nung tanong niya tapos hindi siya makasagot. Palihim akong napanguso at nagbabakasakaling makasagot niya ng maayos ang tanong.
Nasagot niya naman ang tanong kaso nga lang nauutal siya at minsan napapahinto. Sumunod na tinanong ang pangalawang contestant.
"Kung may isang tao kang dapat tulungan, sino ito at bakit mo siya tutulungan?"
"T-Thank you for that wonderful question. Para sakin po... uhm.. tutulungan ko ang... ang... pamilya ko..." Tumigil ang pangalawang contestant at hindi na nagsalita. Na-mental block siguro. Kahit ako naman siguro ganyan din ang mangyayari. Pero sana, makasagot ako ng maayos. Ilang contestant ang tinanong at lahat sila mukhang kabado at nauutal habang nagsasalita sa stage hanggang sa si Sheena na ang pumunta sa gitna.
"What are you feeling right now, Ms. Sheena?" Tanong ng host dito.
"Little bit nervous but fine." Maarteng sagot ni Sheena. Naghiyawan ang lahat sa pag-ingles nito. Shit.
"Wow, you have a lot of supporters here." Sabi ng host. Ngumiti lang si Sheena sa mga supporters niya at naghiyawan ulit ang mga ito. Sana all.
Bumunot na si Sheena sa fishbowl ng tanong at binigay ito sa host.
"This is your question, Ms. Sheena. Sa iyong palagay, paano uunlad ang ating komunidad?"
Ngumisi si Sheena at confident na sumagot, "Thank you for that wonderful question. I think, uunlad ang ating komunidad kung ang lahat ng tao ay responsable. Bukod pa don, uunlad din ang ating komunidad kung may maayos itong pamumuno at kung nakikisama ang lahat sa pag-unlad ng ating komunidad. That's all, thank you."
Naghiyawan ang lahat sa sagot ni Sheena. Lumakas ang tibok ng puso ko. Maganda at matalino itong si Sheena. Hindi na ako magtataka kung siya ang magiging title holder sa pageant na ito.
Sumunod na pumunta sa gitna si Divina. Halata sa mukha niya na kinakabahan siya pero nakangiti parin.
"You look adorable, Ms. Divina." Sabi ng host sakaniya.
Medyo nahiya si Divina, "Thanks."
Bumunot na si Divina ng question at binigay 'yon sa host.
"So here's your question, sa iyong palagay, masasabi mo ba na isa kang mabuting bata o mabuting mamamayan?"
Ngumiti muna si Divina bago sumagot, "Sa palagay ko ako ay isang mabuting mamamayan. D-Dahil unang una, may takot ako sa diyos at may takot ako sa aking mga magulang. B-Bukod pa don, masasabi kong mabuti akong mamamayan dahil sumusunod ako sa batas, sa loob man ng paaralan o sa labas. Iyon lamang, maraming salamat."
Naghiyawan ang lahat ng matapos magsalita si Divina. Bumalik na ito sakaniyang pwesto at ngayon si Carolynne naman ang pumunta sa gitna. Lumakas ang tibok ng puso ko lalo dahil ako na ang susunod sakaniya.
"Hello, Ms. Carolynne. You're beautiful with your gown." Sabi ng host rito.
Ngumiti si Carolynne, "Thanks."
Bumunot na ito ng question niya at binigay sa host upang basahin. "Here's your question, importante ba ang teknolohiya sa mga kabataan ngayon? Bakit?"
BINABASA MO ANG
Love Maze (Completed)
TienerfictieSi Katrine Lerioza at Kenrick Olivar ay matalik na magkaibigan simula pa noong sila ay bata pa. Lahat ng naiisip nilang kalokohan ay ginagawa nila ng magkasama. Paano kung isang araw mahulog sila sa isa't isa? Paano kung magkaroon ng maraming haran...
