CHAPTER THIRTY ONE
Three weeks later since we confessed our relationship to our classmates. Syempre lahat sila nagulat. Akala nila magkaibigan lang talaga kami ni Kenrick. May iilan pa na nagtatanong sakin kung kailan daw naging kami at sinasagot ko naman sila ng maayos.Sa tatlong linggo na lumipas, medyo gumaan ang loob ko dahil alam na ng mga kaklase ko ang tungkol samin although, simula nung umamin kami ni Kenrick, hindi na ako pinansin pa ni Jared. Alam ko, nasaktan ko siya ng sobra. Kaya deserve ko ang pagtrato niya ng ganyan sakin. Sinubukan ko narin siyang kausapin at mag-sorry pero mukhang hindi niya ako pinapakinggan. Hinayaan ko nalang muna siyang magpalamig ng ulo.
Si Eula naman ay dumistansya kay Kenrick. Pero hindi parin maikakaila na gustong gusto niya si Kenrick kaya minsan hindi niya ito matiis at lumalapit siya rito paminsan minsan. Hindi ko pa nakakausap si Eula pero alam kong masama ang loob niya sakin. Hindi niya siguro matanggap ang relasyon namin ni Kenrick. Pero kahit ano pang gawin niya, wala na akong pakealam sakaniya. Ang mahalaga nasa akin na ngayon si Kenrick.
Napag-usapan narin namin ni Kenrick 'yung pinag-awayan namin nung nakaraang linggo. 'Yung pinag-awayan namin dahil pinakopya niya ako ng papel niya nung exam at sinabi niya kay ma'am Noela na siya lang ang may kasalanan. Ako ang unang nag-sorry sakaniya dahil nasaktan ko siya sa sinabi ko nung mga panahon na 'yon. Nag-sorry rin naman siya sakin at ayon nag-usap kami at nagkabati. Akala ko nga nung una, magmamatigas siya, e. Buti nalang hindi.
"Katrine," Tinignan ko si Kenrick ng bigla niya akong tinawag. Sabado ngayon at walang pasok. Nandito siya ngayon sa bahay at nanonood kami ng movie sa laptop niyang dala.
"Bakit?" Tanong ko at kumuha ng chips sa glass table namin rito sa sala at kinain.
"Sabihin narin kaya natin sa mga magulang natin kung ano ang namamagitan satin?" Bigla akong nasamid dahil sa sinabi niya. Binigyan niya ako ng tubig at hinaplos ang likod ko.
Grabe! Nabigla ako dun ah!
"N-Nakakabigla naman 'yang sinasabi mo, Kenrick." Sabi ko ng mahimasmasan. Umayos ako ng pagkakaupo sa sofa at sinilip kung nasaan si Mama. Buti nalang at wala siya sa kusina. Baka nasa loob ng kwarto nila ni Papa at natutulog.
"Sabihin na natin sakanila, Katrine. Malalaman din naman nila, e." Sabi niya at ngumuso. Tinignan ko ulit siya at napailing iling nalang. Kinurot ko ang magkabilang pisngi niya at nginisian.
"May tamang oras para dun, Kenrick. Sasabihin naman natin sakanila ang totoo, e. Pero 'wag muna ngayon." Sabi ko at humarap na ulit sa laptop.
"Pero kailan pa? Mas maganda kung maaga pa lang alam na nila." Sabi niya at umakbay sakin. Bigla akong napatayo ng bumukas ang pinto ng kwarto nila Mama. Lumabas doon si Mama at dumiretso ng CR. Napatingin ako kay Kenrick na kunot noo akong tinititigan.
"Baka mahuli tayo, Kenrick. 'Wag ka masyadong dumikit." Sabi ko at umupo ulit ng sofa pero medyo malayo na sakaniya. Mas lalong kumunot ang noo niya sakin at bumuntong hininga. Nanlaki ang mata ko ng lumapit siya sakin at akbayan ulit ako. Kinabahan ako ng lumabas si Mama ng CR. Napatingin siya samin.
Lumakas ang tibok ng puso ko ng magsalubong ang kilay ni Mama.
"Katrine..." Sambit niya habang nakatingin saming dalawa ni Kenrick. Nahirapan akong huminga at sobrang kabado na 'ko.
"B-Bakit, Ma?" Nauutal na tanong ko. Narinig ko ang mahinang tawa ni Kenrick sa gilid ko. Tae siya. Kinakabahan na ko dito tapos siya kalmado lang? Kainis!
"Mag-saing kana tapos magluto ng ulam. Aalis lang ako. Dito mo na pakainin si Kenrick." Sabi ni Mama. Bigla akong napabuga ng malakas na hangin at parang nabunutan ng tinik. Oh my god! Akala ko, nahuli na kami, e!
BINABASA MO ANG
Love Maze (Completed)
Novela JuvenilSi Katrine Lerioza at Kenrick Olivar ay matalik na magkaibigan simula pa noong sila ay bata pa. Lahat ng naiisip nilang kalokohan ay ginagawa nila ng magkasama. Paano kung isang araw mahulog sila sa isa't isa? Paano kung magkaroon ng maraming haran...