CHAPTER TWENTY SIX
Maganda ang mood ko ngayong araw. Nakangiti akong bumangon sa kama at at inayos ang hinigaan ko. Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa banyo para gawin ang morning rituals ko. Nang matapos akong mag-ayos, dumiretso ako ng sala at nakita kong nandoon si Mama at Papa at may pipanood sila sa cellphone. Linggo nga pala ngayon at walang pasok si Papa. Buti naman at makakapagpahinga na si Papa ngayon. Pagod yata kasi lagi sa trabaho, eh."Sayang kasi di mo napanood ang anak mo ng personal, napakagaling niya." Sabi ni Mama habang nanonood sa cellphone.
Napangiti si Papa, "Kanino pa ba magmamana ang anak mo? Hindi ba, sakin?"
Nakita kong umirap si Mama, "Sus! Kitang kita naman sa akin nagmana ang anak mo. Bukod sa ganda, may utak!"
Kumunot ang noo ni Papa, "Anong pinapalabas mo?"
"Wala naman." Sabi ni Mama at ngumisi. Napangiti nalang ako at napailing iling sakanilang dalawa. Ganito yata sila maglambingan. Hahaha!
"Good morning!" Nakangiting bati ko sakanila at umupo sa gitna nilang dalawa. Tinignan ko ang kanilang pinapanood at nakita kong ito 'yong pageant kagabi. Na-video-han pala ako ni Mama? Akala ko puro lang siya kuha ng litrato.
"Anak, ang galing mo pala, e. Sumali ka pa ulit ng pageant." Sabi ni Papa at ginulo ang tuktok ng buhok ko.
Napanguso ako, "Ayoko na, Pa. Sobrang nakakakaba kaya."
"Sus, ganun naman talaga. Di mo maiiwasang kabahan sa ganon." Sabi ni Mama at tumayo. "Kukuha lang ako ng almusal niyo."
Dumiretso si Mama sa kusina at bumalik ng may dala ng pagkain pang-agahan. Sabay sabay kaming kumain at nagkukwentuhan. Nag-sorry narin si Papa dahil hindi siya nakanood kagabi.
"Ayos lang 'yun, Pa. Alam ko namang todo support ka sakin, e." Sabi ko habang kumakain ng tasty bread na may palaman na ham.
Ngumiti si Papa, "Dapat talaga umabsent nalang ako kahapon, e. Hindi ko alam na ipapa-overtime ako ni boss."
"Hayaan mo na 'yon, mahal. Tapos na eh. Ano pang magagawa mo?" Taas kilay na sabi ni Mama. Napatawa nalang ako sa sinabi ni Mama. Ang tuhray naman this ghorl. Hahahaha.
Napangisi nalang rin si Papa at napailing iling kay Mama. Ilang minuto kaming kumain ng almusal hanggang sa may kumatok. Si Mama ang pumunta ng pinto para tignan kung sino 'yon.
"Katrine, nandito si Kenrick!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Mama. Agad akong napatayo at napatakbo papuntang pinto. Wait, teka, napaka-excited ko naman yatang makita siya?
"Hello, good morning." Nakangiting bati niya sakin. Biglang lumakas ang tibok ng puso ng makita ang gwapong mukha. Naka-porma siya ngayon. Nakasuot siya ng dark red polo shirt at black fitted pants. Nakaayos rin ang buhok niya at mukha siyang bagong gupit. Bagay sakaniya ang kaniyang porma dahil sa maputi niyang balat, maliit na mata, matangos na ilong at mapupulang labi. Damn.
"Kenrick, pasok ka muna." Sabi ni Mama at naunang pumasok sa loob ng bahay.
"Uy!" Tawag sakin ni Kenrick. Nawala bigla ang pagkatulala ko sa mukha niya at napalunok.
"G-Good morning, pasok ka." Sabi ko at tipid na ngumiti. Tumango siya at sinundan na ako sa loob ng bahay.
"A-Anong meron? Bakit naka-porma ka?" Hindi maiwasang tanong ko.
Nakita kong ngumisi siya at bumulong sakin, "Magde-date tayo."
Napahinto ako sa paglakad at hinarap siya. Nag-init ang pisngi ko.
BINABASA MO ANG
Love Maze (Completed)
Teen FictionSi Katrine Lerioza at Kenrick Olivar ay matalik na magkaibigan simula pa noong sila ay bata pa. Lahat ng naiisip nilang kalokohan ay ginagawa nila ng magkasama. Paano kung isang araw mahulog sila sa isa't isa? Paano kung magkaroon ng maraming haran...