CHAPTER SEVEN
"I'm sorry po talaga sa nangyari." Paumanhin ko sa Prefect of disipline rito sa school namin. Dinala kami rito sa faculty dahil nanggulo si Kenrick sa library. Buti nalang at hindi kami diniretso sa Guidance office. Malalagot ako kay Mama at Papa kapag nangyari 'yon.Lumabas na kaming tatlo ng faculty at dinala ang tig-iisang walis namin. Ano pa bang parusa? Edi community service. Wawalisin lang naman namin buong araw ang mga kalat sa paligid nitong school.
Bumuntong hininga nalang ako at sinumulan ng mag-walis. Kaso mukhang minamalas kami ngayon dahil sa sikat ng araw. Nagsisimula na kaming mabilad sa araw. Pakshet, baka masunog ako.
Tinignan ko ang mga kasama ko at nakita kong malayo sila sa isa't isa. Buti naman at naisipan ni Kenrick na lumayo kay Sean dahil alam kong manggigigil nanaman ito at baka maulit nanaman ang suntok. Kabanas rin kasi itong si Kenrick eh. Manununtok ng walang dahilan. Tinatanong siya kanina ng Prefect kung bakit niya sinuntok si Sean ang sinasagot niya lang ay, "Gusto ko lang, Sir."
Badtrip. Kung tutuusin dapat hindi kami ngayon mag-community service kung hindi dahil sakaniya. Bigla bigla nalang kasing manununtok ang kupal ng walang dahilan at ginusto niya lang daw. Tae.
"Ang init naman!" Reklamo ng kupal na si Kenrick. Napatingin kami sakaniya ni Sean. Nakita kong tinignan niya si Sean ng masama kaya bigla nitong niyuko ang ulo at pinagpatuloy ang pagwawalis ng mga dahon.
"Nagrereklamo ka diyan eh kasalanan mo naman kung bakit nangyari 'to." Sabi ko at pinagpatuloy na ang pagwawalis. Narinig ko naman ang pagbuga niya ng malakas na hangin.
"Kasalanan ko bang nabadtrip ako sa lalaking 'yan? Akala ko pa naman tahimik lang na wierdo pero bakit may pahalik halik ng nalalaman?" Singal sakin ni Kenrick. So, dahil dun kaya niya sinuntok si Sean? Dahil hinalikan ako ni Sean sa noo? Hindi naman yata tamang suntukin niya nalang bigla si Sean.
"Pero hindi mo siya kailangan suntukin, Kenrick. Sumusobra ka na." Nagsalubong ang dalawang kilay niya sa sinabi ko. Lumapit siya sakin at kita ko ang pag-igting ng bagang niya.
Kaibigan ko ba talaga tong si Kenrick? Puro nalang kami away nitong mga nakaraang araw. Nabubwisit na ako sakaniya.
"Ako pa ang sumusobra, Katrine? Ako pa? Tama ba 'yung halikan ka niya? Tama ba 'yon? Babae ka, mag-isip ka nga!"
Napapikit ako sa inis, "Wag ka ngang over acting, Kenrick. Ikaw ba ang hinalikan? Ikaw ba? Friendly kiss lang 'yon!"
Mas lalo siyang nainis sa sinabi ko. Kahit ako naman maiinis sa dahilan ko. Friendly kiss? Seriously, Katrine?
Napansin kong pinapanood na kami ni Sean kaya hindi na ako nag-atubiling lapitan siya. Tinawag pa ko ng kupal.
"Katrine, ang tigas ng ulo mo! Manyak ang lalaking 'yan!" Napatigil ako sa paglalakad dahil sa narinig mula kay Kenrick. Hindi ko na napigilan ang sarili at lumapit ako sakaniya upang sampalin siya. Wala ng preno ang bibig nitong si Kenrick. Kailangan na niyang matauhan.
"Hindi mo kilala si Sean, Kenrick. Masyado kang mapang-husga!" Sabi ko sakaniya habang hindi parin siya makapaniwala sa sampal ko. Inirapan ko nalang siya at dumiretso kay Sean para hilahin siya. Naghanap kami ng panibagong pwesto na pagwawalisan namin ni Sean. Basta malayo sa isang kupal na abnormal. Masyadong OA ang gago.
"Katrine.." Nilingon ko si Sean. Nakita kong pag-aalala sa mukha niya.
"Huwag mong pansinin ang kupal na 'yon. Deserve niya ang sampal." Sabi ko at umismid. "Hindi tama na sabihan ka niya ng ganon. Kahit bestfriend ko pa siya, hindi ko siya kakampihan dahil alam kong siya ang may mali rito."
BINABASA MO ANG
Love Maze (Completed)
Teen FictionSi Katrine Lerioza at Kenrick Olivar ay matalik na magkaibigan simula pa noong sila ay bata pa. Lahat ng naiisip nilang kalokohan ay ginagawa nila ng magkasama. Paano kung isang araw mahulog sila sa isa't isa? Paano kung magkaroon ng maraming haran...