CHAPTER THIRTY TWO
Patuloy akong humahagulhol sa tabi ni Kenrick. Nandito kami ngayon sa isang lumang park. Mas pinili kong lumayo muna sa bahay dahil mas lalo lang akong nasasaktan kapag naririnig ang mga sinasabi ng mga magulang ko. Hindi naman ako tanga para hindi malaman kung anong nangyayari sakanila. Nung narinig ko palang ang salitang 'mangbabae' nakuha ko na agad kung ano ang nangyayari.Pero hindi pa naman ako sigurado kung totoo nga bang nangbabae si Papa. Baka naman nagdududa lang si Mama? Baka naman nagkamali lang si Mama ng nakita o nakuhang impormasyon? Baka katrabaho lang 'yun ni Papa? Baka kaibigan?
Argh! Ang hirap mag-isip. Tangina. Naiisip ko palang 'yung pag-aaway nila Mama't Papa kanina, naiiyak ako. Hindi ko pa kasi sila nakitang ganon mag-away dati, e. Hindi ganito kalala 'yung pag-aaway nila.
Syempre bilang anak, ayokong may ibang kahati ng atensyon sa mga magulang ko. Ang hirap nun para sakin. Ayokong mag-isip ng kung ano ano pero shit. Sana hindi masira ang relasyon ni Mama't Papa dahil lang dito. Nakakatakot.
"Shh, tahan na, Katrine." Bulong sakin ni Kenrick habang patuloy parin ako sa paghagulhol. Hindi ko kayang tumahan. Ang sakit sakit, e. Apektado ako sa away ng mga magulang ko. Hindi ako isang bata na walang pakialam. 17 years old na ako at impossibleng hindi ako maapektuhan.
"K-Kenrick..." Usal ko habang umiiyak. Hinagod ni Kenrick ang likod ko. Hindi siya nagsalita. Nanatili lang siya sa tabi ko. Hindi ko naman kailangan kung anong sasabihin niya, sapat na sakin 'yung nandiyan siya sa tabi ko. Wala kasi akong ibang masasandalan ngayon, e. Siya lang ang kaisa isa kong malalapitan.
"B-Bakit ganun... narinig ko si Mama.. ang sabi niya nangbabae si.. si Papa.. bakit ganun, Kenrick? Bakit ginawa 'yun ni Papa?" Usal ko at naisapo nalang ang dalawang kamay sa aking mukha at umiyak ng umiyak.
Hinawakan ni Kenrick ang magkabilang balikat ko at pinaharap ako sakaniya. Tinanggal niya ang dalawang kamay na nakasapo sa mukha ko. Tinignan ko siya at nagtama ang paningin namin.
"Hindi pa tayo sigurado kung totoo nga 'yon, Katrine. Kailangan mong kausapin ang mga magulang mo kung totoo ba ang tungkol doon." Aniya.
"N-Natatakot ako, Kenrick. Paano kapag nalaman kong totoo 'yun? Hindi ko alam kung anong gagawin ko." Sagot ko at bumagsak ang tingin ko sa aking kamay. Hinawakan niya ang baba ko at nagtama ulit ang mata naming dalawa.
"Wag kang matakot, Katrine. Nandito lang ako. Alam kong magiging maayos din ang lahat." Sabi niya at pagkatapos nun, niyakap niya ako. Niyakap ko siya pabalik at napaiyak na naman ulit ako.
•••
Kinabukasan, araw ng linggo. Nagising ako ng mugtong mugto ang mata. Mahapdi rin ang mata ko dahil sa kakaiyak kagabi. Hindi talaga natapos ang pag-iyak ko kagabi dahil sa kung ano anong naiisip.
Tamad akong bumangon sa kama at lumabas ng kwarto para dumiretso ng CR. Napatingin ako sa sala, nakita kong nandun si Papa at natutulog sa sofa. Hindi siya kasya doon dahil masyado siyang malaki. Pero pinagsiksikan niya ang kaniyang sarili para doon matulog.
Lumapit ako sakaniya at ginising siya. Bigla siyang nagising. Nagulat siya ng makita ako. Umupo siya sa sofa at inayos ang sarili.
"B-Bakit diyan po kayo natulog?" Hindi maiwasang tanong ko.
Ngumiti sakin si Papa at ginulo ang buhok ko, "Sabi ng Mama mo dito ako matulog, e. Sinusunod ko lang siya."
Hindi na ako nakasagot dahil sa sinabi niya. Nagbabadya na naman ang luha sa mata ko. Humugot ako ng malalim na hininga at umiwas ng tingin kay Papa.
BINABASA MO ANG
Love Maze (Completed)
Novela JuvenilSi Katrine Lerioza at Kenrick Olivar ay matalik na magkaibigan simula pa noong sila ay bata pa. Lahat ng naiisip nilang kalokohan ay ginagawa nila ng magkasama. Paano kung isang araw mahulog sila sa isa't isa? Paano kung magkaroon ng maraming haran...