CHAPTER FOURTY NINE
Lumabas kami ni Kenrick sa kotse at dinala niya ako sakanilang bahay. Pagpasok namin sa loob nakita namin doon ang Mama at Papa niya. Nahiya pa ako dahil ngayon ko nalang ulit sila nakita matapos mangyari ang paghihiwalay namin ni Kenrick. Nagtama ang paningin namin ng Mama ni Kenrick at nakita kong nakangiti ito sakin.
"Mom, Dad," Tugon ni Kenrick at nagmano sakaniyang mga magulang. Lumapit din ako sakanila at nagmano din upang hindi magmukang bastos.
"Good afternoon po, Tito, Tita." Tugon ko at ngumiti sakanila. Sinuklian din naman nila ako ng matamis na ngiti. Parang gumaan ang pakiramdam ko. Kanina sobrang kinakabahan akong harapin sila ulit pero dahil sa ngiti nila nawala yung kaba ko.
"Alam ko na mangyayari ito, hija. Alam kong magbabalikan parin kayo ng anak ko kahit na paghiwalayin man kayo." Sabi ni Tita habang nakangiti sakin.
"Mom, 'wag mo na ulit kami paghihiwalayin. Hindi na kami maghihiwalay sa oras na 'to." Sabi ni Kenrick habang nakanguso.
Napangisi ang Papa ni Kenrick, "Ginawa lang ng Mom mo ang makakabuti para sayo kaya sana maintindihan mo din kami, Kenrick. Iniisip lang namin ang kapakanan mo noon. We're your parents and parents always thinks what's the best for their children. I hope you understand that."
"I understand, Dad. Pero mali parin na paghiwalayin niyo kami. You know how much I love her. Lagi kong sinasabi sainyo 'yon, Mom and Dad right?" Sagot ni Kenrick. Mas lalong lumapad ang ngiti ng mga magulang niya dahil sa sinabi nito.
Lumapit sakin si Tita at hinawakan ang kamay ko, "I'm sorry hija. Mali ang naging paraan ko para magkaroon ng magandang kinabukasan ang anak ko. I shouldn't have told you to break up with my son. He's so inlove with you, hija."
Namasa ang mata ko at may tumulong ilang butil ng luha mula rito. "It's okay, Tita. I understand po. Alam kong iniisip niyo lang ang future ni Kenrick at ganun din po ako."
"Thank you hija," Sagot ni Tita at humarap naman kay Kenrick. "And son, we're very sorry if we pressured you. Hindi kami naging mabuting magulang sayo pero pinapangako namin na babawi kami ng Dad mo. Sana maging masaya kayo ni Katrine. Alagaan mo siya at 'wag kang mananakit ng babae. Okay?"
"Yes, Mom. Thank you sainyo ni Dad. The best talaga kayo para sakin." Sabi ni Kenrick at niyakap ang Mama at Papa niya. Kumalas sa pagyakap ang Mama ni Kenrick at pinasama ako sa group hug. Hinaplos ang puso ko ng mayakap ko silang lahat. Feeling ko kasama na ako sa pamilya nila. Napakasaya ng ganito. Sobrang sarap sa feeling. Para akong lumilipad sa sobrang saya.
"Oh sige na 'wag na tayo mag-dramahan," Sabi ng Papa ni Kenrick kaya natawa kaming lahat. "Kumain muna tayo. Ay oo nga pala Katrine, Congratulations hija."
Napangiti ako, "Thank you po, Tito."
"Congrats hija, I know your parents are proud of you." Sabi din ni Tita.
"Opo, Tita. I know they're so proud. Thank you din po Tita."
Napangiti si Tita sa sinabi ko, "Oh s'ya, kumain na tayo. Sumabay kana samin Katrine." Sabi ni Tita.
Naghanda ng pagkain ang mga maid nila Kenrick at umupo na kami para kumain. Sabay sabay kaming kumain at nagusap tungkol sa ibang bagay. Sobrang gaan ng loob ko sa pamilya ni Kenrick. Napalapit nako sakanila and I love them too.
Pagtapos namin kumain dinala ako ni Kenrick sa kwarto niya. Habang nakahiga kami nakasandal ako sa dibdib niya at nakayakap sakaniya.
"Are you happy?" Tanong niya sakin.
"Sobra." Sagot ko. "I love you."
Napangiti siya, "I love you too."
Lumapad ang ngiti ko at tinignan siya, "I love you more."
BINABASA MO ANG
Love Maze (Completed)
Fiksi RemajaSi Katrine Lerioza at Kenrick Olivar ay matalik na magkaibigan simula pa noong sila ay bata pa. Lahat ng naiisip nilang kalokohan ay ginagawa nila ng magkasama. Paano kung isang araw mahulog sila sa isa't isa? Paano kung magkaroon ng maraming haran...
